Wednesday, August 20, 2008
Oral History of Tarra Quismundo
August 15, 2008
Interviewers: Enrique Rodel L. Arellano and Moujeck Steve O. Cabales
MC: Pakikwento naman paano kayo napunta dito sa Inquirer.
TQ: Kasi nung college sa UP, may inooffer kasing scholarship sa Inquirer. Nakuha kami. 3 kami na naging scholars dun sa scholarship na yun. Meron silang term na dapat pagkatapos mong grumadweyt ng college diretso ka sa Inquirer. Magandang opportunity na after this scholarship, inaabsorb yung scholars ng Inquirer. There. May opening for reporters, sakto so yun. Bali after graduation March ng April magstart na kami ng training by May tapos by July hired na.
MC: Paano po yung OJT?
TQ: Hinde kasi before that mga 3rd year summer may separate pa na on the job training. Dito rin ako nag-OJT since scholar din. Yun yung program from May to July bago kami maging probationary employees. Parang cub reporters. Parang inassign kami sa isang beat tapos training kami under another reporter. Parang advanced type of on the job training kasi inaassign din kami ng desk.
MC: Written exam ho ba yun, ano exam na yun?
TQ: Yung you mean bago makapasok ng Inquirer for employment?
MC: Opo
TQ: Oo, yung may exam, may newswriting exam, merong psychological exam.
MC: Di nga po?
TQ: Oo promise tapos may medical exam siyempre. Uapos mga madaming screening of examination yun eh, if I remember.
MC: Ano po yung psychological exam?
TQ: Written exam din siya. Di ko na kasi maalala pero psychological test yung tawag nila dun tapos mahaba yun parang 3 hours ata yun.
MC: So ano ho yung mga memorable experiences nyo nung baguhan ka lang?
TQ: Anung baguhan ako?
MC: Nung unang pasok nyo po.
TQ: I think unang coverage ko ng rally, siyempre Manila area, dun sa may Kalaw. Tapos nung unang coverage ko ng rally, ang nagrarally dun ay KMU. Tapos the usual na hindi sila pedeng magrally tapos may darating na pulis na magnenegotiations.
MC: Anong rally po yun?
TQ: Grabe 2003 pa kasi yun di ko maalala. Ang dami nang rally na kinover ko no. Basta of course the usual issue like labor issue na nananawagan. I think wage na naman yun kasi malapit sa DOLE. Tapos since first time ko yun edi nangangapa pa ako dun sa coverage. Tapos nung nag-uusap yung labor leader tsaka yung pulis bigla na lang may kumuha dun sa labor leader. Tapos naging violent na yung mga rallyista tapos ayan na nagbabatuhan na. Ako parang “San ako pupunta?” Siyempre ginaganyan ko yung ID ko. Hihihi media media parang ganyan. First time ko yun eh. Tapos sabi nung isang rallyista “lika sama ka sa kin sama ka sa kin” tapos siyempre yung mga pulis sa kanila humahabol edi tumigil ako. Di na ko tumakbo ayun wala na tapos na siya.
MC: Di ba delikado na parang nasasama kayo sa bomba ng bumbero?
TQ: Yung ganung klaseng dispersal, di pa naman ako naiipit sa ganun. Yung dispersal na yun batuhan pa lang pero walang bumbero nun, di ako nabasa.
MC: Yung pulis po yung namamalo?
TQ: Yung namamalo hindi naman. Kasi pag ganun dapat tatabi ka naman eh. As you go along makikita mo naman yung kung pano yung galaw nung ibang media, photographers reporters. Siyempre hindi ka dapat umalis dun sa area diba pero pagka rally tatabi ka lang. Pag ka nagkakaron na ng gulo siyempre kailangan mo sumunod pero nandun ka sa tabi. Hindi ka dapat sa gitna. Pero may mga cases na yung mga kumukuha ng pictures na nandun sa mismong point of clash ng dalawang dispersal units tsaka nung mga raliyista. Maraming cases na napalo pero ako di pa naman hahaha. Buti nalang di pa.
MC: Ano po masasabi nyo sa office, sa Inquirer?
TQ: Maganda siya hehe.
RA: Ganito na po siya nung nagstart siya, nung pagpasok nyo dito?
TQ: Haha, oo. You mean the structure itself o..
MC: Ligthing, ventilation..
RA: Hahaha.
