August 14, 2008
Interviewers: EREÑO, Ronald P. and TAN, Justine Mae M.
Justine Tan (JT): So pano kayo nag-end up as a journalist?
Juan Sarmiento (JS): Nagstart? Ah I see. Kasi after graduation, I worked with a group, a church group and my job was to come up with a situationer. Ano yan, bale, it’s ah, by monthly, ano lang yan eh, nakamimeo. And later naprint na sa printing press. Bale summary ng ano yan eh, economic, political and social situation ng
JT: Ah, so cub reporter kayo before?
JS: In fact, hindi. Dahil before, nagsusulat na ko. Walang cub reporting. Then nag-apply ako sa business section.
JT: So hindi parang the usual yung story niyo?
JS: Hindi yung usual…
JT: Hindi kayo naging cub reporter, so wala rin po kayong first beat?
JS: Business ang beat ko. Sa business kasi merong energy beat, SEC, may banking, may trade, mga ganon, telecoms, transport.
JT: So any significant events na nangyari nung young reporter pa po kayo? Young writer? Young journalist?
JS: Ang gusto ko
JT: Wala bang specific na memorable event?
JS: Well, meron akong libel case, uh 120 million ba.
JT & Ronald Ereño (RE): Wow!
JS: Basta malaki.
JT: Ah yun ba yung kay first gentleman?
JS: Hindi iba pa yun. Memorable, meron na kong naaalala but yung isa, yung meron kaming sinulat, meron akong kasama, si Raymond Burgos, we wrote about yung mga behest loans, ito yung mga loans granted to Marcos cronies, mga kaibigan niya, mga negosyante. Usually, pag sinabing behest, pag sinabi ni Marcos sa, let’s say, Development Bank of the
JT: Nakasuhan po kayo?
JS: Meron kaming kaso, but later talo siya, sa prosecutor’s level…si De Venecia, kasi tatakbo siya for president. Hindi niya gusto yung ganung negative publicity. But later, ah, drinop na yung ah…
JT: Charges?
JS: Hindi, nagdadaan na lang kasi siya…nag-aattempt siya na irevive, but later drinop na niya, kasi tatakbo siya eh. Di ba? Mahirap na…may kalaban ka na. Another yung, just last year I was detained along with several other editors. Oo. Ah, siguro walo siguro? Or six or seven?
JT: Editors po sa Inquirer?
JS: Oo. Libel suit, filed by ah, yung asawa ni Gloria.
JT: Si First Gentleman.
JS: Hindi nga namin tawag dun first gentleman eh. Kasi hindi raw siya gentleman. (laughs)
JT: (laughs) First…spouse? (laughs)
JS: Hindi ano lang, husband of the president.
RE: Sir, yun po ba yung dahil po sa pinublish po dati…yung page ni Ramon Tulfo po dati? Yun po ba yung cause?
JS: Yun ang ano, yun ang cause, oo. Related sa allegations that si Mike Arroyo was somehow involved sa smuggling. Yung tungkol kay Vicky Toh.. Actually wala kaming kinalaman doon dahil, ang ginawa lang nung lawyers ni Mike Arroyo, pinick-up yung sa staff box. Eh yung pangalan ko nasa staff box. So, ayun.
JT: So nadamay po kayo?
JS: Nadamay. Nadamay kami. Usually ganun sa libel. Titignan nila yung staff box tapos kasama na kayo. Nag-ano kami, in fact, meron kaming bail na binayaran but uh, dinetain kami for…45 minutes.
JT: Oh my… Dinetain na kaagad?
JS: Kaya na-page one ako. Kasi pagbaba ko gumanon ako (raises a closed left fist into the air). Maraming mga photographers na naghihintay. Kinunan nila ako. Page one! (laughs)
JT: (laughs) Front page!
JS: Oo. Yun ang isa sa mga memorable experiences ko.
JT: Ano na pong status non? Di ba ano pa yun, pending pa?
JS: Wala na. Drinop na. Dahil nung naopera si ano, di ba, si Mike Arroyo, suggestion ng doctor wag ka nang masyadong mag-a….
RE: Cool ka lang.
JS: Cool ka lang! Kasi masama, di ba? Drinop na nila. (laughs) Wala na iyon.
JT: So hindi naman po kayo nagcocover ng events?
JS: Ay nagcocover. Dahil uh…
JT: Ngayon po yun?
JS: Ay hindi na. Editor na ako eh…since 1995, tapos ayan, bumabiyahe sa probinsya, sasama ka; sa abroad, sasama ka…coverage.
JT: Kamusta naman po yung work environment ninyo?
JS: Ok naman. Gusto ko siya, dahil hindi siya ah, kasabay ng rush hour ang pasok. Kasi 7 or 6 alis ka na sa bahay, eh hindi eh. Sa bahay, puwede kang umalis ng
JT: What time po yung ano niyo, office hours?
JS: Dapat
JT: So may pasok po kayo ng Sunday? L
JS: Meron, oo, oo.
JT: Awww… walang family day? L
JS: Oo-… hindi, hindi. Friday and Saturday. Kasi, di ba yung newspaper kahit may lindol, may giyera, may bagyo, kailangan pumasok kayo para may, may news.
JT: Gaano na po katagal itong building?
JS: …mga 94, I think.
JT: Kailan po kayo pumasok?
JS: 1990. Sa Inquirer.
JT: So saan pa po yun? Hindi pa dito yun?
JS: Hindi pa. Before dito sa
JT: Eh yung mga colleagues niyo po? Ayos naman? Colleagues? Co-workers?
JS: You mean sa office? Well, like any organization siyempre iba-iba yan, hindi ba? (laughs) Iba-ibang personality. May mas matanda sa iyo, mayroong mas bata. Di ba?
JT: Actually, maraming mas matanda.
JS: Alam ko. Sa desk? Medyo, oo. Pag sinabi mong desk, yung editors lang.
JT: Um, any memorable editors you worked with?
JS: Ahhh, wala… wala akong ano… wala pa. Wala pa akong masabing memorable. Kasi sa room ngayon yung mga kasama ko pa rin eh.
JT: Ah hindi pa ano, hindi masyadong…
JS: Nagreretire?
JT: Yeah, nagpapalit?
JS: Meron, pero kakaunti lang.
RE: Sir, di ba po pareho kayo ng position ni Sir John Nery? Senior desk editor?
JS: Ah, oo nga. Sa Opinion siya. Siya yung-… may column siya. Ako naman, I edit news for page one, but at the same time meron akong section na kinoclose which comes out every Sunday, Talk of the Town. Dalawa yung work ko, ano. Talk of the Town section at saka yung sa page one. Si John, sa ano siya eh, sa Opinion.
JT: So sir, anong advice niyo po na maibibigay sa mga gustong magpursue ng journalism?
JS: Oh, gustong magpursue? Hindi mo kailangan maging journ graduate, ano. Kahit na History, ano pa ba…Literature or Economics. Puwede kang maging journalist as long as mahilig ka magsulat, magbasa ng news…puwede.
JT: Ano pong degree ninyo?
JS: Ang degree ko? Bachelor of Science in Statistics, sa UP ako. Mahilig lang talaga akong magbasa, magsulat-sulat.
JT: So…wala talagang…connection?
JS: Mayroon din! Di ba? Oo.
JT: Ah sa bagay, sa business.
RE: Tapos sa economics.
JS: Sa business, di ba? Yung umpisa ko. But later, pinull out ako sa business to cover yung Palace and elections (1992 presidential).
JT: So mas gusto niyo po yung desk job?
JS: Nasanay na lang eh. Siyempre nung una masarap magcover, kasi, lagi ka sa labas. And you meet a lot of people. Iba-ibang beats. Pag nagcover ka ng House of Representatives, kilala mo yung mga congressman. Nagcover ako ng Senate, ng Palace – Malacañang – kilala mo sila. And hindi lang akin, of course maraming events na cinocover mo firsthand, ano. Yun ang maganda.
JT: Sir, eh hindi ba ano, paano yun? Eh di madalian yun kasi since the next day ilalabas…
JS: Siyempre, kelangan eh, lalo na ngayon meron ng laptop diba? Pag ka ano… gawin mo na
JT: Sir diba mahirap yun kasi minsan parang may writer’s block?
JS: Ah kasi everyday, parang habit. Everyday mo ginagawa. Usually ang news naman parang may formula eh. Yung ah, inverted pyramid. Yung pinakatampok or prominent or dramatic, pinakaimportant, sa lead. Eh yung news writing ano lang naman eh, selection. Hindi naman lahat ng sinabi, lahat ng nangyayari susulatin mo. Pipiliin mo lang yung sa tingin mo mahalaga.
JT: Sir, kumusta naman yung mga deadlines?
JS: Ah deadlines, meron kaming mga deadlines but hindi usually nasusunod
JT: Ano yung deadliest (latest) deadline?
JS: Sa page one dati, kelangan by
JT: Mga anong oras?
JS:
JT: Sir, ano ang punishment ng hindi nakakaabot sa deadline?
JS: Meron kasi kaming evaluation every year. Meron kaming bonus if you meet yung… one criteria, deadline. Meron kaming performance evaluation. Merong incentives financially
JT:
JS: Ganon din sa mga reporters, ineevaluate sila dun.
JT: So yung accuracy diba, dinodouble check?
JS: Ay oo, dapat lang. Kasi diba kelangan
JT: Nagdodouble check po kayo?
JS: Ah oo, siyempre. Chinecheck mo sa research let’s say, kung tama yung name, tapos yung lugar, kung kelan nangyari. Checheck mo kung tama siya. But somehow, dahil daily, nagmamadali rin. Kahit ilang tao na yung tumingin, may error parin. Kasi mabilis
JT: Eh di sobrang madalian?
JS: Hm, madalian? Unlike TV, hindi masyadong mabilis, or internet. Diba kasi ang print ang cycle niya every 24 hours, ang internet pwede mong palitan every minute diba? So compared sa internet edition, or television, mabagal
JT: Pero kasi po pag naprint na diba wala ng bawian
JS: Di na mapapalitan. Wala na. So meron kaming correction box
JT: So ano po pala ineedit niyo? Grammar?...
JS: Hindi lang. Minsan yung lead binabago mo kasi hindi yun yung sa tingin mong tamang lead. Minsan binabaliktad mo. Fina-fact check mo rin dahil, let’s say, sa kakaedit mo, kakabasa mo, kakacover mo, alam mo rin yung background ng story. Alam mo na
JT: Uhm , any memorable colleague?
JS: Wala akong maalala. Basta nakulong lang kami. Na-libel
JT: Sir, kelan po yun?
JS: Last march. Last year, march. Andyan, balikan niyo sa archives
RE: Sir, nung na-detain po kayo, anong mga tumatakbo sa isip niyo?
JS: Siyempre maiinis ka. Although siyempre dahil media kami, and then merong taga TV pumunta and then nasa Manila ka, and then nakabroadcast naman na na-detain kami. So hindi naman masyado, hindi naman nakakatakot. Compare mo dun sa ibang nakakulong doon, yung mga snatcher nasa kulungan. Isang babae, separate cell siya. Madumi, alam mo na. Hindi naman ganon. But the fact na dinetain kami, harassment yun. Parang sinampolan. Patikimin nga ito ng ano, (laughs)
JT: Nagbail na kayo diba?
JS: Nagbail na kami pero kinulong parin kami.
JT: Ah so bail tapos kulong pa?
JS: Oo. (laughs)
JT: Hm, ano pa ba?
JS: Wala na? O sige ako naman magiinterview sa inyo.
-------------------------------------------------------------------
Mr. Juan V. Sarmiento, Jr. has been writing for publications since 1981. He has a Statistics degree (Bachelor of Science) from the University of the Philippines. He started as a reporter before joining the Inquirer news desk. He is also a recipient of various journalism awards. Currently, he works for the Philippine Daily Inquirer as a senior desk editor, where he edits news for the front page.
No comments:
Post a Comment