Wednesday, August 20, 2008

Oral History of Lydia Bueno



Inerviewers : Stephanie Therese Chan and Krizel Malacca

S (Stephanie Therese Chan): For the record po, what's your name and describe the nature of your job.

L (Lydia Bueno): Im Lydia Bueno, I'm the news editor of Remate.

K (Krizel Malacca):Tatanong lang po namin, papano po kayo nagstart mapasok sa newspaper?

L: Siguro nagstart din ito nung after graduation, ng college. Pagkatapos ko ng Masscom, medyo naencourage ako. Isang pinsan ko yung nagencourage sakin magtayo kami nang isang association, sa Bulacan; Bulacan Media Association. So un yung naging grupo namin doon, tapos, since then, pumasok na ako sa diyaryo. Di muna sa Remate yun, kasi meron pa kaming Remate Tonight, tapos may Daily Reporter. Ayun, bilang reporter muna

S: Ano po ung 1st na newspaper na pinasukan niyo?

L: Yung Daily Reporter.

S: Ilang years po kayo doon?

L: Saglit lang yun, months lang yun kasi nagopen na ung remate, ng english newspaper nila, so nagapply ako doon. Kaya lang, un pala, ung ads nila, magtatagal pa pala yun. Iniipon pa lang nila ung mga tao nila, di pa pala yun talagang magsastart, kinuha na nila ako para sa Pinoy. Pero, nung time na yun, ang dyaryo namin, mga seven. So tatlo doon ako pinasok bilang editor; Pinoy, Balita Espesyal at saka Remate.

S: Ilang years na po kayo dito sa Remate?

L: Sa Remate.. mga fourteen.

K: Tanong ko lang po, talaga po bang pangarap niyo pong maging Journalist, simula bata pa po kayo?

L: Hindi eh, accountant gusto ko, maging CPA eh.

K: Bakit po kayo biglang Journalist?

L: Nagkataon lang siguro na elementary palang, naexpose na'ko sa news writing. Then nung high school meron rin kami nung school organ, naging reporter ako, naging opinion editor, hangang news editor and then nung 4th year, naging editor in chief ako nung school, sa school organ namin. Tapos sabi ko, siguro kung kukuha ako ng CPA parang hindi ata yun linya ko, kasi wala akong experience dun. Samantalang doon sa journalism, exposed ako. Tapos mahilig kasi akong gumawa ng mga tula noon, kahit makakita lang ako ng isang bagay, magsusulat na ako nun. Gagawa na ako ng tula.

S: Ano po yung pinaka-memorable na nasulat niyo?

Lets say diba sabi niyo po, mahilig po kayong magsulat ng poems. Yung pinaka-favorite niyo po.

L: Ang hirap nang tandaan

S: ‘Yung memorable

L: Basta, ang karaniwang topic yung nakikita ko. Mga luntiang paligid, mga ganon. Since graduate din ako ng Cultural School, so baka kaya ganun ung linya ng mga tulang nagagawa ko noon. Pagnakakakita ako ng mga ibon, mg bulaklak, puno. mga ganun

K: Eh na article naman po sa newspaper, ano po kaya ung pinakaremarkable para sa inyo?

L: Mahirap kasi sa news editor, halos lahat kasi ng mga issues eh, na-ano eh nadadaanan natin yan eh nadidiscuss natin. May mga sensitive na issues, pero mahirap sabihin na eto ung pinaka ano talaga eh,diba?

S: Meron na po ba kayong nagawang article na dahil dun parang sobra kayong na-touch, na naiyak kayo o sobra kayong natuwa na yun yung article niyo?

L: Siguro yung kaunaunahan kong article na nagbanner. Kasi ung, kasi ung sa dyaryo, sabihin na nating na, andun ung, tuwang tuwa ka kapagmakita natin yung my line. Kapag gumawa ka ng article, tapos kinabukasan "Ui, article ko ito..ui ganito lumabas". Kahit magsubmit ka na ng 5 article, lalabas tatlo, masaya ka na nun, dahil nakita mo yung pangalan mo sa simulang simula. Eh nung starting pa lang ako, nagsubmit ako, siyempre tabloid yung ano ko, rape yung sinubmit ko. Pagtingin ko nung kinabukasan, banner. Hahaha. Kasi bata, nirape ng tiyuhin niya. Parang ano eh, iba eh. Kahit sabihin na nating "ano ba yan, bakit ganun mga storya?" pero syempre, un ung memorable sakin dahil yun yung first article na ginawa ko, at nagbanner pa ako noon sa Remate Tonight.

K: Kelan po kaya yon?

L: 1994. Pero kasi after kasi nung 93 na iyon, hindi kagad ako nasa dyaryo. Naging active ako sa community. Sa SK, naging counselor ako. Tapos sa simbahan, naging lector din ako. So yun concentration ko, more on sa community namin, hindi kagad sa newspaper. Kasi meron kaming mga (?), ganun din, nagsusulat din ako. Sa bulacan lang, hindi pa talaga yung malaki

S: So, since kelan po kayo naging active?

L: 94, oo. kasi saglit lang din ako sa field. Nung nagapply nga ako sa editor, tinanggap naman kagad ako nung lawyer ng.. Noon carlo publishing pa ito eh. Kay Pitchay, pero, nung tumakbo siya wala na siya solved na siya sa dyaryo. So naging ano na, corporation. So marami na ung naging boss namin. Hindi na siya ang kasama doon. Parang yung pangalan siya lang ang nagregister, pero yung sumunod hindi na siya.

S: Naging cub reporter po ba kayo?

L: Sa Remate, Remate tonight. Doon ako naging reporter, ang beat ko noon yung Bulacan.

K: Diba 93 94 po kayo nagstart, ano po kaya yung mga facilities noon, ano itsura?

L: Noong time na yun? nako, wala pang internet noon. Ang hirap! Kelangan pa namin magphone in, since ano yun eh, probinsya. O kaya, fax machine. Yung article mo, isusulat mo na then iphophone in mo nalang doon sa editor mo, pag wala nang available na fax machine. Kasi noong time namin na yun, pala pang internet. Noong nagstart ako noon, wala pa. Ang cellphone pa noon pagkalalake pa ng mga cellphone. Yun pa, ganoon pa kahirap noon. Tapos ang mahal pa ng bayad di kagaya ng maginternet ka, pero hour marami ka nang maisusubmit na articles.

K: So noong nagstart po kayo, regular po kayo kagad?

L: Ai, sa field mahirap maging regular.. correspondent ka talaga.

K: Regular po ba yung oras niyo?

L: Hindi. pagsinabi mong oras, hindi siya regular.

Iba yung reporter, pag reporter ka, yun ang regular.

S: Pero pag correspondent po?

L: Pag correspondent, per article ang rate.

S: So noong start po, naging correspondent kayo?

L: Oo, per article. Kung tutuusin mo, sabi nga nila walang pera sa dyaryo.

Mahirap talaga kasi gagastos ka, tapos pagdating ng suswelduhin mo eh yung clippings. per column centimeter, per column inch ang rate. Ganoon kaliit. Talagang magtiyaga ka muna bilang corres bago ka maging reporter

S: Gaano po kayo katagal naging correspondent, for a while lang po?

L: Kaso isang buwan lang ako, siguro dahil nakita nila doon sa resume ko bilang cum laude, ayun ang ngyari. Tuloy tuloy na ako, Pinoy, Remate hanggang namatay na yung Pinoy, nagsara, Remate, tuloy tuloy parin.

K: Yung mga deadlines po kaya, paano po kaya yun nangyayari?

L: Yung deadline kasi eh, minsan kahit sabihin natin yung deadline sa desk 2:00, kailangan andyan na yung articles, may dumadating na mga storya ng mga 4. Magsasara ka na ng dyaryo, meron ka pang maririnig na storya. Halimbawa, meron isang prominent personality na namatay, naambush, kahit na sabihin mo tapos na yung page 1, tawag doon magreremat ka. So papalitan mo yung buong banner mo, uulit ka ng article mo, kahit yung inside page. Para lang hindi ka maiscoopan. yun ang hahabulin natin, yung hindi ka maiiscoopan ng malalaking issue. tapos kapag may mga announcement si GMA, hihintayin mo matapos yun. Di ka makapagsara kaagad. Minsan, ngyari samin yung kay Erap noon umabot na kami ng 8:30 hindi pa kami tapos, kasi may mga issung malalaki.

S: So late na po kayo nagsstart magprint niyan?

L: Hindi, ok lang kasi meron naman kaming sarili naming printer. Yun ang kinaganda noon, nang may sarili kang makina. Kasi may mga dyaryo jan na nakikiprint lang. So naghahabulan sila,sa kung anong available time noong sa printing press.

K: Tanong ko lang ulit po, saan po nakalocate yung Pinoy, yung dati niyo pong pinasukan?

L: Sa Leyland Building sa port area.

K: Saan po iyon?

L: Nakapunta na ba kayo ngayon sa Police files? Ito yung Journal, dati ah, journal. Tapos sa kabila lang noon yung Leyland.

S: Marami pong newspapers asa port area diba?

L: Halos kasi lahat ng newspapers nasa port area talaga,pero nung umalis kami yung dispatching lang ang naiwan. Kasi ito, sarili ito nung may ari, kanya ito. Kaya dito kami dinala, yung makina diyaan dinala

S: Kelan po kayo lumipat dito?

L: 2004

S: So before 2004 Port area po talaga kayo?

L: Oo, port area talaga kami. Galing kaming Leyland,tapos nagkaroon nang problema noong

nasherif kami doon sa kay Pitchay, nakuha yung dalawang makina namin. Lumipat kami-

S: Bakit po?

L: Nagamit sa politics, kaya nagkaproblema. Tapos yung, yung makina ang kinuha nila. Lumipat kami ng daily express. Sa may security bank, Port Area rin.

K: Ano po kaya yung first beat?

L: Sa regular na, kasi nung sa practicum ako, sa CaMaNaVa; Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, pero yung ano talaga, Bulacan. Kasi tagaroon talaga ako.

S: Mabilis po ba maging corrsepondent o parang minsan tyempo, kasi minsan.. mabilis yung hagilap niyo po ng news kasi minsan diba parang paunahan talaga kayo sa news?

L: Minsan, kailangan mo rin sa field ng mga contact kaya yung mga hepe, sila ang mga hawak ng kaso ung mga pulis, doon sa beat mo o kung sino man yung local government, sa mayor, governor, yung mga staff nila, kailangan may contact ka sakanila. Para pag meroon affair, may nangyari sa ganitong lugar, cocontactin mo nalang. Kasi yung Bulacan merong 24 na bayan. So ang hirap naman sa isang araw maiikot mo iyon, di mo talaga kakayanin. So ang ginagawa namin, by phone in.

S: So usually kung sinabi niyo pong beat yung Bulacan, saan kayo nagsstay, sa isang bahay lang po?

L: Hindi, meron kaming isang association, BMA so meroon kaming office. Tapos nandoon na rin yung fax machine, saka yung telepono tawag kami sa mga Mayor, Hepe, kasi malayo na yung mga Plaridel, Baliwag..

K: Tanong ko lang po, yung mga nakasama niyo po sa beat na iyon, yung first beat, natatandaan niyo pa po ba sila?

L: Oo, natatandaan ko. Marami sa kanila ang nasa dyaryo parin, pero reporter parin.

K: Sino sino po kaya yun?

Sina Omar Padilla, Bulletin. Sina Freddy Velez sa Tempo, Efren Alcantara, Radio. Kumpleto naman kasi lahat eh. Halos lahat, Radio, print, broadsheet, saka yung tabloid. Lahat yan, meron sa isang beat meroon silang mga reporter at correspondent doon. So halos lahat ng dyaryo meroon. Kaya kapag pupunta kami ngayon sa National Press Club, andun yung mga dati kong kasamahan. Kita kita parin kami. Kasi ano ako ng, Auditor ng Alyansa ng Pilipinong Mamahayag. Maliban doon sa National Press Club, bumuo kami ng isang samahan na pag may namamatay na journalist tinutulungan namin, mga iskolarship.. magbibigay kami

S: Saan po yung first na practicum niyo, ano po'ng newspaper?

L: Philippine Star, Kasama ko si Shiela ano Crisostomo noon.

S: Musta naman po yung practicum niyo?

L: Ok naman, mahirap. Masarap, exciting.

S: Bakit po siya mahirap?

L: Mahirap kasi halimbawa, merong hold-upan, eh pag mga babae, siyempre parang mahirap ng pupunta ka sa isang ganoong lugar eh andun may namatay, actual makikita mo, kukunan mo. Kahit babae ka, gagawin mo 'yon. Meron sinalvage, talagang pupuntahan mo. Mamaya makita mo yung dugo nagkalat na sa -

So lahat, nagstart sa ano, police beat. Hindi ka pupwedeng maassign kaagad sa political beat.

S: Pero, nagkaroon na po kayo ng political beat?

L: Hindi na, kasi napunta na ako sa desk.Yung mga LGU's nalang yun. Sakop narin yun ng beat na iyon. Kasi bukod sa police beat, yung mga local governments kasama narin. Kaya kasama na yung mga governor, mayor.

K: Tanong ko lang po, meroon po ba kayong mga editor na nakasama niyo, yung memorable?

L: Editor, editor na naging kasama ko na memorable? Hindi maganda pero ok lang ba yon? Meron kasi ako nakasama noon, editor siya, pero first day ko pa lang bilang editor, reporter pa lang siya. Tapos kinabukasan lumabas yung article, inaway awaya niya ako.

S: Kasi po?

L: Kasi hindi raw lumabas yung storya niya. Tatlo raw yung article niya, hindi raw lumabas kahit isa. Nagalit siya sa akin. "Sino ba yang editor na yan, bakit ganyan yan?" Aba, talagang hindi ko, umiyak talaga ako noon. Kasi nagsumbong pa siya sa taas, sa boss namin. Kaya iyak ako ng iyak noon. Kasi kung ano anong yung mga salitang binitiwan niya sa akin. Kasi, siyempre matagal na siyang reporter. Pero, noong time na iyon kasi, bigla namang nagkabrown out, nakuha ko na lahat ng storya niya, naedit kona, alas-sinko na wala pa. Nagmamadali na ako para makapagsara ng page1 nung Remate noon. So anong gagawin ko, nawala yung article mo uulitin nanaman? Hindi na nahabol talaga. Kaya noong kinabukasan talagang "tootootootoot". Kung ano-ano mga pinagsasabi, iyak talaga ako. Sabi naman ng boss ko "editor ka, bakit ka iiyak?" "eh kasi po, kung ano-ano pinagsasabi niya sa akin eh" sabi niya "wag mo siyang pansinin, ikaw ang masusunod, hindi siya". So hindi ko makalimutan yun, kasi siguro noong after ng mga ilang buwan, naging editor din siya. Pero pagdating niya ng desk, ayaw niyang gumawa ng Political. Ano siya eh, MLQU graduate.

K: Ano po yung MLQU?

Sa MLQU, Manuel L. Quezon University. Pero ayaw niyang gumawa ng mga political na article. "Di ko alam yan eh, ang alam ko lang pulis eh". Sabi ko "ang taray-taray nito.."

S: Maraming beses na po ba kayo umiyak dahil sa newspaper, sa tabloid po?

L: Sa kung sa iyak, sa una talagan iiyak ka talaga dahil maraming magagalit sayo, maraming magbabanta sa iyo, may naisulat ka, magagalit sila. Pero yung iba naman, tinutuluyan nila nagfifile sila ng Libel. Yun naman ang kalaban namin; libel. Pero yung iba kasi hindi naman nila nababasid na once nabanatan mo yung tao, ahh.. nilalabas din naman namin yung side nila. Hindi nila pinapansin yung positive na lumalabas na sakanila. Basta may makita silang negative, yung mga sensitibong mga tao Ay, file kagad ng libel.

S: Na-filean na po ba kayo ng libel?

L: Mahirap magbilang, marami na.

K&S: Marami na po?

L: Pero naman kasi, yung mga libel na naifile sa amin, hindi naman kasi dahil sa kami yung nagsulat noon, Pero dahil yung pangalan namin ang nasa staffbox, damay kami sa libel ng reporter namin. So mahirap bilangin, napakarami. Simula ng magsimula kami. Naikot na namin pati La Union, San Fernando, Paranaque, itong Quezon City, Manila ikot na kami lahat. Tapos si ano, Angelica Jones.. kaya kami naging magkakaibigan niyan, kasi nagkaroon kami ng libel case kay Angelica.

K: Ano po ang ginagawa niyo, hindi naman po, diba sa libel po either magbabayad po kayo tapos pwede rin po kayong makulong?

L: Mag ano, siyempre magbbail ka muna. Pero tuloy-tuloy yung hearing. Makukulong ka lang kapag tapos na sa Supreme Court.

K: Hindi ka naman po umabot doon?

L: Ai, hindi na kami umabot doon. Naging magkakaibigan na. Oo, kaya lahat ng okasyon namin, umaattend na si Angelica Jones.Yun din naman kinaganda noon, kasi maraming nagiging kaibigan mo rin yung mga nagfifile sa iyo.

S: What significant events did you cover?

L: Oo nga, siguro pagcoverage na ganyan, kahit ano pero kahit nasa desk ako, maypagkakataon na umaattend ako. Nung sa Makati noon, kay Cory, kasama ako noon. Talagan, kahit nasa desk kami, pupunta kami doon. Tapos noong kay Erap, dito sa EDSA, umattend din kami doon.

K: Talagang lahat po

L: Oo, para ano, maging part ka ng mga ganoong malalaking mga event. Yun, sa ano nga ba iyon, EDSA II na ba iyon? Yung kay Erap

K: Three

L: Hangang sa Mendiola. Pumunta ako sa Mendiola noon oh, nagkakagulo na yung mga ralliyista dito. May harang diyan,siyempre Media ka nandoon ka sa gitna. Kasi hindi ka naman ano eh, pwede ka na isama ng mga pulis. Noong nagtatakbuhan na sila, yung mga harang.. talagang i-ano na, binual na ng mga rallyista. Sabi nung kasama ko "umalis ka na dyan". Kung hindi ako umalis doon, talagang maapakan na ako doon. Pumunta kami doon sa may ano, van ng GMA. Kasi, hindi mo mapipigilan mga rallyista eh, susugod na yun sa Mendiola. Kay Erap yun eh, pagalis ni Erap. Kasi sa Sta. Mesa eh, may bahay kami sa Sta. Mesa. So malapit lang diba? From Sta. Mesa nilakad ko yun, sumama ako sa martsa hanggang Mendiola

S: Parang masaya rin siya na parang hindi.

L: Oo. pero hindi mo mapapansin yung pagod. Pagnagawa mo na, andyan na yung article. Mas ano kasi, mas masarap yung nagingbahagi ka talaga ng special event na ganun.

K: Ano po kaya yung pinakamemorable po para sa inyo?

L: Ayun, yung sa Mendiola yung kay Erap

K: Eh nung ano na po kayo nagprapracticum po kaya kayo?

L: Sa practicum mga ayun lang mga patay na pinupuntahan namin. Naku kailangan tatanungin namin yun police pero nandun mismo “Ano nangyari doon? Bakit wasak yun ano niya? Bakit ganito yun dugo, nagkalat?” Bank robbery holdup may mga pinatay.

K: Ok lang naman po kayo makakita ng mga dugo dugo?

S: Hindi po kayo nandiri?

L: Hindi na! Kasi noon ginusto ko rin maging nurse, nagoopera nga ako ng palaka! Wala, ok lang sa akin yun tsaka ‘pag pumasok ka sa ganitong ano, talaga kailangang maihanda mo yun sarili mo. Sa mga dugo, buhay na buhay na dugo makikita mo, patay sa harapan mo. ‘Wag kayong matakot.

K: Ano pa po kaya yun mga nangyari noong nagstastart pa lang po kayo bilang reporter?

L: Sa starting? Kasi hindi naiiwasan yun mga hepe, gusto nila pabor sa kanila ‘yung susulat so kahit mayroon mga illegal na ginagawa sa lugar nila susuhulan ka para lang, para lang huwag isulat ‘yun ano nila, yung mga ginagawa nila, jueteng sa lugar nila, meron mga ahh kunyari, basta lahat ng klase ng mga illegality para huwag ng isulat. So kung ayaw mo naman na mapasakop sa kanya, huwag mong tanggapin, banatan mo. Tulad doon sa amin sa Bulacan, dami doon mga bold show, huwag kang tumanggap kahit na singko doon sa mga may-ari ng club puwede mong banatan. Kasi once na tumanggap ka siyempre hindi mo naman puwede basta banatan.

K: Sabihin binigyan kita ng ganyan

L: Oo, oo, nareglo pa yan. Yun ang mahirap, kapag pinapatulan ng mga reporter yun mga ganyan, so parang na aano nagagatekeep mo na sa halip na ilabas mo sa diyaryo o kaya ilantad mo yun mga nangyayari hanngang sa’yo nalang. Diba?

K: Sayang.

L: Mahirap din yun.

K: ‘Di malalaman ng…

L: ‘Di rin malalaman ng iba na sa inyo pala talamak ‘tong ganitong illegal.

S: So parang being a journalist it’s scary at the same time its fun, parang nakakatakot kasi diba ‘pag minsan tulad nung mga hepe…

L: Kaya mapapansin niyo napakamaraming journalist ang namamatay sa probinsya. Kasi unang-una kilalang kilala nila yun mga tao doon, yun mga reporter doon. So mas madali nilang aambushin o kung saan saan nalang nila alam nila ay ganitong oras nandito siya ganito. Pero sa Metro madalang talaga yun namamatay.

K: Parang may nangthreathreat lang?

L: Oo hanggang ganoon lang sila pero minsan talaga yung tinuluyan…

S: Mayroon na po ba kayong kaibigan?

L: Marami na kaming kasamahan, ‘yung si, Hernandez, sa Journal. Kasamahan ko yun sa Regional Inquirer noon kay Bong Revilla, kasi naging editor din ako doon.Kasamahan ko ‘yun na sumakay sa taxi. Kasi ‘pag umuuwi ‘yun nagtataxi siya so parang naisip namin AP taxi or may gustong pumatay sa kanya inabangan siya ‘pag uwi niya ng madaling araw. Siyempre kasamahan mo rin ‘yun, tapos ayun marami pa kaming mga kasamahan na ganon ang nangyayari.

S: Parang nabibigyan ba sila ng hustisya o madalang?

L: Madalang ang nabibigyan ng hustisya eh. Lalo na kapag ang kalaban mo eh mga malalaking tao.

K: Mga politko?

L: Politiko, politiko, tsaka yun mga police mismo. Itong columnist namin, ang dami daming mga police ang nagagalit sa kanya kasi ‘yun ang mga binabanatan niya. ’Pag nasa probinsya ka iba rin ang katapat mo. Ganon lang.

K: Nakakatakot.

S: Ano po ‘yun nagiging specialty ng e e editor pagkakaeditor niyo po?

L: Sa news ‘yun sa akin, kasi mayroong sports, may entertainment, mayroong mga ganon. Sa news kahit saan, business, (?), political.

S: Usually anong oras po kayo nagstastart? I mean what time po kayo pumapasok dito?

L: Ang pasok ko is 1 tapos hanggang sa matapos na yung diyaryo.

S: Umaabot ba kayo ng madaling araw?

L: Depende sa okasyon, minsan 10 nandito pa kami, minsan 9, minsan 8.’Pag wala namang malalaking event mga 7 uwian na, hindi na namin hinihintay yun 9 mga ganon ‘pag wala namang malalaking issue.

K: So ano po kayo Sunday to Friday ang pasok?

L: Everyday. No holidays.

S: Kahit Christmas?

L: Kahit Christmas, ‘yun ang mahirap sa diyaryo. December 25 nandito kami, January 1 nandito rin kami. Holidays na sa iba, tulad na ngayon diba, bukas Quezon City Day mga kasamahan naming walang pasok kami nandito pa rin. Walang holiday.

S: So paano po?

L: Kahit na may bagyo, may lindol, may ano lahat pasok pa rin kami. Nangyari na sa amin ‘yun na ‘yung bagyong Roming ba ‘yun? Basta ‘yung sobrang lakas na dito sa Metro Manila

S: Milenyo? Milenyo ata ‘yun.

L: Milenyo, Millenyo nga ata ‘yun halos walang pumasok sa amin, iilan ilan lang kami, bumubuo pa rin kami ng diyaryo. Ganon kahirap, ‘yung mga kasamahan namin rinecover lang namin panel nila, para lang masara ‘yun diyaryo.

K: Kaya talagang kahanga hanga.

S: Thanks to Internet at puwede nalang mag e-mail ng article.

L: Oo, at tsaka ngayon ang nangyayari ‘yung mga ibang reporter naming kahit cellphone nagagamit na eh.

S: Text message?

L: Oo, ‘yung article nila kapag hindi available ‘yung iba kahit minsan nababack down ‘yung Internet, cellphone.

S: Talagang text message po?

L: Oo, oo. Nangyayari ‘yun. O kaya naman magmonitor ka sa radio, gagawa ka ng article based on facts na nakuha mo sa radio.

S: Parang hindi po ‘yun maplaplagiarize? Parang sabihin as plagiarism.

L: Ay hindi, ang kinuha mo lang naman doon ay yun article. Halimbawa, ‘yun lumubog na ano, halimbawa may bagyo, so kokonte ‘yun mga tao tapos ilan na ‘yun namamatay, eh updated naman sa radio so iuupdate mo nalang ‘yung figure. Ganito ‘yun namatay, ganito ‘yun nawala. ‘Yun ang nagging source mo, radio.

S: Let’s say po if hindi kayo pumasok sa being a journalist ano po ‘yung siguro feeling niyong magiging trabaho niyo ngayon?

L: Ayan na nga po tayo. Hindi eh. Ok lang, wala na ‘yun tapos na ‘yun eh, mayroon na nga akong pangalawa eh. Hindi gusto ko na mag madre, kasi diba dati akong lector, magmamadre sana ako pinigilan lang ako ng mama ko. Sabi niya puwede mo naman kaming tulungan kahit na…

K: Tissue po!

S: Sorry po.

L: Hindi, ok lang. Kailangan, at least may baby na ako.

K: Oo nga po.

S: Pangalawa na po?

L: Pangalawa na. Wala na ‘yun, kasi mister ko dating pari. Talagang pinagtagpo

K: Kapag Pasko puwede niyo (asawa’t anak) na po silang dalhin dito?

L: Puwede, puwede rin, sinasama rin naming.

S: Parang ang lungkot no, spending your Christmas here?

L: 24, wala kami, walang pasok ng 24 tsaka 31.

K: Pero 25 meron na?

L: Meron na.

S: Pero paano let’s say 24. Let’s say po ‘pag wala pong pasok sa 24 paano po yun diyaryo for next day?

L: Diba Christmas Eve naman tsaka New Year’s Eve, 24, 31. Wala kaming pasok noon. Wala talagang diyaryo ng 25 tsaka ng January 1. Tsaka Biyerna Santo, Huwebe Santo ‘yun, wala kaming pasok. Sa loob ng isang taon apat na araw na ‘yon.

K: Grabe apat na araw.

L: Wala talagang pasok, minsan hinihiling ko ‘yung Saturday na ‘yung (?) ni Gloria, hindi rin ako pumapasok kasi umuuwi kami ng Apari. Mister ko taga Cagayan, minsan punta pa kami ng Ilocos, pagka ‘yun mga ganon, ‘yun lang, hindi muna papasok ng Wednesday para ma ano mo yun trip mo sa Biyerna Santo.

S: Parang gusto niyo ng i-give up ‘yung pagiging editor or hindi naman?

L: Hindi na. Ok na ako. Oo, nag-eenjoy naman. Masaya naman kami magkakasama para na nga kaming isang pamilya dito eh. Sa tagal ba naman kaming magkakasama namin, nalulungkot nga kami ‘pag may umaalis. Kasi mas matagal pa naming nakakasama kaysa sa…

K: Pamilya, parang family na po kayo?

L: Lalo na ang anak ko, saglit lang, sa umaga aasikasuhin ko na papasok na sa school.

K: Ilang taon na po ba ang isa niyong anak?

L: 9. Grade 4.

S: Girl po or boy?

L: Boy. Kataba-taba.

S: Parang ano po ang masusuggest niyo, let’s say if ever one of us sa amin maging journalist? Kasi communication arts po kami, kasi puwede po kami sa broadcasting, puwede sa journalist, puwede sa film.

L: Advertising puwede rin kayo, kung gusto niyo sa journ, tatagan niyo muna ang loob niyo ha. Tatagan mo muna ang loob, kailangan tibay ng loob nandiyan. Tapos talagang sabi nila walang pera, gagastos ka, pero pag nag-enjoy ka naman sa ginagawa mo hindi mo na talaga halos ayaw mo nang iwanan. Lalo na kung talagang pagsusulat ang linya.

S: ‘Yung gastos po ibig sabihin, yung money for travel tsaka food mo?

L: Oo, pero ang kinaganda kasi sa mga beat, mayroon namang food allowance.

K: Sapat naman po kaya ‘yung allowance?

L: Oo, ok naman. Tsaka konteng tiyaga lang, ‘pag naging reporter ka hindi mo nama proproblemahin ‘yun eh. Kaya ‘yun mga reporter hindi ‘yan namomoblema kasi mayroon namang sahod ‘yun eh.

S: ‘Pag reporter po kayo ilan pong minimum ‘yung kailangan niyong ipass na article?

L: At least 3. Oo, 5 mas maganda, mas marami. Pero siyempre…Basta ang importante ‘wag ka lang mai-scoopan doon sa beat mo. Basta ‘pag sinabi mo ‘yung beat na ‘yun, let’s say ‘yun CaMaNaVa, apat na ano ‘yun eh, kailangan makukuha mo kung ano nangyayari doon sa bawat lugar na ‘yon kahit magstay ka sa Caloocan kailangan ‘yun communication mo sa mga taong sa lugar na ‘yon para hindi ka maiscoopan. ‘Yun ang ‘wag na ‘wag niyong gagawin, ‘yun mai-scoopan talaga kayo.

S: Na ano na po ba kayo, nai-scoopan?

L: Ahh, hindi naman. ‘Yung mga iba reporter namin, kasi ‘pag nasa ano nasa beat ka parang easy ka lang wala naman gaanong pressure kasi tapos na akong gumawa ng istorya pero hindi mo naman namalayan mayroon palang inambush nung alas singko ng hapon so pa easy easy ka na lang minsan kung saan saan ka na nagpupunta, nakabili ka na, ‘yun pala ‘pag dating ng alas siyete mayroong balita sa beat mo mayroon palang malaking nangyayari so kailangan naka ano ka pa rin alerto ka pa rin. Tapos ‘yun communication mo kahit doon sa mga kasamahan mo hindi na ikaw ‘yung gagawa tawagan mo sila para makapag makatulong din sila. Sila na ‘yun nagbabato sa desk o kaya naman kulang ‘yun detalye ng kasamahan mo ikaw babalik ka sa beat mo.

S: Naka experience na po ba kayo na parang magigising kayo at the middle of the night para lang

L: Minsan may ano kami, mayroon kami, mayroon kaming sinusubaybayan kaming pangyayari, 10 wala pa, comatose mga ganyan, malalaking tao. Naalala ko noon si Miguel Rodriguez ba ‘yun ‘yun namatay noon, eh hindi naman nila sinasabi na kung ano ‘yun rason na kinamatay, sinusubaybayan namin araw-araw noong time na ‘yun (?) malaking artista eh. Alas, siguro nasa MBC na kami may affair doon, “Uy, patay na si ganito si ganon.” May mga ganoong mga pangyayari, wala rin tayong magagawa kasi wala ng tao sa opisina pero minsan nagtatawagan pa rin kami na si ganito wala na, o sige, sa kinabukasan finafollow up nalang doon sa nangyari. Kaysa naman naiscoopan ka noong time na ‘yun, kinabukasan may follow up story na.

K: Kaya pala may back up kayo.

L: Mmm-mmm. Kaya nga mayroon tayong backgrounder eh, hindi mo nagamit ‘yun storiya ‘yun main gawin mo nalang backgrounder doon sa susunod na istorya mo. ‘Yun mga malalaking event, dapat din mag ano kayo one step ahead. Isipin niyo na kung ano ang mga posibleng susunod kasi kapag nasa diyaryo ka parang ooh nabasa na, nabasa na, nakita ko na sa TV, narinig ko na sa radio. So kung may inambush, mayroon malalaking pangyayari, ‘yung gagawin mo ano ‘yun motibo, sino yung mga taong involve, sino yun suspect, ganon.

S: So ‘yun po ‘yung mga advice niyo?

L: Iadvance, oo, iadvance mo na ‘yung posibleng article na puwede mong gawin na hindi ka nagsasabay sa main news.

K: Dapat mauna ka.

L: Mmmm-mmmm. Kasi kinabukasan ganon ang susunod eh. Ano ang motibo, sino ang may kakagwan, bakit ganyan.

S: Pinaka, like sa buong 15 years niyo sa diyaryo, ‘yun pinaka pinaka pinaka memorable siguro?

L: Memorable? Basta alam ko ‘yun rally sa Makati, yun kina Cory, yun laban noon, kasama kami nila Kris Aquino, sina Oreta, magkakasama kami doon, nagkataon lang na day off ko noon kaya ako napunta doon.

K: Akala ko required po kayo doon.

L: Hindi naman pero siyempre sa kinabukasan puwede mo isulat ‘yun mga experience mo, puwede naman kami gumawa ng column, kahit feature article, kahit hindi na ipangalan sa’yo, basta part pa rin ng diyaryo, column mo, column feed puwede mo ibigay sa iba mong kasamahan mo so at least ‘yun kasama ka doon ganito nanyari. Experience mo na talaga.

S: ‘Yun pinaka kinainisan niyo, siguro, na event, wala naman?

K: Tao?

L: Wala naman.

S: Siguro tao.

L: Hindi ka naman maiinis kuna ano, kasi part naman ng trabaho mo eh. Kapag mayroon ka na cinover na hindi kaayaaya, wala naman.

S: ‘Yun pinaka strangest?

L: Ano ba ‘yun? Wala naman siguro?

K: ‘Yun pinakanakaka-iba?

L: Oo, news naman kasi eh, walang ano. Ang kinaganda lang ‘yun pagpunta mo sa iba’t ibang lugar din.

K: Nakakapunta po kayo sa iba’t ibang lugar?

L: Oo naman, kapag naiinvite kami, punta kami sa Mindoro, punta ng Tarlac, Nueva Ecija.

K: Ano naman po ang masasabi niyo tungkol doon kay Ces Drillon?

L: Kay Ces Drillon? Eh, kasi noong totoo noon hindi naman talaga siya nagstay sa, diba nagkaroon siya ng mga parang rashes. May allergies kasi siya hindi na nareport yun, nasa hotel naman talaga siya noong tinulungan na siya ng mga taong dapat eh yun sisihin. Maganda naman kasi ‘yun trato sa kanya eh, hindi naman talaga ‘yung hirap na hirap ba sa bundok na kawawa sila kaya lang may mga taong kumokontrol sa kanila. Mahirap talaga na maging isang journalist na pumunta ka doon ang pakay mo talaga lang is maipakita kung ano ‘yun kasi ‘yung sa mga rebelde gusto nila mainterview talaga, kaso mayroon may ‘yung ano tawag doon “choo-choo” mga ganoon ‘yun nagbebetray sa kanila kaya ganoon ang nangyari nagkakitaan pa sila ‘yun ang mahirap sa journalist. Eh pag mismo ‘yun mga kasamahan mo eh alam na mayroon ilalabas na pera kasi hindi naman pera ng ABS-CBN ‘yung binigay eh, pamilya niya eh, pamilya niya ‘yung nagbayad ng ransom, ayaw naman nilang sabihin na ransom para daw fee. Parang lodging fee, ‘yun ang tawag nila doon so kung sa atin nangyari ‘yun mahirap.

K: Kung kayo kaya bigyan ng pagkakataon maginterview sa mga rebelde, mga Abu Sayaff, gagawin niyo po kaya?

L: Ok lang, mas masarap nga ‘yun experience ‘yun pupunta ka sa isang lugar…

K: Hindi po kayo natatakot?

L: Dating rebelde mister ko eh. Alam ko na ang buhay nila.

K: Sanay na kayo?

L: Oo alam ko na ang buhay nila.

K: Rebel?

L: Rebel fist ‘yun eh. Minsan din akong naging activista. Kaya ok lang.

S: Parang ano po a tooth for a tooth…

L: Gusto ko nga noon sa bundok talaga ‘yun aakyat ako ng bundok.

K: Adventurous po pala kayo.

L: Oo.

S: So may nainterview na po ba kayong rebelde?

L: Ay oo, sina Hassatur, sila ka Taruk, mga sa Pampanga. Mga ‘pag punta mo sa isang lugar ay hindi mo rin alam na rebelde ang kausap mo pero malalaman mo nalang sa pananalita nila kung ano ang pinaglalaban nila, dun mo malalaman na rebelde kasi civilian din mga ‘yun hindi mo mahahalata.

S: So hindi rin naman po ganoon nakakatakot?

L: Hindi, tao din mga yan, normal din na katulad natin ‘yun nga lang meron silang ipinaglalaban.

K: Hindi naman kayo kaya parang sa Abu Sayaff na kikidnappin kayo.

L: Hindi naman.

K: Nagkaroon ba kayo ng encounter sa MILF?

L: Wala pa naman. Pero ‘yung mga rebelde meron na nakasama ko na ang mga ‘yan.

S: ‘Yung Oakwood mutiny?

L: Nasa desk kasi ako wala ako (?) noon

S: So sa inyo po mas gusto niyo po ba ang maging editor or ang maging field reporter?

L: Parehas din eh, mas masaya mas exciting talagang challenging kapag nasa field ka pero hindi ka naman puwede mapunta sa desk ‘pag hindi ka nagfield kailangan may experience ka talaga.

S: Kung bibigyan po kayo ng choice editor or field reporter?

L: Editor na lang, nakakapagod na kasi eh.

No comments: