Thursday, August 21, 2008

Oral History of Alexis Douglas Romero

Interviewer: Alberto Baruelo III

Q: Good morning sir Ace, first question po natin is, describe the circumstances leading you to your employment with the newspaper

A: It all started with the desire to witness history kasi as a student I’ve always been fond of history, kasi naiintriga ka ano yung mga nangyayari sa labas ng iyong comfort zones, ano ba yung nangyayari sa bansa as a whole, at ano yung impact nito sa mga tao so ‘nung student ako parang nandun yung thrill na siguro maganda yung tinitingnan mo yung kasaysayan na nangyayari sa harap mo hindi yung nakikibalita ka lang na, na…halimabawa uhh…nangyari pala ito sa ganitong lugar naibalita ka lang, second hand source ka lang, eh samantalang kapag ikaw yung nandun sa harap mismo nung kasyasayan, iba yung dating, parang diba may mga t-shirt na “I’ve been there”, “Ace was here”, parang ganun…pero mababaw man in a sense na, nandun yung thrill eh, pero pagdating mo dun sa field iba yun dating eh, iba yung dating na, nandoon ako, nakita ko yan, nung sina..sinabi yang polisiyang yan, nanjan ako dun dineklara yang polisiya na yan, nanjan ako nung nangyari yan, iba yung dating so, as a kid I always loved history, hindi math, kaya nga nag journalist, joke lang, nandun yung desire na makita mo yung events as they unfold so I decided to become a journalist, so…nandun yung usual shempre nandun yung usual procedure yung …its like* you go to the office, file the resume napaka naïve mo pa nun ‘hi ma’am’ san po ba mag aapply ah heto…and then magtetest ka, sa businessworld mga 6 to 8 hours ang test dun, mahirap yung test, and then…pero ano ba naman yung mahirap diba kung mafufullfill mo naman yung gusto mong gawin..in this case gusto kong makita yung nangyayari, I want to learn how the leaders think, how they shape your destiny, in fact, ‘tong mga leaders natin, whether we like it or not, they are the ones shaping yung history…although sabi nga ni William Earnest Henley sa tula niya diba yung sa Invictus, I am the master of my faith, I am the captain of my soul, very high school, pero hindi natin maiiwasan na there are some forces outside our control na magccontrol ng ating mga envoironment, and in this case isa dito yung mga leaders natin, hindi mo ba nanaisin na makita yung paano sila nagbebehave, how they act how they think and who knows you might influence the way they think, kasi pag tatanungin mo yung isang question, makiki..makikita nila how the people or kung hindi man yung people, they would have an idea ano yung magiging impact nung gagawin nila, which in turn, will affect history kasi diba pag tatanungin mo sila, tatanungin mo, sir is that policy relevant? How will it impact the rich? How will it impact the poor? and you’re, you’re asking those questions to the leaders who will make history, so nandun yung…parang, nakikita mo yung mangyayari, maaring mangyari sa bansa, na may epekto sa ‘yo, so yun yung driving force. kaya gaano man kahirap yan, gaano kababa yung sweldo, gaano ka-dangerous…sa Pilipinas dangerous sabi nila 2nd tayo sa pinakadangerous, pero its does not matter, if you really want to witness history as it unfolds or sige para mas cliché public service, tell the truth, eh di dito ka sa journalism. Para sa akin tatlo yung senses, or rather, tatlo yung nakikita kong mga rewards dito eh: sense of relevance, sense of commitment, sense of fulfllment. Hayaan mo na yung pera wag na natin pag-usapan yan kasi kung kukumpara mo naman sa ibang profession, daliri lang ng, ng sweldo ng ibang profession ang sweldo ng journalists.* Pero sense of relevance, bakit relevance, natatalakay mo yung paksa na may epekto sa lahat ng tao, relevant…hindi yung kung saan saan lang, hindi lang yung kung sino sino, but rather lahat, kasi nandito ka sa news eh, although depende rin yan sa iyong beat, pero in this case sa malacanang lahat ng policy ginagawa dito so lahat ng tao may epekto. Commitment, kasi kapag na follow up mo na yung isang issue na may epekto sa lahat, halimabawa…Ano yung ginagawa ng government para I- address yung kahirapan or yung paano tutulungan yung mga tao dahil tumataas ang presyo ng langis at pagkain, sense of commitment, parang na-commit mo na sa sarili mo na I should guard or I should uhh..be vigilant, ‘tong policy ba to nakakatulong sa lahat o baka naman, uhh hindi naman, baka naman, tinuturuan lang ng nito yung mahihirap na umasa, o baka naman kinukurakot yung pera, so parang may commitment ka na sa taong-bayan na bantayan yan at tingnan muna yung kapakanan nila ay pinaglalaban mo diba? Yung sense of fulfillment nga, fulfillment kasi nga nakikita ko yung history eh, eh parang fulfillment na yun kais nung bata ako, magbabasa ako ng dyaryo o nakikinig ako ng radyo, I’m a radio junkie that time, imbis na FM dati, pinakikinggan ko yung mga balita, ewan ko pero na-engrain na sa consciousness ko na makikinig ako ng balita ng radyo, elementary palang ako nakikinig nako ng radyo, dati naririnig ko lang tong mga taong to, naririnig ko lang, ngayon naiiinterview ko na, tapos yung mga ibang newscaster diyan dati pinapanood ko lang siya sa TV Patrol or sa Saksi pero ngayon kasama mo na, and pareho na kayo ng ginagawa so parang may sense of fulfillment yun eh, iba yung dating, kasi nga, yun nga, yung history, plus yung public service eh..they’ve come hand in hand sa profession na ‘to. So, what’s the next question?

Q: Okay, desc…the early years, as a reporter, or journalist, uhm..How were they? Describe your early years as a journalist.

A: Katakot-takot na adjustment, katakot-takot na unlearning, katakot-takot na pangangapa. Adjustment, shempre iba yun school, iba yung journalism talaga, although kagagaling ko lang naman ng schools, two years, so very fresh pa sa memory ko what, what I’ve learned from school, and what I have to unlearn as a journalist. Mag-aadjust ka kasi dati sa school yung professors mo eto yung dapat mong isulat, ito yung dapat mong pag-aralan…Dito, kanya-kanyang diskarte yan, masuwerte ka kung may tutulong sa’yo. pero…para yun jungle na you have to be independent, kailangan alam mo yung ginagawa mo kasi, maraming mga reporters jan that they have no patience for yung mga newbies na hindi alam yung ginagawa, so kailangan handa ka, so kailangan mo i-adjust. Ah iba, mag-iiba yung lifestyle mo kung dati after ng classes, magbasa ka lang sa bahay tapos na. Eto hindi, events happen when you least expect it. Kagabi for example, uhh…Uhh, for example, kagabi although nangyari narin ‘to sa mga dati kong beat, alas siyete y medya, ano ba ang ginagawa ng isang bata ng alas siyete y medya, baka nanonood na lang ng TV or may gimmick, alas siyete y medya magtatawag ng press con so adjustment talaga, maiiba yung lifestyle mo eh. Ngayon, yung sinasabi ko naman na unlearning, maraming mga bagay sa field na hindi tinuro sa school at marami kang natutunan sa school na kailangan mong i-unlearn. Ahh…tingin ko mas maganda kung kayo mismo maka-experience nun pero sa pagkaka, sa aking pagkaka-alam, halimabawa, may mga tinuro sa paaralan mo na hindi mo mapapakinabangan talaga, at least immediately, hinid ko naman sa sinasabi na itapon niyo na lang pero meron mga bagay talaga na sa field mo lang matututunan, how to get sources, how to communicate with your sources, hindu yan tinuturo sc school. or how to get yung story na hindi nakuha ng iba, hindi yan tinuturo sa school, it depends on the ability and it will come in time uhh…kapag nasanay ka na….So yun yung unlearning.,.Sa school kasi diba sinasabi nila dapat, heto yung mga theories, now dito, unlearning kasi dito practical and you’ll realize that these theories, these, no..wala tayong tinatawag na pure eh, pure truth dun sa theories na yun kasi lahat yan maghahalo-halo, you get from this you get from that and that’s the practice. Ngayon, pano ba ito…Sinabi ko kanina mayroon tayong adjustment, mayroon tayong unlearning…Uhh…Katakot-takot na pangangapa kasi kapag una kang reporter na bago ka pa lang sa beat mo, saan kaya ako kukuha ng story? Saan kaya ako mag-iinterview? Sino kakausapin ko? Kung mayroong ganitong isyu, sinong rereact? So talagang mangangapa ka…Pero tulad nga ng sabi ko, masasanay ka rin. At kapag nasanay ka, at least you can enterprise na pwede ka na gumawa ng ibang stories at pwede kang mang scoop. Kaya pag nasanay ka di…di all these things will be part of your system..eh di it will not be difficult.

Q: So describe the newspaper, Businessworld, in terms of its physical location, diba most newspapers were locationed…ay traditionally located in Intramuros..in Manila?

A: Kung hihingi kayo ng background ng Businessworld, yung nature niya, marami pang tao sa Businessworld na mas may pos…may authority para sabihin yun kasi nga magttwo years palang ako sa paper and sa tingin ko kung location ang pag-uusapan maganda naman yung location kasi its in New Manila, Quezon City, para siyang melting pot ng lahat ng establishments tapos melting pot din siya ng mga…ng mga beats kasi malapit naman dun yung mga, for example yung elliptical road, tapos, hindi naman gaano malayo yun sa Malacanang, isang jeep lang so okay na rin tapos kakaiba kasi kung hindi ako nagkakamali yung Businessworld lang ang nasa New Manila, I’m, I’m not sure pero tingin ko lang siya lang yung nasa New Manila eh kasi yung iba nasa Makati , nasa Intramuros. Yung physical faciltity, okay naman yung, may build, yung building mayroon naming mga enough facilites, may sariling lupa naman sila and facilities, printing and office equipment, may office equipment, kumpleto naman may archives, may…very condusive for working. Yung printing I think they, they have the paper printed somewhere in Antipolo yata, I think its in Antipolo so very particular ang Businessworld sa deadlines, i-check niyo na lang kung saan I think its in Antipolo eh. Ahh, very conscious sila sa deadlines kasi kapag hindi nila naipadala yung paper for printing, malalate yung labas ng dyaryo mo, hapon matatanggap yung dyaryo mo eh kumusta naman wala naman magbabasa nun kung hapon diba? Dib a with the advent of the internet, uhh bakit ka maghahanap ng balitang late na. People, publisher, editors. Editors are very particular with accuracy. They’re very particular with “value-added.” Value what do we mean by “value-added?” Kasi ngayong mga panahon na ‘to halimbawa mamaya magpepress-con, lahat kayo pare pareho ng isusulat eh, kanya-kanyang style lang yan ng pagsusulat pero basically yung sasabihin niya yun ang isusulat niyo, hindi mo naman pwedeng baguhin kasi inaccurate na yun, pero there should be something in your story na wala sa iba. You should have something na i-ooffer mo na ikaw lang, for example, bibigyan kita ng concrete example, ang balita ngayon 33 billion ang deficit natin, when we say deficit, yun yung parang pera na mas nau..na mas malaki yung expenditures natin, ngayon, ang.. anung, anung point nun? Eh di shempre sinulat ng lahat, sasabihin naman nila sa inyo lahat yun eh. So magbabasa ka ng dyaryo yun ang balita lahat 33 billion deficit, ano yung “value-added” dun? Why not talk to an analyst? Why not talk to a…siguro uhh someone na may knowledge dun…na hindi taga government, para i-validdate yung facts mo. Ano ibig sabihin nito, so what? Yun yung ‘value-added’ na gusto i-stress nung editors kasi mahal ang Businessworld, sa totoo lang, 25 pesos ang Businessworld, magkano ang Inquirer? *15, 20, 18…Eh kung walang value added yung story mo at pare-pareho lang naman yung isusulat, bakit ko bibilhin yung Businessworld, dun na lang ako sa mura, o kaya mag-internet na lang ako libre pa, so dun papasok yung value-added at very particular yung editors that there should be something in your story na you could say, ako lang yung meron nito, and it requires a lot of effort, tatawag ka, mangungulit ka, kakatok ka ng source para may perspective yung story mo hindi yung lang sinabi ng government dapat may validation yun. Editors are particular with aside from value-added, yun nga yung deadlines and…

Q: About your publisher and colleagues?

A: Publisher…Publisher in its strictest sense kasi binubuo na ng board yung Businessworld. Dati yung publisher is yung mga Locsin pero ngayon its, its composed of a Board. Board na yung nagdedecide on matters. Ah we don’t directly deal with them kasi they are administrative a people and they handle administrative matters, pero I think, nasa…tama naman yung ginagawa kasi these people are at least knowledgeable in their field, merong ekonomista, merong ambassador, so I think they are doing the right…the right…uhhh…paano ba sasabihin to, they’re doing or they’re handling the company well….although we don’t really directly deal with them. Colleagues, paano ba ito…Sabihin na lang natin na kung ikukumpara sa ibang dyaryo, mas madalas magkita ang mga taga Businessworld, bakit? Tuwing Sunday kasi, required ang mga taga Businessworld na pumunta sa opisina, dun kayo gagawa. Yung ibang dyaryo kahit saan, minsan nga sa bahay eh. Sa Businessworld kasi ahh, kapag magkaka…magkikita-kita kayo ng colleagues, o ano kumusta? Hello ano storya mo? Kumusta ka na? O anong tatawagan mo? Parang mas may close bond kayo, I think ang rationale dun ng editors, eto opinion ko lang, para may close coordination yung stories at para naman, bukod sa magkakakilala kayo, ahh magiging mas maganda yung working relationship. At saka aminin natin yung mga stories multi-faceted eh, for example Malacanang, dineclare, eto sisimplehan ko nalang, kunwari sa Malacanang yung MILF, you now **hold to the cities of MILF di ba…Yung Malacanang ngayon ahh sabihin na lang natin na dineclare ni President Arroyo na we need to review yung negotiations with MILF kasi nanggugulo sila. It’s a multi-faceted thing. Hindi lang Malcanang ang bida sa storya don. What do you think are the other stakeholders sa story na yun? Di ba we have the military, you don’t handle the military, although kung gusto mo magsipag ikaw din magtatawag si military, now what will you do? Ideally you can contact the defense reporter, uyy sabi dito sa Malacanag irereview yung panel, ano masasabi ng military jan? Ah o sige tatanungin ko yung taga AFP para meron naman silang side sa story natin. Ano pa? Yung DSWD could also be a, a player in the story kasi sabihin natin diba kapag nagkaroon ng war sa Mindanao, ano susunod jan? Relief efforts, so pwede mong kausapin yung nagcocover ng DSWD. Uyy sabi dito, kunwari, ahh, apatnapu (40) na yung namatay, anung gagawin ng DSWD, kunin mo naman o? Pero di…di ka nag-uutos! Wala ka karapatan mag-utos pero tingin ko maganda yun eh, nagcocoordinate yung mga tao, and then after that nakikita niyo yung story buong buo nandun yung lahat ng mga sides ng story, nandun lahat ng stakeholders, hindi ba maganda basahin yun? Kasi halimbawa yung Malacanang sinulat ko, si Ermita, sinabi niya, okay we are reviewing the peace policy, mapapanood ko yun sa TV eh, nood ako TV Patrol, libre pa. Bakit ko bibilhin ang Businessworld? Bukod sa mahal na, pareho lang naman, di ba? So, eh kung yung Businessworld, nakita mo coordinated yung storya, nandun yung reaction ni ganito, ni ganon, kumpleto, wala sa TV…

Q: So Sir, how about your working conditions, hours, holidays, salaries, deadlines?

A: Meron namang bayad ang holidays. Ang hours, on-call ka, kaya…uhh…hindi naman ‘to yung parang office people na 8 to 5, 8 or 9 to 5, on call ka, kahit anong oras pag may tinawag na event, pupunta ka, pero okay naman yung compensation. Ang, ang, deadli.. ang overtime na binabayad lang kung holiday at kung Sabado na day-off mo, kung nagtrabaho ka nun. Pero kung halimbawa Friday, kahit 24 hours ka magwork, the same…same pay, pero di naman mangyayari yun, pero walang oras, flexible yung time. Maganda yung working conditions naman, well-compensated and makikita mo naman yung relationship ditto, maganda naman yung relationship eh so I don’t think wala naming reklamo doon at maganda naman yung…very condusive yung working environment.

Q: Okay…

A: Yun ang ikli nun! (laughs)

Q: So, were you ever a cub reporter? What was it like to be a cub reporter?

A: Lahat ng tao nagdadaan ng cub…pagiging cub reporter, when you say dib d cub reporter, bago ka…Sa Businessworld, ahh…Ang equivalent ng cub reporter is trainee reporter, for the first 6 months, trainee ka, di ka pa regular, meaning hindi ka pa regular employee, pero isasabak ka na sa beat, isasabak ka na sa beat, na parang tunay, parang regular na reporter, pero ang tawag sa iyo trainee reporter. Trainee reporter, pero ganun din , pareho kayo ng ginagawa..Ahh…Ano yung tanong? How was the experience? How was it like to be a cub? Tulad ng sinabi ko kanina, na mangangapa ka uhh…hindi mo alam kung saan ka kukuha ng source…ahh…meet and greet quotation marks yung mangyayari dun sa kasama mo sa beat. Ang una kong beat, yun, yung, ang una kong beat yung Defense, Armed Forces of the Philippines at saka Philippine National Police, eh sa beat na yun kahit yung mga matagal na nagsasabi na hindi pangkaraniwan yung beat na yun kasi tandaan niyo yung mga Military ahh they tend to be secretive kasi operational matters. Eh paano pa kaya kung cub reporter ka di ba? So..pero you have to go…you have to undergo muna yung mga usual, pag-aralan mo yung basics. Sino yung tatawagan, sino yung kakausapin, paano magwowork yung beat. Ah actually, nung una, yun nga, nung una uhh…mahirap kasi…di mo alam kung saan ka pupunta, magjeep ka from AFP to PNP, tawid ka ng AFP to PNP baka may nangyayari pero, nasanay din, and then, dun mo mapag-aaralan yung art of dealing with people. Tandaan mo lahat ng tao may iba-ibang moods, iba-ibang preferences, iba-ibang styles so makikiramdam ka muna eh. Sa first, sa first, ahh days mo..mapa..ka..tahimik ka lang, nagoobserba, pero to…nothing different really from other jobs. So, unang beat, basically ganun eh, familiarization phase and then you see yourse…your rawest, rawest self, wala ka pang alam, pero yun yung ahh first step ahh towards mprovement naman talaga eh.

Q: So yun…You’ve talked about your beat. So let’s move to your editors and deadlines. Any memorable editors and why?

A: Memorable editors…pare pareho lang naman sila ng ano eh, ng gusto eh, actually sa totoo lang yung accuracy, dapat maaga, at saka dapat may value added. Siguro ang lesson lang na matututunan mo eh dapat maging obedient ka sa editors, obey before you complain and…Memorable editors, marami rin eh pero siguro ang pinakamemorable na editor siguro, nandyan pa siya ngayon, yung editor na, hindi ko papangalanan, baka ikaw pa, isumbong niyo ‘ko. Yung editor na talagang siya yung mangungulit sa’yo na, o heto yung story, tinwagan mo ba si ganito for reaction, tinawagan mo ba si si ganito for his reaction kasi stakeholders yan for example, ahh merong dineclare na policy on mining, halimabawa, kunwari sasabihin ng government na may…may mga limit kami on mining. Itatanong niyan kung tinawagan mo na ba yung mining groups? Para ganito, kasi sila yung maapektuhan nung policy. Una maiisip mo ano ba ‘to, ang daming pinagagawa hindi ko naman ‘to beat, Malacanang beat eh, hindi ko naman to beat eh bakit ko ‘to gagawin pero alam mo yun pag nagawa mo amy sense of fulfillment na wow, nagawa ko yun. Yun ngang…demanding yung editor pero kapag nagawa mo yun or okay ka sa kanya, yun ,magkakasundo naman kayo. Pero when you say yung memorable, lahat ng editors memorable. It’s a love-hate relationship eh, love-hate relationship yun pero…generally, yun lang, template, template lang ang editors, you have to get the story right and yung value added.
Q: How about ethics and the grammar aspects of news writing? Yung deadlines yun nga madali, And any memorable colleagues? What made them unforgettable?

A: Ethics, shempre particular din sila sa ethics. Actually sa Businessworld ang policy kapag nagbigay yun, binigyan ka ng pera, you have to surrender them to the desk and they’ll write a letter, they’ll send back the letter to the one who gave it to you saying that it’s not our policy to accept this and, and your generosity will not be unrecognized because we donated them to charity. Kasi bawal eh, kasi kapag binigyan ka ng pera, parang ang dating ehh…magiging diluted na yung balita. Parang mejo ang dating sa’yo eh, compromised na, so what else? Ahhh

Q: Colleagues mo? Colleagues….

A: Colleagues. I’ve seen a lot of people resign from Businessworld and colleagues..unforgettable colleagues…Marami rin naman, although ang pinaka hindi ko makakalimutan na colleague yung isang colleague naming na talagang matingi yung kopya na, na…masakit sa ulo…pero di ko na eelaborate baka sabihin niyo sinisiraan ko siya, pero wala na siya, resign na siya. and then…Hi Jen…Ahh…paano ba ‘to…So colleagues, meron ding magagaling na colleagues they transferred to other papers and sabi ng mga nakakausap ko dun sa isang paper na yun, magaling sila. Kasi ewan ko, I attribute that to the training of Businessworld eh, sa Businessworld hindi ka pwedeng halimbawa, may pumutok na isyu, bukas na lang yung reaksyon ng ibang panig. Sa Businessworld hindi, kung pwedeng kunin mo na lahat ng reaksyon ng mga panig gawin mo, kasi bukas, kapag reaksyon mo yun, kapag headline ang isyu na yun at bukas hindi na
yun headline, unfair na…hindi na kasing-init yung issue eh, di ba? So magaling daw sila, magagaling daw sila sa Businessworld nung dumating sila sa ibang paper nag-excel sila. I attribute yun sa training dun sa Businessworld. So I think they are really unforgettable kasi until now, I read them eh, and, okay sila.

Q: So, what were your best memories as a young reporter?

A: Hmm.I’m still young, hindi… (laughs). Hindi..

Q: Guys..Parang yung mga, yung mga…earlier days?

A: (Still laughing)… Siguro cover yung…ano ba…earlier days…kasi after Defense nag House of Representatives ako eh, yung mga Congressman, ang pinakagusto kong me..coverage nun nung naglalaban sa Charter Change and until now Charter Change na naman yung pinag-uusapan. Doon ko nakita yung best and worst , best and worst ng isang politician. Ahh doon ako…doon nasira yung idealism ko about uhh…these people should protect the people, these people should serve their constituents. Lahat yun nasira agad, kasi reality bites sabi nga nila. Nakita ko kung paano nila pinush yung changes in the constitution para pag na-amend yun maeextend yung term nila sa power at idedeprive nila yung tao ng eleksyon kasi magiging parliamentary , sila sila na lang magboboto ng leaders nila. So yun ang favorite ko kasi , yun yung unang beses sa buhay ko na hindi ako umuwi. Nag cover ako hanggang alas singko y medya nung umaga. Pumasok ako alas nuebe ng umaga. Umuwi ako ng sandali, alas singko y medya, natulog tapos alas siyete balik uli ako dun baka may nangyayari, yun yung Charter Change, yung constituent assembly na hindi rin natuloy dahil sa popular outcry. Yun ang tingin kong pinakagusto ko nung nasa House ako…Malacanang, ang pinakagusto ko una yung sa Manila Pen, nagdeclare ng, nagdeclare, pero early parts yun ah, mag-iisang taon nako sa Malacanang nung mga unang bahagi ng stint ko sa Malacanang, ah hindi ko umuuwi ditto hanggang alas onse kasi nag curfew pa and then bawat five minutes may press conference about the updates..nasaan na si Trillanes, nasaan na yung mag rebelde,..uhh basically yun yung pinakamagagandang coverage. Marami eh, pero, tingin ko pinakahistoric yun nga sa Manila Pen at saka yung sa push for Charter Change. Doon mo makikita yung mga forces nag-iinterplay.

Q: So yun, what significant events did the informant cover?

A: Nabanggit ko na nga.

Q: Yeah, the Manila pen siege…

A: Edsa tres, hindi pa naman ako …Ah coup attempt, yun nga yung kina Trillanes and ngayon I think maganda rin ‘to kasi bukod sa, yun nga, Charter Change sa House of Representatives 2006 tapos yung ahh maganda rin icover dati yung Manila…Yun nga kung kay Trillanes, Manila Pen. Ngayon feeling ko magiging magandang coverage yung ngayon kasi hindi natin alam kung itutuloy natin ang peace negotiations with MILF or mag-aall-out war tayo. So I think this is a beautiful coverage for a best memory in the making? Tama ba yung grammar? Ahhh marami naman pero siguro yung top three yun, although marami pang iba baka di ko rin nasabi yung iba pero ang unang pumapasok sa isip ko yung mga yun. Ano pa?

Q: Uhm sir yun na tapos na po.

Q and A: Yehey (clapping hands)

Q: Thank you Sir!




No comments: