Tuesday, August 19, 2008
Oral History of Ruben Manahan
Interviewers: Walther D. Kui and John Angelo F. Siy
Siy: Good afternoon, sir.
Manahan: I’m Ruben Manahan IV from Manila Times.
Kui: Okay sir, start po tayo sir dito sa key questions natin. Describe the circumstances leading to your employment to the newspaper, papaano po ba kayo nagstart sa Manila Times?
Manahan: Medyo mahaba eh, simula talaga since high school frustrated journ ako. Kasi before, sinasabihan ako na “sayang dapat nagsulat ka nalang,” kasi my brother is a former journ din, and he used to work at Manila Times pero under iba yung mayari nung time ng dyaryo. Tapos nakita ko na bakit hindi nalang ito kunin ko sa college para ito nalang maging trabaho ko kahit nakikita ko na kahit hindi ka-financially rewarding, maganda yung future ko at marami kang nakikilala. You get to know people, celebrities, and others.
Siy: Ilang years na po ba kayo sa newspaper?
Manahan: Sa Manila Times, two years. Since nagstart na ako doon.
Siy: Ano yung early years niyo sa newspaper, saan po yung location dati?
Manahan: Noong pumasok kasi ako, dyan na rin sila sa may pier sa opisina nila. Nandyan na rin yung office nila, nandyan na rin yung school of journ nila. Nung nagstart ako, kaya ako nakapasok diyan sa Manila Times kasi isa ako sa mga pioneer batch tapos nung nakausap namin yung may-ari na si Mr. Dante Ang II, baka puwedeng makapagpasa kami ng resume baka puwedeng makapagtrabaho kami sa company since nagstart na rin kami sa school niya.
Siy: Yung mga tao, mga publisher, at editor, okay po ba sila noong pagstart niyo? Noong early years niyo po.
Manahan: Ah oo. Tinuturo nila sa'yo kung ano yung mga lapses mo kung meron silang pinapasubaybayan sa'yong istorya. Tapos sinasabi nila kunyari, “Ruben may ganitong istorya, may malaking istorya, dito ito muna i-cover mo. Medyo mag-ano ka pero wag mo bibitawan yung beat mo.” So tinutulungan ka nila kung ano yung dapat mong gawin.
Kui: Sir, ano po masasabi ninyo dun sa physical facilities ng Manila Times, yung sa building, offices, at mga gamit, yung mga ganoon po.
Manahan: Yung building kasi namin ngayon medyo luma. So mas maganda siguro kung kayo na yung tumingin doon sa building naming. (laughs)
Kui: Ay ganoon po? (laughs)
Siy: Yung mga printing equipment nandoon na rin po?
Manahan: Ay oo, nasa ground floor yung printing equipment, tapos nasa second floor yung editorial namin.
Kui: Sir papaano naman po yung working area ninyo? Yung lighting at ventilation, ok naman po ba?
Manahan: Oo maganda pa naman.
Siy: Ayos pa naman?
Manahan: Oo, okay pa naman siya.
Siy: Ano po yung time niyo sa pagwork, yung working conditions mga ilang hours po?
Manahan: Usually naman sa lahat ng reporters flexible yung time mo. On call ka 24 hrs, kunyari may malaking istorya na pumutok ng 12 midnight, usually kailangan mong makuha yun o kaya pag hindi pa siguro sarado yung dyaryo, tapos pumutok yung istorya kailangan makuha mo yun as early as possible.
Siy: Yung deadline naman po?
Manahan: Sa deadline, kung walang inaantay na istorya I think seven (7), eight (8) dapat andyan na dapat ang istorya. Basta kailangan six (6)or seven (7).
Siy: Basta bago mag deadline?
Manahan: Basta wala ng inaantay na istorya pang iba, kailangan all in na yung storya mo.
Kui: Sir, papano po yung holidays. Kunyari pasko papano po ba yung condition?
Manahan: Like I said, laging on call ang mga writer, so i-fi-file kung hindi ka papasok. Okay lang pero kailangan you should advise the desk first para alam nila kung may magcocover nun o wala para hindi magkakaroon ng butas para meron kang magiging reliever.
Siy: Sir, kung okay lang po, paano po yung salary. Papaano po yun?
Kui: Per story po ba?
Manahan: Para sa reporter kasi fifteen (15) days to thirty (30) days yung pay naming. Pero sa iba, usually kapag outside Metro Manila, mga correspondent yung per story.
Siy: Nakaset na po yun or nasa number ng stories yun?
Manahan: Hindi, meron kaming quota, kailangan not less than three (3) stories per day pero merong times na wala kang istorya. Kailangan talaga at least gumawa ng paraan makagawa ng feature story. Kailangan lang makuha mo yung three (3) stories per day mo.
Siy: Kunyari dalawa ngayon at apat bukas, mababawi ba?
Manahan: Ay hindi mababawi iyon. Basta kung kulang ka ngayon, kulang ka ngayon. Pero kung mas marami, mas maganda para magkakaroon sila ng pagpipilian.
Kui: Sir, naging cub reporter po ba kayo?
Manahan: Ah oo, nagcub reporter ako. Nagstart ako sa Eastern Police sa Manila Times tapos ang pinacover nila sakin Eastern Police, tapos nag-OJT ako doon. Doon daw ako sa Eastern magcover. Naging senior reporter ko doon si Francis Cueto.
Kui: Francis Cueto po?
Manahan: Oo, tapos siya rin yung nagturo sakin na “ito muna i-cover mo para hati tayo” kasi usually pag Eastern, ang cover na noon ay Pasig, Mandaluyong, San Juan, at Rizal. Usually kasama na lagi ang Dep-Ed, ang NEDA, at marami na rin ang pasok doon, so ginawa niya sakin para di kami magkakasabay-sabayat hindi kami magkapareho ng ipapasang istorya, binigay niya sakin yung police beat.Tapos siya yung humahawak ng mga major beats para hindi kami magkagulo sa trabaho namin.
Siy: So yun po ba yung first beat niyo?
Manahan: Oo, first beat.
Siy: Ano naman po yung importanteng natutunan niyo after doon sa first beat? Mga lessons?
Manahan: Pag doon sa first beat, yung natutunan ko ay kailangan marunong kang magbenta ng istorya mo, kasi usually sa police (beats), wala na kami sa broadsheet. Hindi kami nasasama kasi mahirap ilabas yung mga police stories, not unless malaki yung tao or hindi na maganda sa paningin yung mga nangyayari. Yun lang usually yung mga lumalabas na police stories so kailangan mga stories mo may konting twist. Hanapin mo ung pinaka twist nung story para gumanda pa at para mas ma-ibenta mo.
Kui: Sir, mayroon po ba kayong naaalalang mga tao na kasabay niyo sa beat? Sir di ba po kasi first beat niyo yun? Meron po ba kayong nakitang mga taong malaking pangalan? O kahit sino lang na naaalala niyo sa first beat ninyo.
Manahan: Na nakasabay kong mag magcover?
Kui: Opo.
Manahan: Sa amin doon sa Eastern, puro tabloids ang kasabay ko kasi police beat ang hawak ko. So yung mga nakasabay ko, wala rin akong masyadong matandaan na kilala ko sa broadsheet, kasi hindi ko na naabutan yung naging trainor ko nung nagOJT ako doon. So usually mga photographers, mga tabloid reporters, mga ganun-ganon.
Kui: Ah okay sir. Sa editors naman po tayo, meron ba kayong mga naaalalang mga memorable editors na hindi niyo po talaga makakalimutan?
Manahan: Ah oo meron, naabutan ko una diyan si Miss Inday.
Kui: Miss Inday po?
Manahan: Oo, Inday Espina. Alam ko sa NUJP siya eh.
Kui: NUJP po?
Manahan: Oo. Tapos noong naging editor namin siya, at first talagang sobrang kinakabahan kami sakanya kasi nakita namin mga pictures niya “baka mamaya masungit to ah”, which is in a way totoo na masungit siya pagdating sa trabaho, pero habang sumusunod, sobrang mas marami yung time na naglalambing siya at tinuturuan ka niya. Tinuturo niya sayo kung ano yung gagawin mong istorya, kung papano mo gagawin yung istorya, at kung papaano mo isusulat. Lahat yun tinuturoniya in a nice manner. Tapos binabarkada ka niya para hindi maging masakit sa ulo yung pagtuturo nung trabaho mo.
Siy: Pag padating na yung deadline ganoon din po? Paano pag magdedeadline na, pano po naman niya sinasabi sainyo?
Manahan: Pagdeadline na?
Siy: Opo.
Manahan: Sasabihin niya sa akin kunyari cover ko, bibigyan ka niya ng 30 minutes, one hour tapos pag sinabi niyang ganoon, kailangan mong gawin para hindi ka masira sa kanya, kasi noong naging editor ko siya, desk-based ako. Kasi after Eastern, ginawa nila akong general assignment tapos nung nag general assignment ako, wala masyadong istorya at siya yung nagbibigay sa akin kaya natatakot ako.Yun yung laging mga time na habang sinasabi niya sa akin na “after 30 minutes kailangan tapos na yan ha, after 1 hr titingnan ko yan” so kailangan, para ma-earn mo yung trust niya na ilabas ka, dapat gawin ko within that time. So yung pagiging time bound dapat, ‘yon yung pinakatinuturo niya sa amin.
Siy: Other than that memorable editor niyo po, sino pa yung mga kasamahan niyo o mga colleagues niyo na maaalala niyo lagi?
Manahan: Sa Times kasi noong lumipat ako diyan, halos kasama ko mga kabatch ko sa school of journ. Yung mga reporter lahat kami nasa iba't ibang beat, tapos yung mga editors ng iba't ibang section. Mayroon akong friend na si Joanna na nagcocover for lifestyle, yung editor niya noong nagging general assignment ako kailangan ng ganito, so hanggang sa binibigyan ako ng istorya at naging kabarkada na namin lahat. Usually, from all sections nagkaroon kami ng mga tao at ng mga kaibigan, at wala akong masabi na may isa akong nakaaway.
Siy: Di ba po three (3) per day yung kailangan na stories, paano po pag nagkulang? Puwede bang maki-share sa ibang ka-beat niyo po?
Manahan: Usually sabay-sabay kayong umiikot. Nagkakasabay kaming umiikot eh, so hindi na sa paghingi ng istorya. Siguro merong mga nagkakaroon ng mga lapses na hindi mo makukuha dahil sa limited yung resources mo. Pero yunghihingi ka? Siguro minsan pero huwag naman palagi kasi hindi ka na nagtatrabaho. Noon at hihingi ka lang. Pero kailangan siguro in return dapat magbibigay ka rin sakanila ng istorya na parang “meron akong ganitong istorya baka gusto mo” para hindi kayo magkaroon ng conflict with your newspaper. Kailangan merong kang “hey sir, exclusive ko to ha, ako lang merong ganitong news ha”. Usually ganyan para merong healthy competition among newspapers.
Siy: May nakilala na ba kayong parang kumukuha lang palagi?
Manahan: Hindi mawawala sa lugar at sa lahat ng beat yan, yung nanghihingi na lang sila pag dating nila doon. May mga nakikinig din at may mga times na maraming gumagawa ng ganoon.
Siy: Paano pag na-late, minsan ganoon din?
Manahan: Paanong pag na-late?
Siy: Kunyari may beat tapos na-miss niya, tapos parang "pare ano yung beat kanina? Na-late ako e."
Manahan: May istorya kanina, ganyan?
Siy: Opo mga ganoon.
Manahan: Siguro forgivable yun pag two or three times, but more than that parang.. ikaw ba ganyan sabihin sayo "pare pahingi naman ako ng storya wala akong istorya eh kasi na-late ako ng gising.” Kasi ganito "eh ako nga napuntahan ko bakit ikaw di mo napuntahan?" unless siguro na may nag-assign sayo sa desk niyo na gawin mo, siguro puwede pa yun. Pero hindi kung walang ibang rason.
Kui: Sir, balik lang po tayo sa kanina, nung nabanggit niyo po si Miss Inday.
Manahan: Oh?
Kui: Anong klase po ba siya pag dating sa accuracy, ethics, grammar, at mga ganoon po sa news writing, strict po ba siya sa ganoon?
Manahan: Oo, very strict siya. Kasi ginawa niya sa amin bago kayong turuang mag-featurize ng story, kailangan gagawa ka muna ng straight news. Kailangan mabigay mo yung viewful details sa isang bagsakan na hindi nagugulo yung storya at grammar mo. After noon, doon na kami tinuruan ng feature writing na kung pano dapat yung angulo na tinitignan mo, yung proper words para sa ganito, at yung mga ganoon.
Kui: Ah ganoon po pala. Sir, ano po ba yung best memories ninyo bilang isang young reporter?
Manahan: Pinaka memorable sa akin yung pag inutusan akong mag cover ng rallies na sobrang init lalo na kapag tanghaling tapat. Yung latest is nung nag-cover ako ng SONA sa Quezon City from mga 8 o 9 nandoon na ako sa may rally. Sinabayan kong maglakad yung mga rallyista tapos inikot namin from 9-6. Hanggang umalis na yung mga ralliyista nandoon ako, sinasamahan ko sila at nag-iinterview din ng mga iba't ibang mga tao doon, mga celebrities, mga police, at mga lahat-lahat. Makikita mo din kung ano yung nangyayari tapos may feeling na napakasarap na naging reporter ka kasi di man yun yung parang yung pinakagist dahil sa reporting parang nandoon ka sa tv o radio at ibabato mo ng direct yung istorya based on your....
Siy: Experience?
Manahan: Oo experience mo.
Siy: Pero masaya naman or minsan parang nakakapagod din?
Manahan: Andoon talaga sa trabaho ng reporter ang magkaroon ng stress, kasama talaga yun package na yun .
Kui: Sir, ano po ba sa tingin ninyo yung pinaka significant events na na-cover ninyo?
Manahan: 'Yon siguro 'yon sa, sa rally sa SONA.
Siy: Yung Manila Pen nandoon po kayo nun?
Manahan: Ay wala, sa Makati kasi yun di ba?
Siy: Ah opo.
Kui: Sir, di ba po nag-cover po kayo ng SONA?
Manahan: Uh-huh.
Kui: Ano po yung nararamdaman ninyong kakaiba sa SONA kaysa sa ibang beats?
Manahan: Yung SONA kasi ngayon kinaclaim ng mga rallyist na medyo crucial yung SONA ng presidente ngayon kasi di na ganun ka-stable yung economy natin, masyado ng maraming problema at parang ngayong SONA na ‘to parang mas nagingat yung presidente sa mga sinasabi niya. Dati kasi puro economy on the rise yung government natin, so ngayon parang medyo pababa na yung economy at nagkakaroon ng mga problema at mas maraming rallyista. First time ko nga nakakita ng ganoon kakapal na rally sa dalawang taon.
Kui: Sobrang daming tao?
Manahan: Sobrang daming tao! Tapos may mga dumarating pa.
Kui: Sir, noong panahon po ng EDSA Revolution, ano po ba sir ang ginagawa niyo noon?
Manahan: EDSA? 1980 plus palang ‘yon so bagong panganak palang ako.
Kui: Ay wala pa po pala.
Manahan: Kuya ko pa siguro ang nagcocover noon.
Manahan: Siguro yung brother ko, kasi naging aktibista yun ng kung anu-ano.
Kui: Ah, sir, meron po ba kayong mga naaalalang mga coup attempts o mga coup de etat po?
Manahan: Wala eh, kasi itong police beat parang hindi pa ako nakakabuo ng isang buong taon so hindi pa ako masyadong nagaano. Ang naaalala ko siguro usually sa ibang events ay noong nagcocover ng launch noong bagong kotse, kasi just recently, yung motoring inassign sa akin at pinacover sa akin yung event sa Nissan yung yung sa Grand Livina. So yun yung mga memorable moments ko kasi enthusiast lang ako sa kotse at hindi pa ako ganun kahilig, so kumbaga bata pa ako para dun sa pinacover nila. Sabi nila “sige cover mo nga ito” pero pagdating ko sa bahay ni-hindi ako pinagdridrive ng father ko, tapos pagdating ko sa trabaho, “wow! mas may tiwala pa sa akin mga tao dito ah!”
Siy: Parehas tayo mahihilig po sa kotse.
Manahan: Ah ganoon?
Kui: Ano po yung pinaka-passion o pinaka driving force sa trabaho ninyo?
Manahan: This is all about the passion talaga, nung bata kasi ako, wala na akong ginawa kung hindi magsulat kahit nung elementary. Hindi man siguro ako nakapagbasa-basa ng medyo mga magagandang dapat binabasa pero mahilig ako magsulat. I used to write short stories, at minsan ginagawa ko “mabili ako ng formal theme”.
Kui: Ah yung formal theme notebook?
Manahan: "Bili mo ako nun", sabi ko para dito lang ako sa bahay magsusulat-sulat ako tapos hanggang sa nung high school naman medyo nadivert, sabi nila doon sa height ko dapat nagbabasketball ako. Hindi naman yung parents ko yung nagsasabi, so medyo nadivert. At sabi sakin na umabot sa point na sabi ng mga teachers “dapat nagsusulat ka, kailangan mag focus ka na dito.” So yun, tapos nung college naaalala ko tinanong ako ng isang professor na bakit gusto mong mag-journ, ganyan din tinanong ko, out of fun lang sinabi ko “eh kasi ano eh, kamagaano eh... kuya ko journalist”, tapos sabi niya sa akin di ba pumasok? Natawa ako after, so medyo nagalit siya. Sabi “bat pumasok ka pa dito kung paarang napilitan ka lang, dapat hindi ito pinasok mo.” So paguwi ko napaisip ako, “oo nga noh, so bakit nga ba?” doon ko na siguro nasabi na, “mahal ko kasi talaga yung pagsusulat di man ako siguro ganoon kamahal ng pagsusulat, eh mahal na mahal ko siya.” *laughs*
Kui: Passion talaga kumbaga.
Manahan: Oo.
Kui: Bali nabanggit niyo po na yung kuya niyo jouralist din. Parehas po ba kayo ng newspaper? sa Manila Times din po ba siya?
Manahan: Oo, parang alam ko nung time nila Roces or time ng mga Gokongwei’s. Parang 3rd owner or 1st to 3rd owner ng Manila Times dun siya. Tapos nung nalaman niyang papasok nako sa journ school ng Manila Times “puwede yan kasi may dyaryo sila” Kumbaga maituturo nila dyan experience nila sa trabaho, usually meron kaming teacher na columnist, o meron kaming teacher na broadcast journ, gaya ni Ms. Boots Anson Roa.
Kui: Ah si Boots Anson Roa?
Manahan: Oo, si sir Benjamin Defensor yung mga yun, yung mga media practicioners talaga.
Siy: Okay din kasi may first-hand experience sila?
Manahan: Oo, tapos kung magsasalita man sila maniniwala ka, kasi may experience na sila.
Kui: Sir, kung hindi po kayo nagaano ngayon sa newspaper, ano po sana ang kukunin ninyong trabaho? Basketball player po ba?
Manahan: Ah, yun yung malaking problema. Yan yung pinakamalaking tanong niyo sakin *laughs* kasi sa lahat sinabi ko na kung hindi ako nagsusulat, wala akong ibang trabaho eh.
Kui: Ah ganoon po?
Manahan: Ito lang talaga yung gusto kong gawin sa buhay ko eh.
Kui: Ah ito lang po?
Manahan: Oo eh.
Kui: Pinakapassion niyo po talaga…
Siy: Basta masaya.
Manahan: Oo.
Kui: Okay.
Siy: Thank you po.
Kui: Ito po si Mr. Ruben Manahan from Manila Times.
__________________________________________________________________
Ruben D. Manahan IV was born on May 20, 1985 in Quezon City. He graduated from the Manila Times School of Journalism in 2006 and is a reporter for the Manila Times.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Sir we put the important data in paragraph form right after the transcript of the interview. I just want to post the actual data that Mr. Manahan provided us with.
Biodata
Name: Ruben D. Manahan IV
Date of Birth: 5 20 1985
Place of Birth: Quezon City
Ever Married?: No
Education:
College: Manila Times School of Journalism Graduated: 2006 | Journalism
High School: Children of Mary Immaculate College Graduated: 2003
Elementary: Divine Word Learning Center
Journalism Experience
2 Years, Manila Times, Reporter
Post a Comment