TQ: Seryoso? Hahaha. Maganda siya kasi maputi, ganun, joke. Hindi, kasi as field reporters we rarely go dito sa office. Tuwing meetings lang kapag pinapatawag ng boss tapos kapag may administrative stuff na kailangang ayusin like reimbursements. Kailangan mo ng battery for your tape recorder, punta ka dito. Buti na lang ako convenient kasi malapit lang bahay ko. Kasi mga almost 500 employees pa lang naman kami, most of which ay based dito sa loob. Pero mga..ilan ba ang reporters, 30 plus? All in all, business, metro section, and news. That's for the news section, separate na yung reporters ng lifestyle and sports. Pero kami as reporters na sa labas kami, na sa beats kami. Hindi kami masyado nagsestay dito. Dun sa news room, dun mo ko makikita yung kung paano yung daily grind sa isang newspaper. Pero, yun nga, na sa labas kami so iniemail lang namin yung stories. Kailangan namin pumunta dito kapag Christmas party, ganyan hehe, kapag anniversary, ganun. Hehehe.
MC: Pero okay naman yung location niya?.
TQ: Ah yung location? Oo rather than dun sa masikip na Port area. Diba dun sa port area karamihan ng mga newspaper offices. Dati merong office din ang Inquirer sa UN Avenue na hindi ko na inabutan yun. Nung nagstart na nandito na talaga siya. For me, okay siya for the company kasi kalapit lang niya yung printing press, nandun yung printing press, tapos..
RA: San yung printing press?
TQ: Sa likod, ang tawag dun ay, ano nga yun.. FAP?
RA: Nandiyan din mismo yung..
TQ: Sa likod, oo. Tapos sa likod nun yung condominium ng Inquirer hahaha. Parang isa siyang block. Tapos, convenient din siya kasi kung magcocommute ka paglabas mo may jeep na, hehehe. Tapos maluwag siya. Makikita nyo rin yung mga giant britos na nakaupo lang dun sa isang space dun.
MC: Ahh. Ano masasabi nyo sa working hours nyo?
TQ: Kasi flex time kami. Wala kaming fixed working hours. Hindi kami nagba-[bundy]. Wala kaming daily time record. Ang attendance namin ay based on the stories that we submit. The way it works is halimbawa ako, ang area ko is airport tsaka airforce, kailangan nandun ako sa area na yun everyday. Kunwari may nakaschedule na presscon sa airforce o kaya sa airport, kailangan nandun ako. Or kung walang nakaschedule for the day kailangan ikutin ko yung lugar para makahanap ako ng stories. Tapos kailangan by 2pm meron na akong nasubmit na summary sa desk namin.. Yung it’s like one paragraph ng kung ano yung mga stories mo for the day. Tapos by 5 dapat masubmit mo na siya. Pero it doesn’t mean na after 5 tapos na kami, petiks petiks na lang. Di ganun, kasi kailangan mo pa rin magmonitor kung ano yung nangyayari dun sa area mo. Actually yung work for a reporter starts early. Pagkagising mo magmomonitor ka ng radyo, kung meron silang mga nirereports from your area, kasi meron silang nakaduty ng maagang-maaga diba. Tapos, hanggang gabi kailangan you get in touch with sources kung may nangyayari sa beat mo. Para hindi ka na iniscoopan kasi if hindi mo hawak sa leeg yung beat mo baka malusutan ka ng stories na malalaki. Kailangan lagi kang on your toes.
MC: Ah, yung holiday naman, may holiday po ba kayo?
TQ: Sa kalendaryo lang hahaha.
RA: Kapag holidays may work pa rin?
TQ: Kapag pasko nagtatrabaho ka. Lalo na kung yung beat mo halimbawa government agency. DOJ ang beat mo. Kung holiday kailangan mo magwork pero hindi mo na kailangan pumunta sa DOJ diba kasi sarado naman siya.
RA: Paano po yun?
TQ: Pero, halimbawa, police beat. Hindi naman nagsasara ang police station diba, at hindi tumitigil ang krimen dahil sa holidays. Kailangan mo pa rin makuha yung mga insidente. Tapos sa airport, dahil hindi din tumitigil ang flights. Kailangan mo pa rin malaman kung ano yung mga nangyayari. Sa limang taon nasanay na rin ako ng parang ganun yung dynamics ng trabaho. Walang holiday pero at least may panahon naman na walang masyadong maraming nangyayari sa area mo.
MC: Anong araw po ba yung day-off nyo?
TQ: Ako, Wednesdays and Saturdays, magkahiwalay. Pero recent lang. Start of the year nagkaron ng experiment na dalawa na yung day-off namin. From the time na start ako, 2003 to last year, isa lang yung day-off, sabado lang. Pero ngayon tinatry na maging dalawa yung day-off.
MC: Pero, pwede ho kayo mag LOA kahit anong oras?
TQ: Hindi. Kasi dahil dun sa nature nung trabaho mo hindi ka pwedeng “ay maglileave ako bukas kasi wala lang.” Hindi pwede. kasi halimbawa, pag day-off mo dapat may papalit sa area mo kasi hindi pwedeng walang tao dun kasi otherwise pag may nangyari dun diba paano ka na. Paano na yung diyaryo, edi mawawalan na ng balita yung diyaryo. Tsaka kailangan pinaplano yung leave. Of course may emergency leave kami tsaka sick leave kasi hindi mo naman maprepredict kung kailan ka magkakasakit diba. Pero yung vacation leave kailangan planado tsaka iadvice mo yung editor mo kung kailan ka maglileave.
MC: Paano po kapag buntis yung reporter?
RA: Oo nga no.
TQ: Hahaha.
MC: Di, paano lang po, curious lang po.
TQ: Kapag buntis? kasi hindi ko pa naranasan yun eh, hahaha. Kung maternity leave naman meron naman. Kapag 7 months na pregnant ka na pwede ka nang magleave, papalabasin ka na. Pero syempre noh may leave naman. May waterbroke tapos nagbrebreaking news ka pa rin, hihihi.
MC: Okay naman po ba yung salaries nyo?
TQ: Oo okay naman kasi bukod sa basic salary meron kaming allowance na for transportation tsaka communication. So covered yung mobile phone whether prepaid or postpaid, at up to a certain amount. Parang naaaliw siya oh.
RA: Kala ko parang unlimited talaga eh.
TQ: Ah hinde. Kapag sumobra ka at your own expense na yun.
RA: Ah okay.
TQ: Oo, tapos yung transpo okay naman siya. Oo okay naman.
MC: May ano po ba yung promotion dito?
TQ: Meron din. Kasi sa reporters, nag-isstart siya sa reporter 1, tapos may 2, 3, and 4.
MC/RA: Ano po yung difference ng 1, 2, 3, 4?
TQ: Salary. Tsaka yung 1 yun yung mga start out, yung entry level. Actually kailangan mong patunayan talaga yung sarili mo for several years bago yung promotions. Like ako 5 years na ako pero reporter 1 parin yung rank ko. Yung mga reporter 4 sila na yung mga pangexpose, yung mga pang scoop. Kasi yung beat nga nag-umpisa siya for entry level. Karamihan police beat, tapos as you graduate from one level to another, pwede kang maassign sa government departments like DOH, DOJ. Tapos yung mga pangviva beats na yung mga Senate. Tapos Malacanang.
MC: So yung mga deadlines ng Inquirer okay lang sa inyo? Di po ba hassle?
TQ: Di kasi pag pinasok mo siya ganun na talaga. I mean, yung bare minimum ng trabaho mo is to meet the deadline. It’s not your right to contest. Oo deadline. Halimbawa may nangyari ng umagang-umaga tapos sunset na di mo pa siya nafa-file, parang bakit naman? Anong ginawa mo maghapon, nagpamasahe ka ba sa beat mo? Parang ganun. Yung desk talaga wants all reporters na to comply with the deadlines kasi nga it affects the entire process if late yung deadline. If hindi ka nagcomply sa deadline, late makukuha ng editor yung story mo, late din yun maproprocess, late siya malelayout until late na rin siya maimprenta. For all you know tanghali na siya darating sa mga news stands. Paano pa makikita ng mga tao yung product kung late ka?
MC: Hindi na talaga pwedeng mag-extend kahit 30 minutes?
TQ: Hindi. Pwede naman, hindi naman nasha-shutout yung story mo kapag ka hindi mo sinabmit on time. Siyempre may allowances pa rin especially kung malaking-malaki yung story mo. At tsaka for late breakers of course. Halimbawa ang deadline namin 5, may nangyaring malaking story nung 5:30. Pwede pang hintayin yan hanggang 7, 8. Actually kahit may mangyari ng 9. Halimbawa yung Batasan, nangyari siya mga 6? 7? o 8? Mga 8 na sumabog pero hinabol pa rin sya.
RA: Malapit sa amin yun eh.
TQ: Di mo alam yung pagsabog?
RA: Hinde, narinig ko yun eh from..
TQ: Kailangan mahabol mo pa rin yun kasi otherwise wala sa dyaryo mo diba. Tapos ngayon like yung Olympics, yung events nila minsan gabing-gabi na rin natatapos yung events na mahalaga diba. Kailangan paring mahabol yun sa dyaryo. Flexible naman. Basta at least mga 12, tapos na yung buong layout, tapos nagstart na ng imprenta. Maganda rin sa system kasi, we have satellite printing offices sa mga probinsiya. We just electronically send yung layouts, dun na nila piniprint. Hindi na kailangan ng travel time from Manila to.. O di na kailangan i-RORO yung dyaryo papunta sa Davao.
MC: Yung sa Beijing Olympics may pinapadala bang reporter sa China?
TQ: Oo yung sports editor mismo na sa China. Oo, nandun siya mismo. Bukod dun, nung pumunta si President Macapagal Arroyo dun may kasama din siyang reporter ng Inquirer. May sumunod din sa kanya to cover her events. Pero yung sports, yung sports editor talaga nandun to cover the actual..
MC: Sagot po sya ng Inquirer?
TQ: Oo, everytime we go out on assignments talaga, binibigyan kami ng allowances for lodging, for food.
RA: Ilan silang nagcocover ng sports sa Olympics?
TQ: Sa Olympics? I think isa lang. Isa lang, yung editor, kasi hindi naman niya kailangan i-cover lahat. Yung mga very important events lang tsaka siyempre yung mga events where Filipinos are competing.
MC: Ano po ba ibig sabihin ng cub reporter?
TQ: Yung cub reporter, parang cub scout.
MC: Ano po yun?
TQ: Di ka nagboys scout? Gosh. Yung parang junior reporter, parang nag-apprentice ka. Para na ring OJT pero since nagtetraining ka na to be an actual reporter dito sa Inquirer. Ginawa na lang na tawag cub reporter.
MC: May beat na rin po ba siya?
TQ: Inaassign ka sa isang beat tapos under ka ng isang reporter.
RA: Ahh.
TQ: Like ako nung nagstart ako, one month akong nagcub reporter sa northern area. Sa Caloocan, Malabon, Navotas.
MC: Pakikwento naman po anong experiences nung first beat nyo?
TQ: First beat ko, nung cub reporter pa lang ako, [Caloocan]. Yun kasi yung talagang ieexpect mo na kung saan ka ilalagay kapag nag-umpisa ka. Yung area na yun kasi matetrain ka sa lahat from commuting to dealing with police officers, dealing with sources. Siyempre iko-cover mo rin yung local governments. Pupunta ka sa mga munisipyo doon. Siyempre mahirap kasi alam nyo naman kapag konting ulan lang doon baha. Isa pa ring challenge yun. Wala kasing masyadong stories dun sa area na yun actually. The challenge is really to look for good community stories dun sa area kung wala nang nangyayaring krimen. Una ang training mo kasi pupunta ka sa police station titignan mo yung blotter. Tapos nung mga panahon na yun wala masyadong makikita kundi mga nahuhuli dahil sa, yung laro sa coins?
MC/RA: Kara Krus? Video Karera?
TQ: Kara Krus. Gagawa ka ng story tungkol sa Kara Krus, nung nag-uumpisa ako parang ganun. Kasi yung cub reporter program meron kang parang adviser dito na isang editor, sasabihin sa’yo na “kahit anong gawin mo sa story na yan, hindi mo na mareredeem, kung ano yung redeeming value ng story tungkol sa mga nagkaKara Krus”. Yun yung challenge para maghanap ka ng ibang mga stories na mas relevant sa mga tao, mas babasahin nila, kasi objective mo is to serve the readers. Kailangan kung ano yung gusto nilang malaman yun yung mabigay mo sa kanila.
MC: May kasama ho kayo dun sa beat?
TQ: Sa mga beat meron ding mga tambayan ng mga reporters from different news organizations like from different newspapers, from radio stations. Makakasama mo sila dun sa beat pero hindi mo sila kasama in doing your job. Katambay. Parang katambay mo lang sila.
MC: Ano po yung mga important lessons na natutunan nyo dun sa first beat nyo?
TQ: Yun yung unang experience ko in dealing with [people]. Kasi mahalaga sa reporters yung paano ka magdevelop ng source sa beats mo. Yung siya mag-iinform sa’yo na “Uy may ganito, may nangyari dito baka gusto mong..” Dun yung first taste ko ng ganung relationship with reporter source relationship and paano mo siya idedevelop. Dun mo rin maeexperience kung paano makipagdeal with policemen. Tapos yung mga mag-iinterview ka ng mga hinuhuling suspect, yung iinterviewhin mo habang na sa selda sila. Tsaka yung mga victims at mga relatives ng victims, mag-eexpose ka dun kung paano mo dapat iaapproach yung pag-interview ng mga tao na nawalan ng kapamilya. Yun so [incomprehensible] mo kung pano mo sila iinterview. And kung paano mo pagsamasamahin yung information into one story na masarap basahin..
MC: Curious lang po, nung bata kayo pangarap nyo talagang maging journalist? Curious lang po.
TQ: Nung bata ako, narealize ko lang na. Bata pa ako nagbabasa na ako ng Inquirer. Yun talaga yung exposure ko, tatay ko kasi may subscription sa Inquirer. Lagi talaga akong nagbabasa ng newspapers tapos nung sa high school na sa school paper ako. Tapos lagi akong naglalaro ng typewriter.
RA: Hahaha.
TQ: Hinde seryoso, hihihi. Nung nagcollege na ko nung narealize ko na nandun yung interest ko talaga na I feel like kahit maging work ko siya hindi ako nagwo-work. Yung talagang gusto mo siyang gawin. Yun yung pinursue ko. Hindi ko nakita yung sarili ko as an engineer or a doctor kasi takot ako sa dugo. Tapos lawyer, parang ang hirap din, so hindi talaga.
MC: Sino po ba yung mga memorable editors nyo?
TQ: Hihihi, parang tapos na yung career ko ah..[incomprehensible]..Hihihi, kasi iba-iba yung mga personalities, kanya-kanyang personalities talaga yung mga editors, just like any other na tao na makakasama mo sa iba-ibang okasyon. Siyempre inaadmire ko yung mga, do i have to name names?
MC: Ah sige okay lang po.
TQ: Or pwede din hindi? Hihihi, kasi siyempre marami sa newsrooms mga babaeng editor. Mag-aaspire ka din na kung gusto mong magtagal dun sa industry, sundan mo sila. Kasi sila din nagvovolunteer na kung paano mo mas pagbubutihin yung pagsusulat mo, kung paano mo magandang pag pagpuput together yung mga detalye ng isang story. Meron din naman, yung isang editor namin na matagal na nagtrabaho sa wires, sa newswires like Reuters, Agence France Press, siya talaga yung nagdidirect ng news. Sa sobrang tagal ng training niya talagang nandun pa rin yung, I mean, matanda na siya pero magwa-wonder ka bakit ganun pa rin katindi yung passion niya dun sa work. I mean yun yung iaaspire mo na parang kahit na senior citizen ka na talagang may nangyari parang “Waah,” parang, gusto kong tumakbo parang ganun dun sa area na yun para makuha yung story. Siya kasi yung parang nagmamarshall ng mga reporters ngayon, siya yung makakausap mo everyday, tapos it’s a sort of mentorship na rin na parang marami siyang nasheshare na pointers kung paano mo mas nata-tighten yung pagsusulat mo, mas magagawa mong punchy yung [leads], yung mga first paragraphs ng story mo at tsaka kung paano yung mga sharp questions that will get the strongest quotes. Marami talagang editors na willing to share their knowledge, their experience para din mag-improve yung output ng mga reporters. Di kami nagkukulang ng ganun dito sa Inquirer
MC: Mahigpit po ba sila sa mga grammar, accuracy?
TQ: Oo naman, sobra, kasi pag pasok mo ng Inquirer given na na dapat maayos na yung grammar mo. Kaya nga may tests na hiring tests kasi kung di pasado yung grammar mo hindi ka talaga makakapasok. Parang given na na pagpasok mo okay na yung grammar mo, it’s just a matter of improving yung how you put together details, how you sharpen your sentences. Kasi kahit na maganda, kahit perfect yung grammar mo iba pa rin yung matter ng style, iba pa rin yung matter ng coherence, yung mga iba-ibang writing tools na you improve as you go along.
MC: Paano po pag kunwari article masyadong nosebleed yung mga words, babaguhin po ba?
TQ: Oo binabago talaga nila at tsaka kapag ka ganun na cases na dumudugo yung kopya mo, ang tawag kasi namin kopya kapag yung story ng sinabmit mo tapos yung raw copy yun ang tawag. Kapag dumudugo talaga yan parang tatawagan ka talaga ng editor to tell you. Others would tell you in a nice way, others would would be upset kasi nga parang bakit ganito, bakit ganto mag-english, parang ganon. Pero yung in my experience naman karamihan ng mga editors naman would tell you nicely na ganito kasi meron din kaming mentoring program. It helps na 'instead of saying this you can say this'. They would go as far as reading back the entire story to you tapos makocompare mo na kung paano nila inedit and kung paano yung raw story mo. Tapos of course from your own observation like the next day kung binasa mo yung story mo how it was processed, makikita mo yung mga words na pinalitan. You learn na “Ay ganito pala dapat ang ginawa ko”, tsaka the editor has every right to rewrite your story, to change the angle, to edit out unnecessary sentences, to shorten the sentences kaya nga sila nandun.
MC: Diba sila nagagalit pag kunwari late na late na yung paper mo?
TQ: Hehe, siyempre tatanungin ka nila bakit nalate diba, pero ako naman di pa ko nakaexperience ng napagalitan dahil late.
MC: Tipong pinupunit po yung?
TQ: Hindi naman, tsaka hindi namin nakikita kung pinupunit talaga nila kasi nasa labas nga kami, hehehe. Pero sa mga meetings namin lagi nilang sinasabi na remember your deadlines. For me hindi pa naman umabot yung point na parang binagsakan ako ng telepono dahil late or sinendan ako ng memo dahil late ako. Hindi wala pang ganun. I guess kasi most of the time I try to meet the deadline talaga. I meet the deadline lalo na kung maaga nangyari. Pero kung latebreaker at tsaka kung mahirap yung subject, minsan hindi mo maavoid din na masyado kang engrossed in trying to produce the best copy that you can.
MC: Sino mga memorable naman na mga katrabaho nyo?
TQ: You mean, fellow..?
MC: Colleagues.
TQ: Colleagues. Kasi pag nasa beat ka talagang nagcre-create ng camaraderie eh, I can’t point a specific person pero you interact with fellow reporters, you interact with information officers. Walang nagsastand out, I mean I can’t specify somebody pero marami naman like any other office. Halimbawa na sa press office ka, talagang may times na aaliwin nyo yung mga sarili nyo o kaya na sa coverage kayo na matagal yung hintayan, inaaliw nyo na lang mga sarili nyo or nagbibiruan yung mga [reporters]. Kahit na an outsider would say may competition among your peers pero parang it’s like any other office na merong camaraderie, may pakikisama din.
MC: Curious lang po, nakasuhan na ba kayo ng libel?
TQ: Hindi pa, in 5 years hindi pa..
MC: Eh yung ano po, hinaharass yung journalists?
TQ: Hinaharass? Hindi pa naman.
MC: Kasi marami akong kilala, tipong binibigyan na ng death threat araw-araw.
TQ: Ah hinde, wala pa namang ganyan na umabot sa akin.
MC: Eh paano po yung mga politikong, kunwari may masamang kwento sa kanila, yung pinapatone down nila.
TQ: May mga naexperience na ako. Halimbawa sinulat mo lang naman yung kung ano nakuha mong tama pero sa tingin nila it’s not good publicity for them, sometimes they would call you up, parang upset, parang “Bakit ganun sinulat mo”. Siyempre your best defense is the truth.
MC: There's no malice.
TQ: Yun walang malisya. It’s up to journalist din to put together the story, kumbaga kung ano yung angle dun sa story na yun and it’s up for the reader to interpret. May mga occasions nga na mga politicians or mga police, mga officials ng mga agencies na minsan palambing na “Uy bakit naman ganyan” tapos ieexplain mo lang “Sir ganun po kasi yung result ng interviews, ganun yung lumabas sa mga interview ko sa mga tao.” As long as your doing your job with honesty, without malice at tsaka with the consciousness na you’re not doing this for anybody's interests but the readers, and you’re not protecting anyone or not serving anyone's favor, you won't get into to trouble. Walang karapatan yung isang politiko to hurt you or to malign or pakasuhan ka niya ng libel, makarating man sa korte ang libel case. Pero kung alam mo naman na tama yung ginawa mo, you have nothing to be afraid of.
MC: Meron po bang times na na terorista lumalapit sa inyo yung..
TQ: Terorista?
MC: Kunwari Abu Sayyaf sabihin “Uy paki publish naman yung mga hinaing namin oh.”
TQ: Ahh terorista, hindi pa naman kasi hindi pa ko nagcocover ng Mindanao eh [in reference to Abu Sayyaf].
MC: Ah ganun po?
TQ: Oo siyempre nandito ako sa Manila, pero wala pang terorista.
MC: Ano po yung talagang best memories na masasabi nyo bilang isang reporter?
TQ: Siguro yung mga pinaka masasabi kong best memories ay yung magagandang coverage na na-experience ko like yung trial nung sa Subic rape case, yung American soldiers na inaccuse ng rape. Talagang napakatinding experience nun sa akin personally.
MC: Na sa court po kayo nun?
TQ: Oo and professionally. Personally for me kasi it involves a woman diba. Yung testimonies kasi medyo graphic, yung pakikinggan mo yung testimony ng bawat accused. Tapos madalas pa umiiyak siya, naghihysterical siya. Somehow at some personal level maaapektuhan ka talaga. Kasi parang a year younger lang siya sa akin. Parang nandun yung pakiramdam na what if na sa posisyon ko siya or nakaibigan ko siya. Yung mga ganon. Tapos professionally naman natrained ako kasi nga court hearing yun na bawal magrecorder pero kailangan mong kunin lahat ng growth, alam mo yun, parang speednoting ka talaga.
MC: Stenography.
TQ: Oo, kung marunung lang ako magsteno diba. Yung talagang courtroom drama makikita mo talaga. Yung prosecution, yung against the defense. Lahat ng elements. Kasi this is not just a Filipina against foreign soldiers, parang siyempre tinitignan din nila na as Philippines against US, mga interpretations of woman against and abused ng mga Americans. Yung mga ganung nuances ng coverage kailangan makuha mo yung grip and macapture mo para din yung reportage mo is complete and comprehensive. Challenge talaga siya. And then, yung isa yung sobrang akala ko magkukudeta na talaga nun.
RA: Ah yung kay..?
TQ: February 2005..[incomprehensible]..2006 pala yung..
MC: Sa Oakwood ba un?
TQ: Yung sa Marines. Yung sa Fort Bonifacio, pumunta kami dun maaga pa sabi nila may mga resident marines na daw na gusto na raw mag-aklas tapos mga tatlo kaming reporters, isa nasa loob ako nandun sa may bay gate. Tapos mga sundown lumabas na yung mga sundalo na sila daw yung mga renegade soldiers na may mga reklamo. Lumabas sila tapos talagang in full battle gear tapos nandun ka lang sa kabila ng gate tapos maya-maya lumalabas ng yung isang malaking tangke, parang sabi ko “Oh my God” tapos tumatakbo ako kasi barikada na eh wala ka nang lulusutan. Nakaharang na from here from one end and the other. May harang na siya, hindi ka talaga makakalabas. Uncertain ka kung makakauwi ka pa ba. Yung mga ganung fears. Tapos kasi siyempre yung first coverage ko ng ganung insidente na parang almost a kudeta. Ayun, lumabas na yung tangke tapos tumawag ako sa office with a trembling voice parang sabi ko “Ma’am lumalabas na yung tangke” tapos sabi sa akin nung editor ko na babae “Kalmado ka lang ah di naman magpuputukan yan eh.” Kinacalm down na lang ako nung editor ko kasi syempre..
RA: Tuloy pa rin yung.
TQ: Oo nandun pa yung kaba na baguhan ka. Tapos Sunday yun, parang supposed to be relaxed ka lang, hihihi tapos biglang ganun. Tapos just a few meters away nandiyan yung government forces, nakakasa na rin sila tapos maya-maya nandiyan na yung mga protesters. Mga elements ng conflict nandun, tapos eventually mga past 12 midnight naresolve na rin siya. Parang “Hayy nakauwi na ko..” Tapos yung isa yung recent lang yung yung coverage dun naman yung lumubog na barko dito sa Romblon.
MC: Princess of the Stars.
TQ: Oo yun, yun naman yung unang coverage ko na talagang wala kaming kaplano plano nun, nakisakay lang ako sa..
RA: Hahaha.
TQ: Sa airforce plane na umalis ng Manila. Nandun ako walang dalang tshirt.
MC: Kagigising nyo lang po?
RA: Hahaha.
TQ: Hinde naman hahaha. Parang nag-aabang lang kami dun tapos parang “O sige makakasakay tayo” kasi nakiusap din kami sa mga generals na baka pwede kaming isakay. Isla talaga siya pero yung airport na sa kabilang isla pa. Yung matter of moving from one island to another wala pa kaming plano dun. Tapos pagdating namin dun nakisakay na naman kami sa airforce chopper tapos nung time na yun sa town center bawal daw maglanding kasi may mga VIP roon. Nag-landing kami sa isang malapit sa shoreline na parang isang clearing dun. Tapos di namin alam. Parang dinrop lang kami tapos sumakay kami ng scooter papunta dun sa town. Naki-para lang kami ng scooter tapos pagdating namin sa town pupunta ka na sa town hall. Hinanap ko yung mga pwedeng kausapin tungkol sa operation. The next day may mga dumarating na mga kamaganak. Ang dami-daming mga stories bukod sa operations, yung update ng rescue or retrieval. Tapos nandun din mga pamilya na naghahanap pa. Makakagawa ka ng mga feature stories about yung mga naghahanap na pamilya na nagtravel pa for days talaga from halimbawa from Cebu to Sibuyan island. Tapos remarkable din yung place kasi yung mga tao dun parang nakakagulat sila kasi 'good morning', 'good afternoon', parang refreshing ba na sa small town may ganun silang regard for outsiders. Tapos maganda rin yung place kasi may mga magaganda silang waterfalls, rivers..
MC: Mga beach po?
TQ: Hindi yung beach kasi hindi naman white sand. Malayong island pa yung white sand. Pero yung entire experience masaya. Kasi ngarag din yung coverage nun, parang sasakay ka ng train o kaya ng scooter sa rough road, paganyan, tapos pupunta ka dun sa.
MC: Scooter po?
TQ: Oo scooter talaga kasi yung primary means, yung scooter, yung parang wave.
MC: Ahhh.
TQ: Nag ganun tapos rough road. Marami kasing rough road. Pupunta ka dun sa site kung saan yung wreck tapos magaarkila ka ng bangka. Sakay ka ng bangka para makalapit ka dun sa shipwreck tapos from the boat, aakyat ka dun sa boat ng Coastguard. Lilipat ka dun sa boat ng coastguard. Talagang sobrang physically challenging siya pero masaya. Nung after mga, 10 days kasi ako dun eh. Nung mga 7th or 8th day yung mga reporters nandun sa may shipwreck tapos nag-iimagine na kunwari nag-aano kami, nagmamanicure, pedicure, umiinom ng starbucks frapuccino, mga ganyan.
RA: Hahaha.
TQ: Hahaha, kasi yun, basta masaya.
MC: Ano yung mga taga ibang newspapers na [incomprehensible]
TQ: Oo yun nga sa mga beats.
RA: Ah okay.
TQ: Nakakasabay mo din, nakakausap mo rin sila.
MC: Yun pong Manila Pen po ba kinuhanan nyo?
TQ: Hinde eh. Siya nacover niya yun [referring to another reporter in the same room] pero ako na sa Villamor Air Base ako kasi airforce ang kinocover ko. Inaabangan ko yung troop movements dun sa Villamor, tsaka nandun kasi si Esperon at that time, inaabangan ko siya..
MC: Yung Edsa 2 po?
TQ: Edsa 2 estudyante pa ako nun eh.
MC: Eh yung Edsa 3?
TQ: Edsa 2? Kailan ba yung Edsa 2? 2001 yun estudyante pa ako nun.
MC: Ahh.
TQ: 2003 ako grumadweyt hihi.
MC: Ay sorry po. Wala ka ng tanong [referring to Richie]?
RA: Wala na.
MC: Okay na po.
RA: Okay na?
________________________________________________________________
Tarra Quismundo was born on December 5, 1982 in Pagsanjan, Laguna. She studied in University of the Philippines - Diliman as a major in Journalism, and graduated in 2003. She is currently a reporter of Philippine Daily Inquirer since 2003.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment