Thursday, August 21, 2008
Oral History of Raymond Marfil
Interviewers: Stephanie Chan and Veronica Zamesa
Q: Ano pong ginagawa niyo as a reporter?
A: Nagsusulat, nagcocover, nagtatanong, nang-iintriga.
Q: Ano po yung una niyong position sa dyaryo? Ano po yung una niyong pinasukan na dyaryo?
A: Abante ang unang pinasukan ko. Nag-apply ako. Pero actually, hindi ko alam na Abante ang mapapasukan ko. Nakita ko kasi sa dyaryo na may naghahanap na journalist, so nag-apply ako sa English section, kahit hindi ako magaling sa English. Nagulat ako na Abante pala ang aking napasukan. Correspondent ako doon for three months, tapos naging regular correspondent ako. Pag correspondent ka lang, kung ano yung nilabas mo, yun lang ang may bayad. Pero pag regular correspondent, may allowance na. Okay naman ang first year ko sa Abante, nung 1995, pero mahirap. P780 lang ang aking sweldo. Sa ngayon, sa Abante Morning at Abante Tonite ako nagsusulat. Twelve years na akong nagsusulat para sa Abante. Madali makipagkaibigan doon. Yung mga beterano naman, irerespeto mo lang at tutulungan ka naman nila.
Q: Bago po kayong naging reporter, ano po ang job niyo?
A: Nagtrabaho ako sa radyo ng isang taon. Actually, una kong trabaho janitor. Nung first or second year college ako. Pag radio reporter, para din news iyon. Kasama ko si Joey Galvez doon, na nasa DZMM na ngayon. Three weeks after ng graduation ko, nag-apply na ko agad.
Q: Describe niyo po ang early years niyo sa print media.
A: Medyo mahirap. Hindi mo kasi ma-apply ang mga napag-aralan mo, like yung mga theories. Ang malalaman mo lang dun ay yung realidad talaga. Yun lang talaga ang maisusulat mo. Tulong lang ang mga napag-aralan mo. Magagamit mo nga yung mga tinuturo nila, pero ang interest pa rin ng dyaryo ang masusunod. Pinasok ko ang pagiging journalist kasi bata pa lang ako, gusto ko na talaga maging reporter. Wala akong pakialam kung ano ang sweldo noon. Pero dapat, kung papasok kayo sa trabahong ito dapat isaisip mo na hindi talaga malaki ang sweldo ng reporter. Mainpluwensiya lang. Maimpluwensiya ang pagiging reporter dahil minsan, mas maaangas pa ang reporter sa mga politiko. Pero, mali iyon.
Q: Paki-describe po ang Abante.
A: In terms of location, nasa Intramuros na ang office ng Abante, pero lumipat na ito sa Port Area. In terms of physical facilities, moderno na. Hindi ka kami nag-cucut and paste. Computer na lahat ang gumagawa nun. Wala na din nagle-layout. Diretso na agad sa editor. In terms of co-workers, marami akong ka-close. Yung ka-close ko dun, mga kapwa reporter din. Kaya lang, hiwalay-hiwalay kayo. Nagkikita lang kapag may meeting. Kasi iba-iba naman kayo ng assignment. Magkakatawagan lang sa telepono. Ang madalas mong kausap, pag hindi yung editor, yung pinaka-news desk o kaya naman yung copy boy. Siya kasi ang magsasabi kung pumasok yung storya mo o hindi. In terms of working conditions, satisfied naman ako. Pero may mga times din na nagtatampo ka. Natural lang iyon.
Q: Naging cub reporter na po kayo?
A: Hindi naman. Sandali lang kasi ako ditto. Nag-Crame ako ng isang buwan tapos diretso na. Andun ako sa Crame dahil doon nanggaling ang nag-train sa akin. Siya ang nagsu-supervise doon. Pagkatapos ko sa Crame, nilipat ako ng ibang beat, then finally, napunta ako sa politika. Hindi ako nagtagal sa pulis kasi hindi ko linya ang magsulat ng tungkol sa pulis. Unang beat ko din yung sa Crame. Nalagay ako sa front page nung nagsulat ako tungkol kay Lagman, nung naaresto siya. Yun ang unang banner story ko. Ang pinaka-importanteng lesson na natutunan ko nung first beat ko ay dapat hindi ka mangopya ng istorya, lalo na kung baguhan ka. Pero hindi mo din naman maalis sa mga reporter ang paghihiraman ng istorya, lalo na ngayon. Minsan, pag magkakaibigan kayo, wala lang din iyon. Mahirap din kasi ngayon ang i-scoopan dahil computer na ngayon.
Q: Ano po yung pinaka-memorable niyong editor or editors? Bakit po sila naging memorable?
A: Lahat naman sila. Mababait sakin ang mga editor ko. Pagdating sa accuracy, hindi pa naman ako nasisita. Ok naman. Pagdating naman sa ethics, ayos din sila. Wala akong problema sa kanilang lahat. Pero strikto sila pagdating sa grammar. Lalo na kapag Tagalog. Tsaka yung paggamit nung ‘ng’ at ‘nang’, tsaka na rin ng ‘ay’. Iba-iba rin kasi ang style ng mga reporter. Yung parang ang dating, gusto ko palagi may aksyon. Yung parang pag babasahin mo yung dyaryo, dahil reporter ka, hindi mo dapat binebenta yung sinusulat mo. Dapat yung dyaryo. Iba-iba kasi and forte ng mga dyaryo. Gaya namin, talagang opposition… anti… alam mo na. Pag dating naman sa deadline, mahigpit sila. Kailangan alas-kwatro nakapasa ka na. Alas-diyes dapat nakapag-advise ka na ng advisory mo. Nagte-text sila pag kailangan na yung deadline. Lalo na kapag may malaking storya, maaga pa lang, ite-text ka na. Pero minsan nakakaturete din eh, sa trabaho, ‘ito kailangan gawin na ito’. Maiinis ka din kasi hindi naman ilalabas minsan. Kasi limited lang ang ispasyo ng tabloid. Yung iba kasing tabloid, kahit hindi sila maka-submit, OK lang. Samin kasi, medyo mahigpit din.
Q: Sa mga colleagues niyo po, meron bang memorable?
A: Lahat sila, memorable sakin. Close kami dito sa Senado. Naging solid kami kasi kami yung magkakatabi. So kung kayo-kayo magkakakita, kayo-kayo na rin magkukwentuhan.
Q: Ano po yung pinaka-best memory niyo as a reporter?
A: Siguro yung mga biyahe abroad. Pag nag-cover ako ng Malacanang, lagi akong kasama sa mga biyahe ni Erap. Pinapadala ako ng opisina noon. Yung tungkol naman sa libel, anim na libel ko. Pinakamataas ko yung 100 million. Pero nawala na. Ngayon yung Burlesk King. Hindi ba si Nograles nag-file ng libel, House Speaker? May naghubad daw. Hindi naman namin alam. 36 counts yung kaso naming dun sa isa. Yung isa, 50 counts, sa Davao. Yun yung pinakamalaking harassment. Nagkaron ng hearing sa Davao, nagpiyansa pa kami dun, isang milyon.
Q: Kwento niyo naman po yung sinasabi nilang blind item.
A: Kasi yung mga blind item, hindi naman yan talaga para sa dyaryo. Sa radyo lang dati. Meron yung sa showbiz pero nung nasa House ako, sinubukan kong gumawa ng tatlong blind item sa dyaryo, puro politiko. Ngayon naman, makikita mo ang dami nang blind items. Kaya sa mga reporter kilala ako as ‘Spy’ tsaka yung Hulaan Blues. Hindi nalalaman kasi di naman iyan sinasabi, bibigyan mo lang ng clue. Syempre ang mga tao mahilig sa mga tsismis. Ang tao, pag gutom, dalawa lang yan: mang-intriga o magbasa ng intriga. Hindi ko na matandaan kung sino ang una kong sinulatan ng blind item. Tagal na noon, mga 1996. Tapos marami nang sumunod. Dati marami sa mga business. Pero sa tabloid, dati walang nagsusulat ng blind item sa mga politiko.
Q: Ano po yung pinaka malaking storya na na-cover niyo?
A: EDSA dos. Nasa loob kami ng Malacanang. EDSA tres, kami lang yung nakakapasok sa gitna noong EDSA. Abante lang, Malaya at Tribune. Kasi sila lang yung kakampi ni Erap. Kami lang yung nasa gitna at hindi talaga nakapasok yung iba. Yung binuhat yung sasakyan ng channel 2, kami lang yung nakapasok dun. Hinaharang talaga nila yung tao, pag nakita yung ID. At yung dyaryo namin, nagugulat ako. Akala mo santo. Tapos yung banner, ako nagdala. Alas-dos ng umaga tinawag ko sa opisina, ‘Ma’am, lumusob na’. Kinaumagahan, yun ang nasa labas ng banner naming--“Lumusob na”. Noon EDSA tres naman, kami yung naipit, Na-tear gas kaming pitong reporter.
Q: Ano po yung gusto niyong iparating na mensahe para sa mga katulad namin na gusto mag-print journalist?
A: Kailangan dedikasyon at hindi mo dapat iniisip kung ano yung sweldo o yung monetary. Kasi pag-inisip mo yung sweldo, hihina ang loob mo. Kusa naman darating iyon eh. Maayos naman pa-sweldo samin. Pero hindi ka talaga yayaman sa industriyang ito. Pwede naman. Pero gagawa ka nga lang ng ibang paraan—magne-negosyo ka. Syempre, kelangan mo ding mag-ipon.
Q: Sige po. Yun lang po. Thank you!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment