August 13, 2008
Interviewers: Estifanny May M. Manahan and Maria Isabel A. Maquinto
Interviewers: Sir, so have you always wanted to be a journalist po ba?
Joe Torres: No, I wanted to be a priest.
I: Totoo po nung bata ka pa po?
Joe: Yeah. English, Tagalog? Whatever?
I: Kahit ano po Sir. Kung saan po kayo comfortable.
Joe: Ano po ako, taga probinsya, taga Mindanao ako.
I: Opo.
Joe: I was able to study because sacristan ako. So I came from a poor family, I really had no future then. I wanted to be a teacher when I was young dahil sabi ko maraming mga mahihirap na ayaw naman mag-aral. As in I’m a member of the Subanan tribe sa Western Mindanao.
I: Saan po banda po sa Mindanao?
Joe: Sa Zamboanga Del Norte. So iyon, yung western part of Mindanao. So iyon mahirap ang buhay.. hanggang high school ako, ang kinakain namin sa umaga ay mais na giniling, yung mais.
I: Ah opo opo. Yung parang binatog po, yung ginagawa pong binatog?
Joe: Hindi, yung mais ginigiling tapos kinakain.
I: Ah yun po gingawa niyo pong kanin?
Joe: Iyon yung kanin namin. Tapos iyon, wala kaming ulam, yung ulam namin, swerte namin [kapag may] mga gulay gulay. Iyong ulam namin, naalala ko nung bata pa ako, yung mais din na giniling, yung the same na mais din na niluto, isasangag siya hanggang umitim tapos pag maitim na siya sasabawan, ilalaga siya tapos lalagyan ng asukal so kape na iyon. Tapos isasabaw mo dun sa kanin mo na mais di yun na pagkain mo. So it was sad. It was mahirap. So I wanted to be a teacher and laging sinasabi ng tatay ko na tayong mga mahihirap wala tayong ibang wealth, ibang puhunan kundi utak natin. But before I, kasi naman walang mga entrance exam dun walang, di ko alam yung UP, mga scholarship, so wala akong alam kung saan ako mag-aaral. Sabi ko sa tatay ko na [kung] mag-aaral ako, dun ako sa pinag-aralan ng mga heroes. So dapat sa UST ako mag-aaral dahil si Rizal dun nag-aral o kaya sa Ateneo, wala pa kasing La Salle noon, noong panahon ni Rizal. Pero sabi ng tatay ko, di ka makakapag-aral dahil wala naman tayong pangpapaaral sayo, so hanggang high school graduate ka na lang. Sabi ko hindi, mag-aaral ako. One day, pumasok ako sa klase namin, wala lahat ng mga classmates ko na lalake yun pala, nag-take sila ng exam para sa priesthood. So I took the exam, I passed the exam and sabi ng mga missionaries na hindi naman ako marunong mag-Tagalog o mag-English dahil nandun na sa probinsya [lumaki] so they took me to Zamboanga City and gave me a refresher’s course ng dalawang buwan before I took the exam for UST. Pumasa ako sa UST, so nag-aral ako sa UST ng Philosophy sa loob ng seminary. So, I studied for the priesthood. After UST, I went to Ateneo for my Theology studies para sa priesthood. Then afterwards, habang nasa loob ng seminaryo, nare-realize ko na nandun pa rin yung dream ko to help the poor, siyempre sa simbahan nakakatulong din yun sa mahihirap, pero it was in the 80s na nagrerebolusyon against kay Marcos, nagra-rally ung mga tao, mga mahihirap dito sa Maynila tapos sinasabi ng simbahan, sinasabi ng mga mayayayaman na we’re one with you. Pero after the rallies, kasama sila sa rallies, sa demonstration, I was in the seminary, when I look out [of] the seminary [through television], I watch television and watch the news, tapos I imagine, anong ginagagawa ng mga mahihirap after attending the rally with the priest? Yung mga priest nanunuod na ng tv, nakaligo na, masarap ang pagkain, ano nangyayari sa mga mahihirap? So I said, I want to live with the squatters, with the poor, I went with them until the Church accused me of being a leftist, so I left. I left and I work[ed] for a non-government organization. Dun ang trabaho ko taga-gupit ng diaryo sa room na ganito lang kalaki, (points to the corner of the conference room about half square meter in dimension)
I: Saan po? Saang..?
Joe: I worked sa Church Data Center, wala na siya, wala na iyon ngayon.
I: Sir dati po sang church po kayo nung nag-aano pa po kayo?
Joe: Ah yung congregation ko. Claretian, Claretian Missionaries, the only Claretian publications, Claret school. So after that, I worked, I worked as taga-gupit ng diaryo, while taga-gupit ako ng diaryo, siyempre publication yun, may publication Church Cronicle, may mga reporters kami, may mga writers, tapos naririnig ko iyon sabi ko pangarap ko iyon, and hindi naman nila [everybody] alam na nag-aral ako, ang alam nila nasa urban poor community, nasa squatters ako, so one of those hindi educated wala naman akong pambili ng mga damit.
I: Saan po kayo nakisama po dati? Saang area po?
Joe: Sa ano.. Bagong Barrio.
I: Caloocan po?
Joe: Oo. Yung papuntang Caloocan.
I: Ah yung sa first district po.
Joe: Siguro. Sa Bagong Barrio. Sa along EDSA papasok, mga urban poor communities. tapos dito, sa Pinyahan and wala na yun ngayon eh dinemolish na, sa malapit sa NIA.
I: So palipat-lipat po kayo nung..? Kung san po kayo tumitira.
Joe: Oo. Tumitira? Oo. Iyon, So all the while people think na, wala naman ‘tong pinag-aralan so taga-gupit lang ako, parang messenger, janitor, aid. Tapos one time, may pinatay sa Mindanao it was a big issue, pinatay si Pastor Visminda Gran. It was a massacre, human rights worker, and my publication and other publications here in Metro Manila want to send people there. For a fact finding mission, they want to send writers mga ganun, tapos wala namang gustong pumunta dun sa Mindanao dahil magulo tapos sabi ko (raises his hand) pwede po ako? Tapos “oh sige, ano ka magdocument ka doon.” Isulat ko lang daw kung ano mga nangyari kung ano mga nakikita ko.
I: Ahh so saang diaryo po yun Sir?
Joe: Yung Church Cronicle.
I: Opo opo.
Joe: It’s a magazine, magazine ng church. So I went there, actually para makalibre ng pamasahe pauwi and I wrote a feature story, a news feature about a small city, a small town na na-terrorize ng mga goons, ng mga masasamang tao. Supposed to be may mga komunista’t mga rebelde doon, at tinotolerate ng gobyerno, so pagbalik ko dito sa Maynila na-publish iyon, dun sa small publication na iyon.
I: Doon po sa magazine.
Joe: Doon sa magazine, oo. And I continued working, gupit gupit ng diaryo everyday. Until one day, mayroong nagbigay ng training for our reporters, mga journalists sila mga sikat. Sila Luis Teodoro, Bobby Tuazon, mga editors yun. Si Luis Teodoro ay Dean ng Mass Communication sa UP. So nagbibigay sila ng lectures. Tapos ‘di yung lecture nila nasa hallway, nandun ako taga-gupit, hindi naman ako kasali, hindi naman ako writer, and I heard na they were talking about narrative journalism, news feature, tapos the teacher si Dean Teodoro, nagbigay siya ng example sabi niya, “This is one good example of a news feature.” Tapos siyempre chismoso ako, nakikikinig ako, pag-tingin [sa hawak ni Teodoro] sabi ko uyy istorya ko un, so after the training I approached him sabi ko Sir ako po yung nagsulat niyan, tapos sbi niya “Oh well, this is very good.” Sabi niya, “Why don’t you contribute articles for Mid Week Magazine?” Mid-week magazine was, sikat siya na publication nung mga mid 80’s hanggang mga 92 or 93, tapos iyon.
I: So Sir kailan po kayo nag-start sa taga-gupit ng diaryo?
Joe: 19.. 88..
I: So sir kailan po kayo umalis ng seminary?
Joe: 89? 88.. Mga ganun.. Tapos so I started writing and people saw what I wrote so other publications like the Union of Catholic Asia News invited me to write for them. It’s a news agency ng Simbahang Katolika and merong international news agency, so I wrote for them, and later on I was invited to be a staff member of Philippine News and Features, it’s an alternative news agency, sikat siya nung araw, 80’s hanggang mid-90’s. So I saw my by-lines in all publications, [like] Inquirer, Daily Globe, Malaya, all newspapers here. And I was known sa media, na nagco-cover ako at [nagsusulat] sinusulat ko about human rights, about the war in Mindanao, about.. during that time, about.. hindi pa sikat yung mga usapin about the Muslims, about Islam. I wrote about it and discovered a small group of people na ang tawag nila sa sarili nila ay mga Islamic fighters, and then they call themselves the ABU-SAYAF. The Abu-Sayaf, when I started writing about them, hindi sila kilala.
I: So Sir ikaw po yung nag-pioneer tungkol sa mga rebels po sa Mindanao?
Joe: Sa pagsusulat about [them], especially about sa Abu-Sayaf. I, later on, in 2001, I wrote a book about it at nanalo iyon ng National Book Award, several awards at ginawang movie.
I: So Sir nagstart po kayo as contributor lang muna po.
Joe: Oo. Contributor sa mga publications. And also I took pictures, na wala naman akong kaalam-alam [about photography], dahil wala akong [formal training], malay ko ba kung ano yung mga 5W’s and 1 inch and so habang nasa Philippine News and Features ako, yan ang kino-cover ko, yung Basilan, mga gyera. Sa United Fellowship ng [United Nations], we’re 18 people all over the world na nagco-cover ng conflict areas, nag-apply ako and I was selected, and I became a United Nations Fellow, for the world conference on human rights in Vienna Austria, yun yung first trip ko at isang buwan ako dun at namangha ako na ang mundo pala’y hindi lang yung maliit na bayan ko dun sa Mindanao, hindi lang Metro Manila, at malawak pa pala. When I came back dito sa Pilipinas, after my stay in Austria for 1 month, ang pagtingin sakin ng ilang NGO’s and media groups, expert ako on human rights dahil world conference on human rights [yung in-attendan ko] and 18 journalists lang yung fellows ng United Nations, and all world leaders including our president and everybody in the world mga Dalai-lama, [si] Jimmy Carter, mga president[s], the first George Bush, Cory Aquino pa [yung Philippine president] during that time, nandun sila lahat and I met all of them so, wow ito pala yung mundo. I came back and people thought na I’m an expert on human rights, [so] they started inviting me to lecture about human rights, tapos dahil wala naman akong alam doon, binabasa ko lang lahat about human rights, [I] continue reading, lahat binabasa ko sa book pati comics at nag-aaral ako dahil alam ko na hindi naman ako writer, hindi naman ako journalist, so I started [studying and improving] my own journalism, grammar, mga adjectives, mga adverbs, everything. Pero mababa yung sweldo [as a journalist], siyempre, three nine lang ata sahod ko three thousand nine hundred a month. More or less, one five [1,500 pesos] hanggang mga mid 90’s yan, [mga]1995.
I: So san po yung mismong ano niyo po, parang office?
Joe: Sa Taft Ave.
I: Saang company po?
Joe: Phillipine News and Features. I was with Philippine News and Features mula 1991 hanggang 1995 sa Leon Guinto.
I: Yun po ba yung pagkabalik niyo po galing Austria?
Joe: Oo. While PNF ako, while I was with PNF, nagpunta akong Austria.
I: Ahh
Joe: So mababa yung sweldo at may opportunities abroad, so I decided to join the Saudi Gazette sa Jeddah, Saudi Arabia, during that time kasi mainit na rin ako dito about sa mga sinusulat ko, binaril na yung bahay na tinitirahan ko, may mga threats na sa buhay ko.
I: Dahil po sa?
Joe: Exposes about mga killings sa Mindanao, mga War Lords, Drug Lords and all that.
I: Sino po Sir yung pinaka ano talaga [mainit/matinik] na nakalaban niyo, na nakabangga niyo?
Joe: I wrote an expose about a political clan sa isang, dalawang probinsya sa Mindanao since 1945 hanggang sa present tapos lahat ng kumakalaban sa kanila namamatay, it’s a war zone. I went there [and] interview[ed] them, I had a special report na lumabas sa mga diaryo dito sa Maynila na 3 part series [that] lead to the president, the Philippine President, si Ramos during that time, to order the arrest of all the mayors. So they were arrested and brought here.
I: Sa Mindanao po?
Joe: Yeah. And they were brought here sa National Bureau of Investigation tapos nasintensyahan sila ng mga killings killings at napunta sila sa Bilibid, sa Muntinlupa [prison] but it’s a big family [clan in Mindanao], gagantihan ka nila. So gantihan, I was afraid. Of course you, sino ba hindi matatakot [of the threats]? All at the same time wala ka namang yaman, wala ka namang influence sa Philipine journalism [for protection], so I left, I went to Saudi Arabia. At the same time when I was in Saudi Arabia, it helped me, dahil sa Saudi napakadali, I was a journalist din, editor, ginawa nila kong editor, nakabola nanaman ako, so ginawa akong editor.
I: So Sir anong language po yung ginamit niyo po dun?
Joe: English. English language although mga Arabo silang lahat, hindi ko nga alam kung naintindihan ba nila diaryo nila. Pero high-tech sila doon. So ikaw magla-lay-out as editor ikaw din mag de-design, sa page mo. Eh kung naka-assign ka lang sa isang page, pitong istorya lang isasalpak mo dun, at most 5 to 7 stories. Mayroon kang nakalatag na litrato. Papasok ka ng four o’clock in the afternoon lalabas ka ng seven o’clock in the evening siguro. Mga three to four hours. [working hours]
I: So Sir ikaw na po lahat gumagawa pati mo nung mga lay-out? Wala pong taga lay-out?
Joe: Yeah. Sa ibang bansa, even now, sa ibang bansa especially, when you’re an editor, desk person, for example, the stories will come [and] go into your computer, mayroon kasing gatekeeper, so the gatekeeper is there, waits for the stories, tapos by sections yung diaryo di ba, for example naka-assign sakin Americas, galing international newspaper, so the gatekeeper will [select], pipiliin lang niya yung mga istorya from the Americas then will send it to your computer. So kung halimbawa pagdating ko ng four o’clock in the afternoon, you have fifteen stories na naghihintay sayo sa computer, and maybe 5 photos na galing dun sa gatekeeper tapos iisang page lang yun [gagawin ko] mamimili ka ngayon kung ano yung malalaking istorya, ila-lay-out mo, isasalpak mo, using, during that time, Ventura, ah Page maker, Quark Express tapos ilalagay mo na yung photos, print mo, bigay mo na sa proofreader, then they will proofread it tapos babalik nila sayo, gagawin mo yung mga corrections tapos print it on film, yung film na ready for bato [put] na dun sa printer. So habang nakaupo-upo ka dun at nakikipag chismisan, paglabas mo sa gate meron ka nang first edition ng dyaryo mo. Ganyan kabilis sa mga advanced countries, sa mga mayamang countries. So ganun yung trabaho ko. So I have all the time in the world sa Saudi to study mag-basa, dahil wala ka namang ibang magawa dun eh, masyadong ano yung mundo nila, masyadong mahigpit.
I: So Sir ano po mostly kino-cover niyo?
Joe: No, I just edit.
I: ahh editor po, puro edit lang.
Joe: Oo editor, one of the editors. Although I write stories about the Filipino community.
I: Ah mga features lang po.
Joe: Oo. Mga features tsaka news. Until nagalit nga sakin dun yung Consul General dahil ini-expose ko yung mga kalokohan nila, [like] corruption, all that. Dumating si ERAP dun, nagsulat ako about ERAP, that was 97 o 96. So while there, nagbasa ako, nagsulat, nag-aral ako ng martial arts, nag-aral ako magluto, nag-aral ako Physics, nag-aral akong everything dahil wala naman akong [magawa], wala everything but you have the money.
I: Gaano katagal po kayo dun sa Saudi?
Joe: 3 years po.
I: Aahh 3...
Joe: Then I came back and I will start as an investigative reporter for Isyu News Magazine. It’s a publication, ang editor-in-chief and publisher ay si Jarius Bondoc, sikat na columnist ngayon sa Philippine Star at witness doon sa NBN ZTE dun kay Lozada against kay Neri, so yun si Jarius Bondoc with Dan Mariano, another great guy columnist, while sa PNF pala yung mga editors ko sila Pete Lacaba so I was fortunate to work under good, great editors.
I: So sir sino po ung pinaka memorable sa kanila, ung pinka unforgettable editors niyo?
Joe: Iba-iba sila eh. For example, Pete Lacaba will teach you the craft of writing, Luis Teodoro will teach you discipline in writing, Mr. Dan Mariano and Jarius Bondoc will teach you how to be tough, Jarius Bondoc will teach you how to do investigative stories. So [it’s a] combination at nasa-sayo yan,[as a] young journalist during that time kung kunin [absorb/apply] the good things that they impart at i-discard mo yung mga bad things that you see. So I joined Isyu News Magazine as investigative reporter, kinalaban namin si ERAP, nag-sara kami 1999. I joined Manila Times as a columnist, as a special writer, hindi staff [regular employee] but contributor. Ahh nag-sara din a few months later [yung] Manila Times. After the Manila Times, a new Manila Times came about by the cronies of Estrada, nobody wanted to join but I joined, wala akong trabaho eh, so I joined and after three or four months I was kicked out dahil binabanatan ko din ang kanilang mga amo, at si Estrada binabanatan [ko] din.
I: Ahh so anu-ano po yung mga nasusulat niyo tungkol po kay Estrada?
Joe: Ehh marami eh.
I: Yung pinaka-memorable po dun sa mga nasulat niyo.
Joe: During the time sa Manila Times, ako yung nagsulat kaya napatalsik si Jose Luis Yulo. I did an investigation. Jose Luis Yulo during that time was the Housing Secretary of ERAP. I did an investigation and I found out na, kasi si Luis Yulo dalawa yan, yung isa yung sa Stocks tsaka yung mama na yun [Housing Secretary], at masungit siya at kahit mga pusa pinag-babaril niya at meron siyang warrant of arrest for something na natutulog lang sa korte, so I wrote about it and ERAP kicked him out. I wrote about the owner of AMA meron din siyang mga kaso, nakalimutan ko kung ano pangalan pero sikat yung mamang yun and then about the involvement of Ping Lacson sa mga several cases, na talagang ano [scandalous], papatayin ka nila.
I: Ahh so Sir marami po ulit threats sa inyo?
Joe: Ahh lagi yun.
I: Hindi po nawawala?
Joe: Hindi nawawala iyon. Tapos after that na kick-out ako sa Manila Times, I joined Philippine Post, Philippine Post was edited during that time by Mr. Dan Mariano my editor sa Isyu.
I: Ahh yung dati po.
Joe: So I was again taken by Dan Mariano, as the head chief of reporters, assigned to cover politics sa house of representatives. After one year, nag-sara Philippine Post dahil binanatan nanaman si Erap dun sa mga bahay at mistresses niya sa ilalim ng PCIJ. So November 2000, Kailan ba na-kick out si ERAP? 2000?
I: 2001 po
Joe: Oo. So November of 2000 the owner, the Roces Family, (May: Roces po?) Roces sila yung unang may-ari ng Manila Times noong araw.
I: Opo, sila Chino Roces po.
Joe: Oo, di ba yung kapatid niya si, nakalimutan ko yung pangalan niya iba kasi tawag ko sa kanya eh hehe
I: Si Joaquin po?
Joe: Si Wacki. Si Wacki, nag set-up siya newspaper, and pangalan ay Sunday Paper, it’s a newspaper na ang ano lang [content] ay investigative and full feature stories, I was the head of the writers there, we did a great job covering the impeachment process, lahat halos ng banner stories dun investigative [stories] so it’s a very nice newspaper, unfortunately nag-start kami ng mga October or November 2000, nag-sara kami ng Pebrero o March of 2001.
I: Ahh nagsara po kayo agad.
Joe: Oo. Dahil walang [bumibili], di kumikita ang mga seryosong publications eh. So I lost another job and I said I just want to go home to Mindanao and in Mindanao, may nasalubong akong pari and sabi niya “Ohh ano ginagawa mo?” sabi ko wala “Sige we will pay you just do a short ano mga 10 pages na parang biography about the life of a priest na pinatay sa Basilan” [and I said] oh sure wala akong ginagawa. I can earn five thousand or ten thousand pesos for that, so I went there, stayed in Basilan, enjoyed life there with the bandits, with everybody, I stayed there for three months so dun sa introduction ng libro ko sabi na “I went to Basilan to write about a priest to write about a person, one person, I came back and wrote about the history of an island.” So I went there, I enjoyed every night I just write a piece [page], and then three months na ang nakalipas wala akong contact, wala akong pera, everything. Tinawagan ako ng pari or pinahanap ako ng pari sabi niya “Oh ano na nangyari sayo?” [I said] wala na kong pera bigyan niyo nalang ako [kahit] pang-yosi nalang ganyan ganyan “Eh bumalik ka na nga dito sa Zamboanga” sabi ko, eh wala nga akong pamasahe eh, so pinuntahan nila ako dun, sinundo ako pabalik ng Zamboanga and pagbalik ko ng Zamboanga sabi sakin “Oh nasan na yung pinagawa namin sayo?”, sabi ko ayy sorry hindi ko nagawa, ito *tsik (acting to put the manuscript on the table) so I gave them the manuscript they looked for an editor. And I got a book.
I: So Sir saan po kayo nag-stay sa Basilan po?
Joe: Sa mga kumbento, sa mga bahay ng mga tao, sa mga.. [other places]
I: Ah palipat-lipat po kayo?
Joe: Sa kampo, kung saan-saan. So ABS-CBN heard na gumagawa ako ng [stories], na may sinusulat ako about terrorism so Dan Mariano again….
I: Ah siya po ulit.
Joe: Oo. Editor na siya noon ng ABS-CBNnews.com during that time, he said “Oh wala ka bang trabaho? Pumunta ka dito.” so I went to ABS-CBN, I was hired as online editor, pero si Dan Mariano matanda na noon and nobody was ahh looking into online journalism seriously, that was 2001.
I: Medyo bago pa po.
Joe: Oo. Bagong-bago at walang seryoso. So I study, I started studying online, mga libro, research, sabi ko walang nakakaalam kung ano yung totoong online journalism in this country. Inquirer, INQ7 that time were just posting stories from the newspaper and putting the video of ano [any videos], ABS just writing the stories like, like all of that [common ones], walang ka-teorya teorya [substance], wala lahat, basta ginagawa lang nila, pinaglalatlatan lang nila dun [yung mga news]. So I started writing and when I went to the U.S., I talked to people to universities. nagpunta ako [sa US] dahil binigyan ako ng award ng State Department to go to the U.S. and gawin kung ano gusto ko for a month.
I: Sir kailan po yun?
Joe: 2005.
I: Saan po kayo sa U.S.?
Joe: Inikot ko buong U.S. Pumunta akong Washington, spent 2 days there. Tapos namasyal-masyal tapos nagtrain ako to New York. Ang maganda pa dahil ano ka [visitor] ng gobyerno, so you stay sa the best hotels, eat at the best restaurants, tapos [ko manggaling sa] Washington I went to New York to watch the play sa Broadway. Namasyal at bibisi-bista kung saan, kahit anong gusto kong gawin. And after that I went to Florida, to Tampa Florida for, dahil gustung-gusto ko yung Poynter Institute, if you study journalism visit their website Poynter Institute, sila yung pinakamagaling magturo ng journalism. So I went to Poynter Institute visit the guys there, the authors, the writers, the great minds of journalism. Nag-enjoy ako dun nagnakaw lang ako ng ilang libro doon (May and Mabel laugh softly), mga notebook, mga lapis [souvenirs]. Then from Tampa, I went to L.A. para ma-experience at makita yung Hollywood. No, before L.A. I went to Arizona dahil naririnig ko yung Arizona State Univesity, di ba marami [sabi-sabi about] Arizona State University, journalism school. Sabi ko, pagdaan ko dun disyerto pala yung Arizona, tapos while in Arizona may nakikita akong mga signs papuntang Grand Canyon, sabi ko I want to spend a weekend at the Grand Canyon. So I went at the Grand Canyon, after the Grand Canyon balik ako ng Phoenix Arizona, from Arizona I went to L.A. stayed there for four days, meet people sa Hollywood, mga director, mga ganyan ganyan dahil yung gobyerno ng Amerika yung nag-ano eh [arranged his trip], sasabihin ko lang na gusto ko punta ng Hollywood [then they’ll say] eh di punta ka ng Hollywood. Tapos they have people [to accompany me] tapos [they asked me] sino gusto mong makita dun, [then I said] I want to meet, hindi naman ako masyadong demanding, sabi ko ayoko ng mga artista artista na yan gusto ko yung the minds behind, the great directors, the [ones] especially [in] independent film making, then so pinakilala nila ako then after L.A. pumunta ako sa San Francisco dahil speaker ako sa isang symposium at gusto ko lang makita yung The Rock tsaka yung San Francisco bridge.
I: So sir ano po yung sinabi niyo sa symposium na yon?
Joe: About the situation ng Philippine Media, bout history of the Philippines and the growth of Philippine Media. Tapos from San Francisco I went to Chicago, dahil narinig ko maraming Pinoy dun so namasyal lang ako. Tapos I was surprised na pumunta ako dun, ano yun[g] aquarium na malaki sa dagat?
I: Ah yung ocean park?
Joe: Parang ganun sa Chicago. Tapos ang fineature nila ang lalaki ng ano na “tignan nyo yung mga exotic, mga isda” from ano daw, from...shet. From...nalimutan ko yung anong island.
I: San po yan, sa States po?
Joe: Between Dagupan and Dumaguete.
I: Aahh. So sa Dapitan po.
Joe: So sa bayan ko, sabi ko eh ba’t naman ako magbabayad ng 50 [o] 100 dollars para tignan ung isda sa bayan ko?
I: Anung isda po yun?
Joe: Yung mga shark, yung mga [isda] dito satin.
I: Aahh, aahh opo.
Joe: Mga nireserve, mga ganun. So from Chicago balik ako ng New York dahil hindi pa ako satisfied. New York kasi enjoy eh dahil maraming mapapasyalan. So it’s a small city pero, iba-iba ung face.
I: Opo.
Joe: So yon. Marami din akong natutunan. So pagbalik ko dito, gusto ng iset-up ng GMA yung kanilang online thing [news], and they heard about me. So they hired me. And they started the online [news] and set-up the GMANews.tv.
I: Aahh okay.
Joe: Meanwhile, while doing all these journalism things, I was also doing since 1997 to 2002, a radio program sa DZXL RMN, Radio Mindanao Network.
I: Aahh opo opo.
Joe: Pag umaga, meron akong parang lifestyle na program, kung anong magandang resort, mga ganyan ganyan.
I: Opo.
Joe: Tapos sa hapon meron akong programa about mga rights ng mga consumers.
I: Opo. Aahh.
Joe: Tapos pag weekend, about politics. So that’s mga 5 years [o] 6 years din yon. In 2004, [yung] mga activist [na] journalist, mga nag-iisip na mga journalist, they wanted to revive the National Union of Journalists in the Philippines so narevive, sinama nila ako dun.
I: Opo.
Joe: So in 2004, I became the spokesman of the National Union of Journalists in the Philippines. In 2006, I became its chairman.
I: Aahh.
Joe: Until now, kaya kung napapanuod niyo ako sa tv, pag iniinterview ako [o] pag may namamatay na journalist, kung ano [mang] sitwasyon [tungkol sa mga journalist].
I: NUJP po sir? Dun po namen kayo nakita.
Joe: Yon kaya NUJP ako. Yun ang buhay ko. A very long life.
I: Opo. So sir, follow up lang po. Yung kanino ho diba may minention po kayong nakabangga niyo sa Mindanao. Pwede po bang magname names?
Joe: Yung the Yap family.
I: Dayap po?
Joe: Yap.
I: Aahh Yap family sa Mindanao po. So ‘sang particular place po?
Joe: Misamis Occidental and Zamboanga Del Norte, na dahil [sa] boundary.
I: Aahh opo. Aahh.
Joe: [Sa] boundary ng family.
I: Ah so sir sila po yung pinakamatinding nakabangga niyo dati?
Joe: Oo, actually marami, dahil [sa] araw-araw na ginawa ng Diyos [gaya nung] last week lang, si Mayor Celso Lobregat galit na galit sa amin. He accused us of [promoting] conflict between Muslims and Christians in Zamboanga because of the stories that we were doing.
I: Opo.
Joe: Chavit Singson accuses me of being a liar because of a book that I wrote in 2003, that also won the National Book Award, [and] because I wrote about his life and about his adventures.
I: Opo.
Joe: And everything, mga bumaril siya ng tao, marami siyang pinatay, marami siyang mga deals, mga ganung kalokohang ginagawa. Di siya galit doon.
I: So...
Joe: Napaka-minor thing na I wrote, na when he invited me to his...Ano tawag nun, yung barko?
I: Yacht po?
Joe: To his yacht.
I: Opo.
Joe: When I entered the yacht, I saw a beautiful girl na nakamini-skirt na kumakain. Yun lang.
I: Dun po sa barko?
Joe: Nagalit siya dahil inaway siya ng asawa niya dahil supposed to be that yacht ay para sa pamilya lang.
I: Aahh.
Joe: Eh hindi alam ng asawa niya na nagdadala siya ng babae doon.
I: Aahh opo.
Joe: Napakasimple kaya tatawa-tawa lang ako ngayon. Eh siguro nothing happened to me because I am honest about what I write. Even yung mga taong galit sakin, alam nila na totoo yung sinasabi ko. So parang if you know the truth, if you hold on to the truth, you have nothing to fear. Parang ganun.
I: Hmm. Opo.
Joe: Nakatulong of course yung training ko sa seminary, yung pagiging seminarista ko.
I: Opo. So sir dati po diba sino po yung nagkick out sayo na crony ni Estrada sa newspaper po?
Joe: Sila Mr. Cip Roxas, yung the owners.
I: Aahh sila po mismo.
Joe: Yah, lahat kami kinick out.
I: Pero sir nagreapply po kayo ulit diba?
Joe: No, no. I joined the Manila Times ng mga Gokongwei diba. Tapos pinressure sila, nagclose yon. Tapos binili ng mga crony ni Erap, diba sila ano, sino yung Congressman? Mark Jimenez!
I: Aahh, opo.
Joe: Tapos sila Mark Jimenez diba nag-take over. Walang gustong [sumali]. Si Katrina Legarda yung publisher, walang gusto mag-join. But Katrina knew me, and so I said okay I’ll join. I helped them set up the Manila Times. So nung kumpleto na, sabi nila independent kami, kahit anong gagawin namin isusulat namin. We can do everything. So we did everything and sumikat yung Manila Times. Pagka June 30 ng 19– ata yun.
I: ‘98 po o ’99?
Joe: Oo something like that.
I: Baka 99 po?
Joe: Oo. Si Erap yung presidente. Kinick out na niya lahat.
I: Opo.
Joe: Pinuwersa lahat ng staff na magresign. I did not resign. Bakit ako magreresign? But everybody resigned. We called it: “The Rizal Day Massacre.” Dahil yung office namin ng Manila Times during that time ay sa harapan ng Luneta.
I: Aahh.
Joe: Yung bagong building dun. Si Arroyo pa nga yung guest namin nung opening. ’99 yata, ’99 siguro.
I: Opo.
Joe: Or 2000? 2000 ata. Or ’99. So I did not resign. So the new team took over. [In] January, ang editor noon si Mr. Cip Roxas. Marami sila.
I: So sila po yung nagtanggal sayo sa Manila Times po?
Joe: Oo, dahil hindi ako nagresign.
I: Aahh.
Joe: So tinanggal nila ako.
I: So sir, ano na po yung naging trabaho niyo po sa Manila Times nun nung sila Roxas na po yung editor?
Joe: Reporter parin.
I: Ah reporter po. So parang mga sinusulat niyo po tungkol po dun kay Erap parang...
Joe: Hindi politics ang coverage ko, so I write news stories based on my investigations, based on assignments. I do what a reporter does.
I: Opo.
Joe: So wala lang kahit anung isusulat [ko], kahit siguro lifestyle isusulat ko, tatanggalin talaga nila ako; iniisip ‘sakit sa ulo yan, tanggal na yan.’
I: Sir, naging cub reporter ba kayo?
Joe: Yah. I started out. When I was in PNF they always assigned me to [police stations.] A cub reporter kasi means parang beginner ka eh.
I: Opo, parang saling pusa po.
Joe: And usually you’re asssigned to a police beat.
I: Opo.
Joe: Yung mga mag-cocover ka ng saksakan.
I: Opo sir.
Joe: Yun marami ako dyan mga pinag-eexperimentuhan kong mga bago or mga balita. Basta mga Quezon City, Kamanaba, mga ganung beat.
I: Opo.
Joe: Yah, I did had a stint with the Western Police District sa Manila.
I: Opo.
Joe: Mga magcocover ka ng mga sunog; mga ano, sunog na sinehan.
I: Hmm.
Joe: Pero I always did my best to be different. For example, nasunog [ang] isang lumang sinehan sa Quiapo.
I: Oho.
Joe: People wrote for example, anu ba pangalan non? ‘Love Theater in Quiapo nasunog, walang sugatan; ganito ang estimate sabi ng mga bumbero ganyan ganyan’. Ang sakin, the way I wrote, diba may sunog? Eh di nagresearch ako kung ano yung love theater. Ang mga sinulat ko, for example, that particular theater, sinabi ko na ‘ang sinehan na nagpasikat kay...’ Di ko na maalala kung sinong artista. Halimbawa, Fernando Poe, Jr., na 50 years na, ay nasunog, ganun. Sa sinehang ito...’ Ganyan ganyan.
I: Aahh.
Joe: Ganito yung kasaysayan ng sinehan. So even mga police stories ko as a cub reporter, my stories were ek-ek. Ma-drama.
I: Aahh, so sinasamahan niyo po ng history po?
Joe: Yah. Lalagyan ko ng context.
I: Para po maiba po kayo.
Joe: Para naman sulit yung binabasa ng mga tao.
I: Opo.
Joe: Alam na nga nilang nasunog wala pa silang natutunan.
I: Opo.
Joe: So diba.
I: Eh ano po yung first beat niyo po? Yung pinakauna niyo po?
Joe: Yun, police.
I: Ah yung police po.
Joe: Oo, tapos yung mga Mindanao, special assignments. But later on, Senate, Malacanang, tapos pinapakawalan ako all around. Usually pinapakawalan ako kung san-san eh. Dahil makulit.
I: So sir, sa pagiging journalist niyo po ngayon, these past years, alin po yung pinakamemorable po na event na sa tingin niyo yung ano ninyo?
Joe: Ah, coverage sa Basilan. When I discovered the group Abu Sayaff, when I discovered the pagsabwatan ng military at ng mga rebelde.
I: Aahh.
Joe: At habang nag-gegera, nandun barilan-barilan ganyan. Tapos aalis ka pupunta ka sa isang lugar mag gugood time ka nakita mo ‘uy yan yung commander ng mga rebelde! Kasama niya si general! Ba’t mga tao nila nag-gegera? Ba’t sila nagaaway eh magkaibigan?’ Diba?
I: Aahh.
Joe: Then I wrote about it and everybody got angry: the rebels, the government. And wala akong kakampi. Parang hello? Nagsasabi lang ako ng totoo. Mga ganon.
I: So, eh di yung threat po sa inyo nun...
Joe: From all over. I have been accused by the government as a communist, as a terrorist and everyone. I was you know that word?
I: Sinong particular government?
Joe: The ISAP, Armed Forces of the Philippines, si Arroyo, lahat sila.
I: Ah so galit po sa inyo si Arroyo?
Joe: Oo. Dahi lagi naming sinasabi ‘her lack of political will to go after the killers.’
I: Opo.
Joe: Mga ganon, diba lagi siya na-iinsulto pag ganun. Lagi daw namin siyang pinapahiya. Parang, totoo naman. Uh, even the underground left. Diba there’s a split between the left, the mainstream and the rejectionist in the early 90’s. The rejectionists, those against Joma Sison, kung sinong kakampi nito ni Joma ay re-affirmist daw. So yung mga kakampi ni Joma yon. Tapos yung mga kakampi naman ni Joma di naman mapagkakatiwalaan niyang si Jo dahil kakampi din yan ng kabila. So everybody’s angry with you. And kasama yan sa trabaho mo, basta naniniwala ka lang na wala ka namang kinakampihan.
I: Opo.
Joe: Di ka kampi sa rebelde. Di ka kampi sa gobyerno. You’re there. At ang role ng journalist is to write, to inform the public. Para yung public, makapag desisyon kung ano yung tama, makapamili sila ng tama nilang lider, kung bibili sila ng bigas ngayong araw na toh o bukas nalang, o magpagasolina ngayon o bukas nalang dahil ngayon mababa, bukas [magkakaroon ng] rollback. Ganun yung role ng media dapat. Ganun yung role ng journalist.
I: So sir ngayon po diba sa online naman po kayo ngayon? So ano po yung pinaka-kakaiba ngayon sa work niyo po as editor dito sa GMANews.tv.?
Joe: Ang sarap. Nakaupo lang ako doon, pero nakakatamad din. Because lumaki ako at [tumatak] sakin [sa] pagiging journalist, [na] practice sa labas. Hindi ako sanay magexecutive-executivan. Sanay ako tumambay sa kanto, magyosi, sanay ako kumain ng fishball, at makipagkwentuhan sa mga ordinaryong mamamayan, makipagbolahan sa drayber, mga nagkakariton.
I: Opo. Simpleng buhay lang po.
Joe: Mga ganong life that I crave for. Pero napupush ka to be the boss so you play the role of the boss. Ngayon gusto ko dalhin sa ibang level, sa higher level na yung journalism sa Pilipinas. Sa Online journalism from being a community or being a national media organization, noong wala pang Internet, ngayon international ka na. Kung nagsusulat ka about Quiapo, noon, mga taga-Quiapo at taga-Manila lang nakakabasa, ngayon all over the world you’re being read so dapat quality, dapat uh, iisipin mo yung international audience.
I: Hmm.
Joe: Tapos you also study your audience. You know that, young people like you want medyo graphic, medyo mga Neil Gayman thing na yung mga loves niyo. Ano yung bago? Awakening ba yun? Yung bagong dating? Yung bagong novel na pinipilahan ngayon. It’s about vampires.
I: Aahh. Alam ko yun. Sino yung author na yun?
Joe: Stephenie Meyer ba yun?
I: Opo.
Joe: Oo diba. Kaya pati mga yun binabasa ko parang...
I: Aahh.
Joe: Minsan nga may mga kausap akong estudyante, ‘alam mo yun sir?’ aba, nanunuod nga ako ng Avatar eh bakit ba?
I: Opo.
Joe: They were surprised nanunuod ako ng High School Musical on ice! So, to be successful, wala namang mawawala sayo kung manunuod ka High School Musical. Ano yun, yung mga characters dun or nanunuod ka ng o nagbabasa ka ng [breaking dawn] ni Meyer, or Harry Potter or whatever. Pero the same time ngayon nabasa ko physics, tsaka yung the God Particle yung ano, the smallest atom mga ganyan ganyan diba.
I: Opo.
Joe: Parang dapat alam mo yang lahat. So you study your audience alam mo kung ano yung taste nila.
I: Opo.
Joe: And realize na jologs din yung public so you make jologs [na] writing. Pero [at] the same time, pwede mo i-angat sa career level.
I: Opo.
Joe: Then graphic, kelangan mong pagandahin, magiging more interactive; na struggle parin yan na pinagkakaabalahan namin.
I: Hmm.
Joe: Then ano pa ba?
I: So sir, meron po bang nagsampa sa inyo ng libel case?
Joe: Meron.
I: Madami po?
Joe: Madami. Laging nadidismiss.
I: Ah lagi po? So sino po ba yung pinakamatinding nagsampa sa inyo ng libel?
Joe: Yun yung Yap family din.
I: Ah yun parin.
Joe: Dahil 30 million yung sinampa nila sa akin.
I: Ah grabe. So sir marami narin pong libel cases, pero wala ni isa dun na [na-convict]?
Joe: Wala. Hanggang threat lang yung iba, mga biro-biro lang, hindi naman mga ano. Dahil, wala. Alam mo totoo yung ginagawa mo diba, sige magsampa kayo. Parang hello?
I: So sir as editor po ngayon ng GMANews.tv, so...
Joe: Mas malaki yung responsibility dahil pag pumalpak sila kasama ako sa sampahan ng kaso. Mabuti noon na ako yung journalist dahil alam ko kung ano yung [ginawa ko], ako yung haharap dahil ginawa ko yun.
I: Opo.
Joe: Pero ngayon, ikaw yung haharap ng mga hindi mo naman ginawa.
I: Mahigpit po ba kayo as editor sir?
Joe: Ano, sabi nila mabait daw ako, pero natatakot din sila sakin. Di ko alam. Mabait ako, sobrang mabait, pero I implement policies.
I: Aahh.
Joe: And I, I demand, pero wala. We’re all friends.
I: Di naman po kayo naninigaw na parang yung mga typical editors po sa news station?
Joe: Di ako nga sinisigawan nila. Hindi. Minsan naninigaw, pero naniniwala ako na parang new breed of editors na [iba] yung panahon ko. Yun nagbibiruan kami. We’re all friends. Pag labas natin nun sasabihin nila, ‘uy pa-pizza ka naman’ yung mga ganung tipong work. We go out, some of us all together, ano mga ganyan. Kanya-kanya kaming ka-weirduhan. Pero, pag may i-uutos ako, dapat gagawin nila yun.
I: Aahh. So sir diba po yung sa online, ano po yung mismong deadlines nyo?
Joe: Now. Parang immediately.
I: Aahh. So pag may nakuha po sila, kailangan po ASAP i-ano na po, ipost na po?
Joe: Hmm. Or habang nangyayari yung sunog dapat naka-up ng up, tuloy tuloy.
I: Aahh. So...
Joe: Parang...
I:...every moment po, nag...nag-aano, nag-uupdate po siya sa website.
Joe: Deadline in every moment.
I: Panu po nung nagtatrabaho pa po kayo dun sa mga newspaper, pano po yung mga trato sa inyo pagdating po sa deadline nung mga editor, publisher?
Joe: Sigawan yun.
I: Sigawan?
Joe: Tawagan, ‘hoy! San na naman?! Matatapos ba yan?!’
I: Ah, sobrang nakakapressure po?
Joe: Ah oo. Sobrang pressure.
I: Strict din po ba sila regarding po dun sa mga deadlines, ta’s yung accuracy...
Joe: Yah.
I:...yung grammar?
Joe: Oo. Sabihin sayo, ‘San ka ba nag-aral ng english mo?! Sulatin mo! Ulitin mo!’ Iiyak-iyak ka. Tapos di inulit mo nga. Tapos sisigawan ka na naman, ‘Bakit wala pa?! Deadline na!’ ‘Ngeh! Pinaulit mo sakin!’ Sabay, ‘I-dikta mo nalang!’ Isip ka ngayon, dikta mo. Yah.
I: So mahirap po.
Joe: Dadaan ka sa ganoon. Sisigaw siya, ‘Putangina mo! Nasan ka na naman?!’ Tapos grabe. Pag sumigaw parang umaalog buong building. Eh pag halimbawa tatlo sila na ganoon. Eh ang lalaking mama pa naman ng mga editors diba. Talagang iyak. Or minsan ay yung mga editors mas subtle, ‘Joe halika. Marunong ka ba talagang mag-english?’ Tapos marami. Marami akong nakikitang umiiyak, mga ganyan ganyan na mga reporter.
I: Opo.
Joe: Pero eto yung personal ko kasi na ano eh. Parang iba. Dahil lagi lang ako nagpapatawa. Parang, hello. Dahil iba yung experience ko. People here, a lot of people, they work for money. Yung sakin wala panalo na. Naikot ko na yung buong mundo.
I: Opo.
Joe: Tapos I always go back dun sa where I came from. I came to Manila with only 3 t-shirts, at dalawang pantalon at naka-tsinelas ako, ni wala akong kumot. Yan tuloy dinamitan ako ng mundo. So even if I go back to Dapitan, to my tribe, na nakatsinelas, at nakapantalon at naka-t-shirt lang, panalo na eh. Ang dami ko ng na-gain. Nameet ko na lahat ng sikat na artista, politiko, United Nations, kung anu-anong mga mundo sa buong mundo. Nakapagtira na ako ng mga malalaking hotel sa anung ganyan. Parang what more can I ask for? Made ka na eh, pera, nakabili ng kotse, wala na yung mga ganyan. So pag halimbawa i-kick out ako ng mga boss ko rito, ‘Hoy! Mali ang mga pinag gagawa mo! You’re fired!’ Pa-thank you, thank you. ‘Thank you po!’ Then I go home. Then maybe sleep under the trees, and enjoy the sun.
I: So sir parang ngayon po wala ka na pong mahihiling pa.
Joe: Sana naman ‘wag muna akong ma-tsugi.
I: Di po, parang tingin niyo po sobrang accomplished na po kayo ngayon?
Joe: Sobra. Sobrang yung binigay ng, ng Panginoon o kaya ng, ng situation sa akin. Sobra talaga.
I: Hmm. Opo.
Joe: But nagbibigay [din] ako. Sobra din yung binibigay ko. People here, they’re surprised na, for example dumating ako kanina. Dito sa office dumating ako ng alas tres, dahil iinterbyuhin niyo ako eh. Pero, I was awake at eleven o’clock in the morning.
I: Opo.
Joe: Sabihin, ‘Wow eleven o’clock in the morning o, awake siya. Ang late na niya nagising.’ I went to the bookstore basa-basa ng mga libro, bought three books, ni Paolo Coelho, the Witch of the Po...Ano yon?
I: Aahh. Ano yon Witch of...
Joe: The Witch of...Yung ano Porcoelho? Porta...
I: Aahh the Witch of Portabello?
Joe: Witch of Portabello something. Di ko pa nabasa eh. Tapos about the history of the internet and radio, radio to the Internet, and also God Particle nga na sinimulan ko basahin. Then I ate sa tapa. Diba yung mga may tapa tapa–
I: Opo.
Joe: And came here. But before that, I slept eight o’clock in the morning.
I: Aahh. Sir, hanggang anung oras po ba kayo na [nagtatrabaho]?
Joe: Halimbawa kanina lang natulog lang ako. I come here eight in the morning. Eh wala lang, gusto ko lang dito. Work up to two o’clock in the morning.
I: Aahh.
Joe: Tapos when I go home I watch tv, read, and I sleep about 4 [o] 4:30 in the morning. And usually wake up about seven o’clock in the morning. Read, breakfast, sleep mga isa, dalawang oras.
I: Tapos babalik na po ulet kayo dito?
Joe: Ganyan parang cycle yan. Depende lang kung merong mga [gagawin].
I: Aahh so konti lang–
Joe: So, parang di ko rin namang maachieve yung mga grasya. Kung tutulog-tulog din lang ako, parang di wala rin.
I: Ah opo.
Joe: Magtrabaho ka rin.
I: So sir yung mga journalist po dyan sa online journalism, mga online journalist po, ano po yung mga time nila?
Joe: Naka-shifting sila. Merong papasok ng 8 to 5, may 3 to 12, may 11 to 7. Depende sa anong oras.
I: Ah so ano po, di po ba ano sir, 24 hours?
Joe: 24 hours.
I: Aahh so bale eto lang 6th floor?
Joe: Shifting. Oo kami.
I: Eto lang po yung office niyo na 24 hours sa GMA?
Joe: Yan lang. Meron iba diyan pero ano yon, mga shooting, mga pampelikula, mga show.
I: Ah opo.
Joe: So iba, iba yung mundo nila eh. Sa news, kami. Wala pa yatang ibang news na nag 24 hours. Kami lang talaga yung [24 hours], dahil yung ANC nagrereplay replay lang naman yun.
I: Opo. Hmm.
Joe: Ganon.
I: Umm...everything answered na po. Onga eh.
Joe: Nakakahiya naman wala namang...
I: Ang dami niyo na pong nakwento sir, sobrang thank you po. Especially dun po sa mga Basilan, opo, kayo po pala nag pioneer nun. Pati yung sa Abu Sayaff po. Any last words po sir?
Joe: Hi. Ano, for students, for those who dream to be. Iba na yung mundo ng journalism siguro. Etong mga interview ninyo, yung mga kwento ko, hindi niyo narin maeencounter to even when you go to the field. It’s a new [experience]. When we started as journalists, wala kaming laptop, wala kaming cellphone. Ano lang yon, for example I was covering Basilan. Nagbabakbakan na yon, nag-gyegyera, iisa lang ang telepono sa Basilan: PLDT. Nasa gilid ng kapitolyo. Nag-gyegyera na don, nag ganyan ganyan, nandoon nakapila pa ‘Bilisan niyo naman mag-fafile ako [ng] storya!’ Tapos mag-fafile kayo [ng] storya, ‘Umm nag uh, nagbarilan...’ ‘In english!’ May notes ka, ‘Uh, five soldiers were killed in...’ ganon. Tapos ang tinatawagan mo nandito sa Maynila yung editorial assistant nag gaganun siya tapos typewriter yung pinipindot, maririning mo. ‘Ano nga yon? ‘Nu nga yon?’ Tapos may punto akong Bisaya, may punto din siyang Bisaya. Kung anu-ano pinagsusulat niya doon kaya di eedit na yun. Gagawin ng editor, di tatawagan ka nung, ay tata– sasabihan ka ng, ‘ Ah, Jo, ah, mamaya tawag ka ulet after one hour ha.’ Tawag ka na naman, ‘Sir, sir!’ ‘ O ano to na sinasabi mo sa–‘ ‘Bilis bilisan niyo sir! Nagbabarilan na dito sa likod ko! Nasusunog na ‘tong building!’ Mga ganon. Iyon, those were the fun days. Wala ka tape recorder, notebook ka lang. Banat ka ng banat. Sige, ha sir. Di ka naman nagkakamali.
I: Hmm.
Joe: Pero wala kang pamasahe, nilalakad mo. Pero ngayon, the new breed of people, utusan mo yung reporter kailangan niya mag-reimburse ng pamasahe, kailangan may tape recorder siya, kailangan may cellphone, may digital recorder pa, may cellphone, may camera, may laptop. Parang, hello? Kami nga nakabuo kami ng mga nobela halos na mga storya with only my pencil and my notebook. At yun lang. So yung challenge in the future if you become journalists, mga students, ang importante di yung porma eh, ang importante yung content. Ang importante sa journalismo o sa pagsusulat, kahit anong mang pagsusulat nobela man, short story o poetry, kahit komiks man yun, importante dun ipakita mo yung mukha ng tao, pakita mo yung nangyari, yung katotohanan. Dahil, at the end of the day, habang nagmumuni-muni ka dun sa kama mo, sabihin mo lang kung hindi ka naniniwala sa Diyos, di siguro naniniwala ka sa araw or something. Ang final quiz [o] final exam, sasabihin lang naman ni God sayo na, ‘Ano yang mga pinagsasasabi mo? Totoo ba yon?’ or ‘Lahat ba ng ginawa mo nakatulong dun sa kapwa mo?’ Dahil kung hindi, bagsak, repeat ka. Diba, parang ganun lang yon.
I: Hmm.
Joe: So everything that you do, do it for somebody. Do it for something good. Do it for a cause. Even mga interviews na ganito.
I: Opo.
Joe: Thank you po.
I: Thank you po sir. Thank you po.
Joe: Salamat. Bakit ako pa naisip niyo?
___________________________________________________________________________________
Jose Torres Jr. was born on February 10, 1966, in Dapitan, Zamboanga del Norte. He studied philosophy and theology at the University of Santo Tomas and Ateneo de Manila. At the time of the interview, he was editor GMAnews.tv.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment