Thursday, August 21, 2008

Oral History of Melvin Casas

August 19, 2008
INTPRIN A52
Submitted by: Redjine Boller and Albert Daag

Q: Name and Present Employment?
A: Melvin Casas, Cronies of People’s Tonite.
Q: Why did you decide to become a journalist?
A: Pangarap ko siya na sana someday ako ay magiging popular journalist, yun lang.
Q: May iba pa po ba sa pamilya niyo na may involved sa journalism?
A: Ah.. Wala..
Q: Kwento niyo po kung pano kayo nag-end up sa People’s Tonite.
A: Ah kasi nung high school ako nagging hilig ko kasing magbasa ng dyaryo tapos parang na-inspire ako ng isang columnist. Idol ko siya eh. Si Ynares then nung pagdating ko nung college, nagtake ako ng journalism and then sumali ako sa school paper naming yung “Sentinel” and that time nagging news editor ako sa amin and nung second year ako hanggang sa pag-graduate ko, fresh graduate ako nun nung “hi-nire” ako nung journal group naming as a sports correspondent.
Q: What is your position and what do you write about?
A: Now? Actually anything under the sun eh, pwede kong isulat basta kung alam mong yung anu siya, may anomalya o kung ano, alam mo pwedeng isulat, sinusulat ko kasi kung columnista, actually wala na akong beat basta’t lahat ng article ko is opinionated, based on my opinion.
Q: In the newspaper you work for, where is it located?
A: Actually, yung dati sa Port Area.. Ngayon andun na sa Makati, lumipat na siya sa Makati.
Q: Bakit po lumipat?
A: E kasi talagang di ano yung location eh, kasi Port Area yun eh, masyado na siyang traffic unlike dun sa Makati, kasi, business area siya. Kaya dun naming siya inilagay para sa mga magpapa-advertise, maganda yung lugar.
Q: Nagkaroon ba ng problems sa circulation?
A: Ah wala… actually maganda nga yung circulation naming eh, may marami ngang umu-order ng back issues, ibig sabihin, maganda ang circulation kinakapos pa minsan.
Q: How would you describe your office?
A: Well the same as kapag nakita mo, pagpasok mo parang busy lahat ng tao eh, ganun lahat sila, nakatutok dun sa computer, talagang working offices sila.
Q: Are the people there, easy to work with?
A: Yah, actually approachable naman silang lahat eh.
Q: What are your working conditions, like salaries, deadlines?
A: Di actually and salary medyo okay naman, medyo tama lang sa pamilya, okay naman siya, kayang mabuhay.
Q: Yun lang po yung work niyo? Sa newspaper lang, wala ng iba?
A: Wala na akong ibang sideline. Actually nagp-PR pero sa sweldo sa newspaper, okay naman kasi. Matagal na kasi ako eh, almost ano na ko dyan eh 1992 pa ko so mag-seventeen years na ako. Matagal na ako eh.
Q: How about deadlines?
A: Naha-harass kami sa deadline kasi actually, ang dyaryo kasi dapat about around 2pm dapat naka-submit na yung stories mo tapos dapat mga 2 hours before that, dapat naka-submit ka na rin nung title, yung mga sinulat mo basta dapat 2 o’ clock dapat andun na ang storya mo, nandun na. Para pagdating dun sa conference, alam nila kung saang page nila ilalagay ang story mo. Sa ngayon, wala akong deadline kasi columista na kasi ako, wala akong oras ng deadline kundi araw. Kasi and frequency ng column ko is M-W-F. So expected by Sunday, dapat nandudun na sa editor yung column ko then sa Tuesday naman andun sa editor, tapos pagdating ng Thursday dapat andun na sa editor.
Q: How about holidays po?
A: Wala kaming holiday, actually halimbawa yung isang istorya mo, tumama ng holidays o kaya ang araw mo sa paggawa mo ng istorya tumama ng holidays, obligado kang gawin yun.
Q: No exceptions?
A: Walang exceptions yun. Lahat.
Q: Have you ever been a cub reporter?
A: Yah. Oo dumaan ako dyan. Lahat naman dumadaan dyan eh.
Q: What is it like?
A: Well interesting kasi bata ka pa eh, so yung idealism nasayo eh. Medyo interesado ka magtrabaho eh, na-inspire ka eh, ika-nga siyempre napasok ka kagad eh, ibig sabihin, yung pangarap mo maging reporter, nahakbangan mo ng unang-una. Parang medyo interesado. Interesado siya.
Q: What was your first beat ever?
A: It was before when I was taken as a cub reporter, I was assigned in sports. I need to cover yung sabong, pina-cover sa akin yung sabong *laughs* tapos pati small basketball tournaments pina-cover sa akin, tapos yung UAAP, NCAA, PBA, Marlboro Tour, then after five years, of being this sports writer, my news editor, pick me up to fill the news beat kasi yung isang reporter namin nag-retire na, so walang ipapalit so kumuha dun sa sports, ako yung pinili, so kaya ako napuntang news.
Q: What were the important lessons you learned during those times?
A: Namulat ako sa katotohanan, manulat ako kung anong meron sa sistema ng gobyerno ngayon, natin. Ibig sabihin nalaman ko yung magkabilang dulo. Ibig sabihin yun nag-through into ka, nalaman mo kung ano siya, kung ano ang problema.
Q: Bali year 1992 pa rin?
A: Oo, then kasi nung since 1992, nagging sports writer ako, yung nakapasok sa news, sa political beats, dun ko nalaman yung sitwasyon talaga hanggang sa nagging columnista ako eh alam ko na kung papano.
Q: In your present employment, do you have any memorable editors?
A: Meron, yung actually si Mr. Noli Hara kasi yung paminsan nag-guide sa akin, kasi dati, siyempre wala naming perpekto nagging reporter, minsan kapag sa article mo, medyo may mga kulang, minsan siya yung guide. Yun lang.
Q: How were they when it came to accuracy?
A: Ano yun? Ano yun?
Q: Accuracy.
A: Accuracy of what?
Q: Of your work?
A: Di actually kasi sabi ko sa inyo walang perpekto eh, kinakailangan pa rin natin ng second eye. Kasi yung istorya mo, sa-submit mo sa editor for editing. Kasi sila yung nakakakita, kasi minsan may typographical error, eh sa grammar naman di naman masyadong napapansin sa dyaryo. Pero yung mga minsan yung nakakaligtaan, nakakalimutan kunin yung side ni ganito, yung side ni ganyan. O kaya minsan may mga naisulat na di natin alam, naka-impose nap ala. Yung editor yung nagsa-suggest na, why don’t you ano use this? Or why don’t you call this ano….
Q: So how, when it comes to ethics of the news?
A: Ayun, dapat observe talaga dapat yun properly dun sa code of ethics, sa journalism. Di dapat yung plagiarism, yun yung napapansin sa journalism, dapat di ka nagkokopya ng istorya ng may istorya. Pangalawa, alisin natin yung mentalidad na kasit lahat yun may mga propesyon ngayon lalo na’t may kapangyarihan ay nagagamit tulad niyan ang masasabi natin ang pagiging isang mamamahayag ay kapangyarihan na rin na maituturing, dapat pangalagaan natin ang kanyang imahen, wag natin dungisan, dapat panatilihin natin ang respeto nung bawat tao, respeto nung nagbabasa.
Q: So yung sa editors niyo po, what were their attitude towards deadlines?
A: Deadlines? Oo, they were very strict, pag sinabi nilang dapat yung istorya mo andito na alas dos ng hapon dapat sundin mo yun, kasi bini-beat din nila yung deadline kasi ang newspaper kasi ipi-print mo pa, i-edit mo pa, ita-travel mo pa yan eh, sasakay ng airplane at tatravel sa mga provinces para sa circulation basta kailangan mong sundin yung mga ganyan. Ngayon, kung may mga late stories na pwede naman nilang i-remat yan eh, tulad ng city edition halimbawa yung diyaryo is tapos na, biglang may pumutok na storya sa Manila ng alas-siyete kunwari ng gabi, nire-remat yung diyaryo pero din a nakakarating ng probinsya yun, gagawin mo na lang city edition na lang siya kasi dapat siyang ilabas lalo na’t kung national issues.
Q: What were your best memories as a young reporter?
A: Best memories ko, sakin? Personally? Dumami kaibigan ko. Madami akong naging kaibigan na wala na na nakapgbigay sakin ng suhestyon, mga nakapag-impart sakin ng mga ideas na hanggang ngayon ay nagagamit ko pa rin.
Q: Eh dun pos a mga pieces na nagawa niyo nap o dati. Alin po dun yung pinakanaaalala niyo?
A: Ah yung pinaka naging maganda kong istorya? Actually nung ano… nung pangalawang beginning ako yung kay Pablico Andan. Andun. After uhh… sino ba yun? Yung nabaril. Nung narestore yung death penalty. Si Echaragay. After Echagaray, Si Pablico Andan ako ang nagcover ng story nun kasi yung pamilya nung biktima, nagpunta dun sa journal police and then sakin in-assign yung story. So yung unang-unang, first step kong ginawa is nag-conduct ako ng sarili kong imbestigasyon, napansin na naming na ayun nga may kasalanan si Pablico, iba yung na-dig naming niyan. Hanggang sa nahuli siya ng NPA at sa pulis inamin niya yan. So yun ang una kong sory na hindi makalimutan.
Q: Anong year po yan?
A: Mga 199.. 5, ‘95? ‘95, ‘96, o ’94. Di ko maalala eh.
Q: So yun na po yung isang significant event na na-cover ninyo?
A: Oo, actually siya lang.
Q: Eh yung mga issues po sa government? Lalo na ngayon.
A: Ah yung sa natatandaan ko noon, yung laboratory ng Manila City Jail. Yung shabu laboratories dun. Meron nga kaming nahuli dun. Ako rin may hinuli dun. Ako rin ang sumulat nun. Tapos hanggang sa nakakuha siya ng atensyon sa .. (car running) pina-emcee sa’kin yan. So actually marami. Sa sobrang dami eh iilan lang yung mga alam kong nag-leak. Pero actually marami siya.
Q: Nagkaroon nap o ba kayo ever ng libel case?
A: Madami na. Ang dami na. Hindi na kayang bilangin.
Q: Pa-describe po ng isa. Yung pinaka-naaalala niyo po.
A: Marami nga eh. As in marami.
Q: Yung pinakamalala na lang.
A: Ang pinakamalala nang ako ay ni-libel ni Senator Miriam Santiago (laughs)
Q: Seryoso?
A: Actually ang nagkatalunan lang dun yung phrasing eh. Crazy. Dun lang nagkatalo sa word nay un. Pero nadismiss naman naman kaagad. Nadismiss naman. Marami naman akong libel na nadismiss eh. Lahat yun nadismiss na hindi ko na kaya bilangin. Basta nga marami.
Q: Ah, so natural lang po sa mga reporter yun?
A: Actually, sa isang reporter, ang pagiging isang media man, trabaho kasi ng journalism, ay journalist, laging kaakibat yun eh. Yung libel. Kasi kung hindi ka malalibel, hindi ka nagsusulat. Kasi sabihin na lang natin ganito, na ang sinusulat mo ay tama na, totoo na yung sinusulat mo, pero dun sa sinusulat mo, yung mga taong involved, hindi mo masisisi kung masasaktan. Diba? So kahit protektado ka, kahit may papeles ka, irereklamo ka ng libel kasi nasaktan. Ngayon ang mga narerepresent ng libel ngayon ay yung harassment talaga. Sa media para mapatigil, matakot, o kaya matigil yung pagsusulat mo, idedemanda ka ng libel. Pero kasama talaga sa trabaho yun. Wag natin dapat ano yan, wag natin dapat gawing, para bang gawing isang technique yan para malunod ka sa trabaho mo. Dapat nga kungpwede, dapat ipagmalaki mo pa na ikaw ay nalibel. Kaya sakin lang, libel ay batayan sa mga mamamayan sa full-fledged writer kung mademanda ka.
Q: So alam niyo yung bill tungkol sa accreditation of professional journalists? Yung pending po sa Congress ngayon. Tingin niyo po ba okay yun?
A: Actually sakin tama yun eh. Kasi ang dami na rin. Di ko na sure eh. Pero may tama para sakin dapat meron sana parang hindi rin eh, Parang magkatimbang eh.
Q: Kasi may press freedom dapat yan.
A: Mmm-hmm. Kasi unang una, kung bakit ako sumasang-ayon sa kanya, kasi para naii-screen mo yung professionals mismo. Then eto na. Ngayon naman ako hindi sumasangayon , eh kasi para bang, isa siyang lumalabas na suppression of freedom of expression of the press parang ganun. Kasi bakit kailangan pang idaan sa screening yun?
Q: Kasi nga po diba yung exam po is a form of licensing? Prior restraint?
A: Hindi, hindi, Kahit sabihin nating, kasi ang daming exam pag student ka Eh. Ultimo bata nga pwede magsulat eh. Di mo naman kinakailangan bigyan pa ng lisensya para magsulat eh. Karapatan mo naman magsulat eh. Karapatan mo magbigay ng sarili mong opinion. Krapatan mo yan eh. Pero marami naming tama at mali diyan eh. Kasi actually hindi ko talaga alam yan eh. Ngayon ko lang nalaman na sinabi mo eh. Anyway, tignan natin (laughs). Pasensya na. Anyway, tignan natin.
Q: So, all in all wala po kayong regrets as a reporter?
A: Wala talaga. Kaya lang andun lang lagi yung harassment atsaka threats. Yun lang di ko maiwasan.
Q: So getting back, what significant events did you cover?
A: When I was sent by my editor to cover yung MNLF shooting or something like that. At that time magkalaban pa kasi yung government at yung MNLF nun, Sagad-sagad ang paghahasik ng lagim ng MNLF dun eh. So sabi ng editor ko “Since ikaw naman ang pinakabata na reporter dito, ikaw ang padadala ko sa Mindanao”, magcover ng story dun.
Q: Anong year po yun?
A: Mga 1996, ’97. Kagulo ako nun eh. ’96, ’96, ’97. So nung mga panahon na yun, habang nag…. Actually, basta between ’94 to ’96. Ganun… Di ko talaga matandaan. Nung mga time na ganun, nagcocover ako nung bugbugan ng mga MNLF, so yung mga cameraman, mga nakasabay naming cameraman ng mga TV tapos yung mga kasama kong photographer, sila yun, mga pinasama naming dun sa operation ng media. Pero kami, kaming mga writer, kaming mga reporter, naghihintay na lang kami dun sa, dun sa newsroom kung ano nangyayari. Kasi kami yung binibigyan ng detalye nung mga sundalo. Pero minsan kasi kinakailangan mo din pumunta dun sa location para makitamo, ma-explain mo kung, kung saan sila nagbanatan, saan may namatay, ilan naging casualtynung gobyerno sa lugar na ganito. So kailangan naming puntahan. So kasama yung excitement at the same time yung takot kasi baka maligawan ka ng bala. Kasi ang bala walang pinipili yan kung media ka ba o sundalo ka eh. O kaya yung mga mortar na inaano ng kalaban o nung MNLF, hindi mo rin alam kung, kung ano. Kaya minsan kasama talaga sa ano, sa delikadong part eng journalist yung mga ganung event. Talagang hindi ko siya makalimutan kasi hindi ka makakatulog minsan. Kasi makikita mo ingay ng putukan, andudun lang kayo natutulog sa mga tent. Hindi mo alam bigla kayong, biglang, biglang, biglang lulusob yung mga rebelde at makompromiso kayo sa mga kasama sa militar, mapagkamalan kayong militar, mapatay kayo. Ay talagang ganun eh. Wala kang tulog, kinakabahan ka, pero that’s part of, ng trabaho ng media.
Q: So gano katagal po kayo doon?
A: Inabot ako dun ako siguro ng ano, half-year. Bago natigil yun, kalahating taon ako doon.
Q: Nasa Mindanao po kayo nun? 6 months?
A: Nasa field ako nun. Oo. Nasa field ako.
Q: Tapos isang story lang po yun?
A: Minsan pinagagawa ako ng istorya. limang stories yun. Minsan magagamit lang dalawa, tatlo.. Kaya lang kung ako nagbibigay ng story minsan ginagawa kong lima. Pinadadala ko yun. Yung editor ang bahala kung mai-pupublish ang istorya mo, kung i-reject yung story mo. Pero hindi lalabas ng Maynila. Yun ang hindi ko makakalimutan kasi, matatakot ka. Matatakot ka kasi makikita mo may namamatay na militar na sinasakay sa, sa, sa sinasakay sa van, sinasakay sa truck. Makikita mo nakabalot. Makikita mo lasug-lasog. Wala, wala ka magagawa. Kasama sa trabaho eh.
Q: So yun na po yung pinaka-dangerous?
A: Oo, pinaka-unforgettable moment, moments na, sa mga coverage, sa mga coverage na napuntahan ko. So yun. So ang pinakamasaya naman, na hindi ko makalimutan, yung nasa sports ako. Kasi pag may mga international events, nakakarating ako. So nakakapunta ako ng Europe, kunyari may football. Football event. Kunyari makakarating ako ng, ng Hongkong. Makakarating ka ng kahit saang bansa kung sakaling may event dun ka papadala. Ganun maski mga Asian games, yung mga Olympic games. Ipadadala ka diyan. Kasi kailangan ng dyaryo na may sarili silang reporter dun. Pagka ganyang malalaking events na, hindi lang isang reporter ipapadala diyan. Minsan tatlo. So nagtutulong-tulong yun. Kaya nga, nung time na pinull-out ako sa sports tapos nilagay ako sa news, halos sa sobrang sama ng loob ko, halos isumpa ko na yung boss ko. Kasi ang sarap sarap na ng buhay ko sa sports bakit ako nilagay sa news. Eh samantalang delikado, tsaka limitado lang yung coverage scope mo. Unlike nung nasa sports ka, nakakarating ka kung saan-saan. Kaya sumama talaga yung loob ko nung nilagay niya ako sa sports (supposedly “news”). Kaya lang, medyo kumalma yung sama ng loob konung sinabi niya na ang pagiging reporter, hindi lang sa isang, sa isang bagay ka lang nakatutok dapat lawakan mo, lawakan mo yung kinalaman mo. So pumayag na ako. Kaya yun ang masaya at nakakatakot na experience ko bilang isang reporter.
Q: So, yun okay na po. Bale ano po yung message niyo sa mga Communication Arts students po tulad namin?
A: Well, ang mabibigay ko lang na advice, is dun sa mga estudyante ng journalism, mass comm. Na magpursige talaga. Wag na lang gawing batayan yung mga naririnig nila tungkol sa, sa mga miyembro ng media na, di-umano ay ganito, di-umano-y ganun. So ang kinakailangan kasi, pagsumikapan nila, para naman, sa kanila ang wag nila gawin yung ano.. at parang ano, parang ikasisira ng pangarap nila, kung baga gawin nilang parang constructive criticism na lang.
Q: Thank you for your time.
A: You’re welcome.
Q: We hope to see you soon.
A: Okay. Ingat!

No comments: