Wednesday, August 20, 2008

Oral History of Roberto Cabrera














August 15, 2008

Interviewers: Diana Paguirigan and Jean Pua

Q: Basic biodata?

A: O sige. I’m Roberto “Bobby” Cabrera. I’m from Parañaque City. Place Of birth: Manila. I’m forty-eight years old. I’m the chief photographer of the Manila Standard Today.

Q: Sir, Are you married?

A: Yes, I’m married with two sons and a daughter. My eldest is… the eldest
is 25 years old, and the youngest is …she’s sixteen years old.

Q: San po ba kayo nag-aral?

A: Photography, you mean?

Q: Elementary?To college?

A: Yes, elementary sa…sa Quezon City. Aurora A. Quezon City School. High school, Far Easter University. And college sa Far Eastern University.

Q: Sir, ano pong course niyo nung college?

A: Ang course ko malayo sa job ko eh. Business Administration.

Q: Sir, ba’t po kayo nag-photography? Pano kayo napunta?

A: Papano? Kasi nung…I was a working student. Nagtatrabaho ako nung way back. Tagal na yon. Since Marcos Era pa yun. Nagtatatrabaho ako dun as a photo lab man. I started as a photo lab man. Yung photo lab amn siya yung…kami yung nag-dedevelop ng mga photos ng mga photographers. Ang mga kasama kong mga photographers dun s NMPC, yun ang ano namin, National Media Production Center, under the office of the President. Ang boss naming don si Secretary…bali si late Director Greg Cendaña. After that…nagkaroon lang ako ng interest. Kasi wala naman, wala naman akong ano sa photography talaga. Experience lang. Kasi, yung course ko nga as a working student eh Business Administration sa FEU eh. Tapos biglang nag-shift ako sa… Naano talaga yung ano ko sa camera….nahilig ako, kasi before nag-photographer ako sa, sa ibang division ako nag-wowork dun sa NMPC, motion picture division. Oo, gumagawa kami ng documentary films about sa government, sa Administration, uhm, Marcos Administration, ganun. Tapos nakahiligan ko…Yung isang kasama ko kasi may camera na dinadala niya. Dun na, nagkaroon ako. Nag-shoshoot ako.

Kasi the assistant camera man ako nun eh. Nag seset up ako ng camera habang nag-shoshoot kami ng mga dokyu. Lahat ng mga government projects ginagawa ko. Tapos dun na. Nahilig na ako. Tapos nagpa-transfer ako sa photo section. From motion picture division, nagpa-transfer ako sa photo. Dun na nag-start yung ano ko sa photography. I started as a..an assistant cameraman dun, tapos photo lab man to photographer.

Q: Sir, san kayo nag-work nun?

A: Sa National Media Production Center.

Q: Gano katagal po kayo dun?

A: Mga…di ko din alam eh. Mga…seven years din eh.

Q: Yun po yung first?

A: First job ko dun. Working student ako nun. College ako nun.

Q: So, ilang taon po kayo nun?

A: Siguro mga 19, 18. 18 years old, mga ganon siguro.

Q: Pagkatapos po dun ditto nap o kayo?

A: Di, hindi pa. Nag-work pa ako sa Middle East as photographer. Sa Saudi Arabia.

Q: So after po dun sa…

A: Sa NMPC.

Q: San na kayo nag-work?

A: Sa Saudi. Nag-Saudi ako.

Q: Ano na po yun…after graduation?

A: Hindi, ano, actually…I did not. Naano ako eh. Undergraduate ako eh. Di ako nakagraduate sa FEU eh. Nakaabot lang ako to third year college. Asawa ko kasi…ano…nagka-ano…Na-meet ko sa FEU. SIya nakagraduate. Masscom student din yun sa FEU. Siya nakatapos. Ako hindi na nakatapos. Nagwork na ako tuloy-tuloy na eh.

Q: So, Middle East po, ano po yung job niyo dun?

A: Interior photographer.

Q: Ano pong mga kinukunan niyo? News din po?

A: Ay, hindi. Hindi news. Puros kami mga architectural photography eh. Kasi ang…ang napasukan ko dun eh yung furniture company. Yung isa sa pinaka-malaking furniture industry dun sa Saudi. Yung mga kinukunan ko dun puros mga furnitures eh. Oo, ang mga kasama ko dun mga architect, interior designers. Mga kasama ko dun… puros designer.

Q: Ilang years po kayo dun?

A: Ano lang, mga, almost three years lang. Hindi, hindi ako nagtagal. Pagtapos nun, nagtrabaho ako sa studio. Yung mga studio…yung mga…oo, yung mga photography studio. Mga wedding. Nag-wedding photographer din ako. Tapos, nalipat na ako sa…sa Manila Standard nung 1989. Kaya 1989, up to no, 19 years na.

Q: Sa tagal niyo po dito, ano png mga nakunan niyo na?

A: Ah, sa mga assignment? Naasign ako sa mga police beat eh. Sa police, oo, naasign ako dun nung bago-bago ako. Mga sunog, mga krimen, mga ganyan madalas ko makunan. Mga aksidente ganon. Yung mga gory scenes, nakukunan ko yan. Pero di naman masyado gumagamit ng ganon dito kasi broadsheet ‘to eh. Pero minsan, aanggulohan naming ng hindi gory. Maganda ang ano naming eh…maganda. Coup d’état yun mga yan. Kumukuha
din ako diyan. Yung Pinatubo eruption…nakunan ko.

Q: Nagpunta po kayo ng Pinatubo?

A: Oo. Meron, marami.

Q: Eh yung tungkol po sa Oakwood mutiny?

A: Ah, Oakwood mutiny hindi na. Kasi, ako na yung head dito, inaasign ko nalang sila.

Q: Yung coup d’etat po dun sa termino ni Cory?

A: Yun! Yung termino ni Cory, madalas, di ba? Yun…marami akong coverage dun. Dun sa…sa term nay un. Sa Administration nay un, madalas.

Q: May nakilala po ba kayong mga politico?

A: Marami! Marami…mga politicians? Nakikilala ko personally. Karamihan yan mga senador eh, kasi naasign din ako sa Senate. Senate, nagshoshoot ako sa Senate.

Q: Ano pong shinoshoot niyo dun? Pag may ano po..?

A: Pag may hearing sila…Lalo na yung mga issung malalaki ang nangyayari. Nagaano sila…nagcoconduct sila ng Senate investigation. Yan…nakukunan ko sila. Nakikilala ko sila.

Q: Nagpunta po ba kayo nung Impeachment ni ERAP?

A: Oo. Nag-cover din ako sa Senate. Nag-cover din ako sa Senate.Nandun ako. Nag-shoot ako diyan.

Q: Ang dami niyo napo palang nakunan.

A: Oo. Meron nga kami dito nung 2004 or 2005. Di ko na matandaan. Uhm, kasama ko yung family ko. Nagvavacation kami sa Cebu. Ewan ko kung nabalitaan niyo yan. Nakasakay kami ng Super Ferry. Bigalang may…uhm…biglang may naka-collide na…internal vessel. Nandun ako. Naksakay ako nun. Nakasakay ako dun, kasama ko pamilya. Kinabahan din
ako, pero inisip ko as a photojournalist, presence of mind. Nakunan ko yung ano…yung nangyari. Eh ano, narinig ko may “boog!”. Biglang may kumalabog. Dun sa may bandang Corregidor island yun eh. Madaming namatay dun nung nag-collide yun. Na-exclusive ko dito yun sa Standard. Kami lang ang may kuha nun. Sayang kung makukuha ko sana yung diyaryo, makikita niyo yung kuha ko. Andun, nasa file ng library. Tapos, naasign
din ako sa Malacañang. Kay…matagal ako kay FVR eh. Kay Cory hindi masyado lang eh. Kakapasok ko lang nun eh. Matagal ako kay FVR. Sarap ng feeling eh. Nakakasama mo yung presidente. Malacañang beat. Mga coverage naming sa out of town. Minsan, sumasakay kami ng mga plane na sinasabi nilang “flying coffin”? Yun? Nakasakay kami dun.

Q: Nakakatakot po ba?

A: Sumasakay kami dun pero ngayon wala na. Wala na yung eroplano nay un.

Q: Ano po yung mga binigay ng Americans?

A: Ah, nuon pa yun eh! Alam ko wala na yun. Wala nayun. Next year, mag te-twenty years na ako dito. Nung ’89 to 2009.

Q: So, sir, una, nag-start kayo ng photographer?

A: Hindi, as a lab man.

Q: Hindi, dito po sa Manila Standard.

A: Dito na? Sa Standard na? Photographer na ako dito talaga.

Q: Na-promote nalang..?

A: Na-promote nalang ako mga after 8 years. Ano, 1998 lang ako.

Q: Ngayon po chief photographer na?

A: Chief or head.

Q: Ano na pong ginagawa niyo ngayon?

A: Ah..yung ano ko. Ako yung nag-aasign. Ako nagdedeploy sa mga photographers namin. Kung saan sila ilalagay. Kunyari…meron na kaming sariling beat eh. Sa CPD, meron akong tao dun. Sa airport, meron narin. Dito lang yung general assignment yan. Nagiikutan. Tapos every month nag-iikot sila. 8-5, ganon. Pero yung mga naka-beat sa airport tska sa
southern police, steady nay un. Di ko na sila ginagalaw. Tapos, ako nag-eedit ng mga photos. Ini-email nila eh. Hi-tech na talaga eh, kaysa nung araw. Nuon bumabalik pa sila dito. Nag-lalab kami. Yung…dark room. Inabot naming ditoyun. Tska kami yung unang-unang diyaryo na nag-colored. Kami.

Q: Ano pong year yun?

A: Di ko na matandaan eh. Basta kami yung una. Nagsunuran nalang yung mga Inquirer.

Q: Eh sir, meron na po ba kayong nakunang mga Abu Sayyaf o di na kayo pumupunta dun?

A: Ay, Abu Sayyaf hindi. Di na ko nakapunta. Yung MILF, yan. Yung mga rebel returnees, yung mga sumusuko, yung mga ano, sa Lanao del Norte. Sa NPA, di ko na ano e.

Q: Pumupunta po kayo ng Lanao del Norte?

A: Oo, dati. Sa Lanao, sa marami. Sa iba’t-ibang parte dito.

Q: Sa Sulu?

A: Sa Sulu, bihira. Isang beses lang. Pero Abu Sayyaf, di kami nakaanao, di ako nakaano.

Q: Mostly dito lang po sa Luzon?

A: Hindi, Mindanao din. Pero, di na kami naka-cover dun. Yung mga MILF, MNLF, yan. Pero sa Abu Sayyaf, di na. Medyo bago na yun eh.

Q: Eh, yung sa Manila Pen po?

A: Ah, ung Oakwood mutiny?

Q: Hindi po. Yung Manila Peninsula.

A: Ah, yung Manila Pen, iba. Iba yung pinadala ko.

Q: Kasama po ba siya sa mga hinuli?

A: Hindi. Nakakawala siya. Nakatakas siya. Kasi gawa nung naramdaman na niya na mukhang ano, parang ganoon, umiskapo na sila. Sa madaling salita, nakatakas siya. Ganoon, oo, nakatakas, hindi siya nakasama. Yung reporter namin, kasama. Oo, nandun siya. Meron kaming photographer dito na kasamahan namin, sa encounter natamaan siya, ng NPA. Pero matagal na eh, 90s pa yun eh. Kasama niya yung mga NBI agents, inambush sila. Hindi naman siya namatay dun, actually tinamaan siya. Pero, kaya lang, ang cause ng kamatayan niya, kasi yung bullet na hindi naalis yata. Parang nagkacancer siya. Di ata naalis yung bala sa tama niya dito, masama pala yun. Ayun, isa yun sa risk ng job ng isang photojournalist. Di ba, alam niyo naman, tayo yata yung second, second tayo sa dangerous profession, journalism.

Q: Sir, di ba alam niyo na yun. Di po ba kayo dati nagbalak na umalis na lang sa journalism, sa photojournalism?

A: Hindi eh. Parang, parang ano eh. Parang nasa dugo na. Iba, iba pag photography. Iba eh, parang, nananalaytay na, yung ganoon, sa journalism na, yung ganoon. Iba na eh, iba na. Kung kalian pa nga yung ano eh, mas gusto namin eh.

Q: Kung kalian mas delikado, mas gusto niyo?

A: Oo. Parang nachachallenge kami, parang ganoon ba. Ano dito eh, dapat matibay ka. Palakasan ng loob, di pwedeng ano, yung kaba-kabado. Kasi pag di ka matapang, wala kang makukunan. Di ka pwede. Di pwedeng may kaba, kailangan malakas ang loob. Buo yung loob.

Q: Gusto niyo po ba yung mga anak niyo ganito rin?

A: Yung mga anak ko, sinabihan ko sila eh, ayaw eh. Iba eh, hindi talaga ano eh, iba yung hilig. Iba yung propesyon ng trabaho, talagang iba yung gusto niya.

Q: Eh yung asawa niyo po?

A: Yung wife ko, Masscom graduate siya pero, nagwork siya sa bangko. Wala sa lineniya. Ano siya eh, nag-early retirement, umabot siya hanggang assistant branch manager, sa dating Equitable PCI Bank. PCI Bank siya original, tapos merge, merge, merge, umalis na siya. Assistant branch manager, tas umalis na siya.

Q: So sir, over-all, masaya kayo sa trabaho?

A: Masaya. Ok naman. Madalas sinasabi, under paid daw kami, pero ok naman.

Q: Hindi po ba under paid?

A: Ok lang. Di naman.

Q: Sir, ano po ba yung best memory niyo working as a photojournalist?

A: Best memory sa assignment o coverage, ganoon?

Q: Kayo po, kung ano pong sa tingin niyong best memory.

A: Yung, di ko makalimutan yung cumover kami sa ano, sa MILF sa Lanao del Norte, sa Munay, lugar yun eh, sa bundok. Naiwanan kami nung chopper. Yung kasama naming noon sina Senator Pimentel eh, yung mga journalist na babae na kasama namin, sila pinauna namin, mga TV, mga babae, sumakay sila. Naiwan kami, dun sa delikadong lugar. Muntik pang magbarilan nun e, yung mga kapwa Muslim. Pag sinurender mo kasi yung armas, may kapalit na pera, ganoon yun eh. Parang nagkakaano sila, parang nagaaway-away sila, silang mga Muslim brothers. Tumabi nga kami, kukunan namin, kasi baka nga mamaya sila-sila magbarilan. Tapos nung naiwan kami, di ko to makalimutan eh, muntik na kami mamatay. Yung mga kasama naming mga sundalo, sumama muna kami, magmula dun sa bundok,
bumaba kami pero yun delikado yung lugar na yun eh, rebel-infested area, marami kaming photographer, marami kami, Philippine Star, News Today?, may taga-Inquirer ata yun eh, oo tama, Inquirer, Manila Times, nilakad naming yun umuulan, akala ko ano eh, ambush site, marami kaming ambush site na dinaanan, yung guide naming na tangke naano pa,
nabalahaw, di kami makadaan dun. Natakot na kami kasi aabutin kami ng gabi. Delikado talaga yung lugar, bundok eh, talagang forest. Eh may trail naman, yun, sa awa ng Diyos, ano na nga kami eh, basang basa na kami, yung gamit ko. Akala ko, katapusan ko na yun eh. Talagang nawalan kami ng pag-asa, di na nga kami nag-uusap-usap ng mga ibang
photographer. Nabuhayan kami nung may dumaan na six by six, nasakay kami. Lakas ng ulan, madilim na, nakakatakot na yung lugar. Yung mga sundalong kasama namin, hiwa-hiwalay na, magkakahiwa-hiwalay na kaming ganun. Yun, yun, isa yun, di ko makalimutan yung mga yun. Tapos yung mga ano, yung mga sa kudeta. Yung mga nangyari sakin, marami yun eh. Pumasok ako dun sa lugar na puro mga rebelde. Yun lang, yung mga kudeta
coverage ko nun eh. Di ko din sila makalimutan, naaalala ko pa, yung magulo, yung bigla na lang babagsak. Kasi bago pa ko nun eh, kakapasok pa lang nun na photographer eh, kung baga, ano pa ako eh, bata pa ko eh, mainit pa, yung ganoon.

Q: Mga ilang taon po kayo noon?

A: Mga 29 years old, mga ganoon, 29 years old, 30. Tama, 29 years old ako nung mapasok dito sa opisina, eh 48 na ko ngayon, magfoforty-nine next year, tama. Marami pa eh, marami pang mga coverage eh. Ano pa?

Q: Ano po yung reaksyon niyo dun sa hinostage daw po si Ces Drilon?

A: Ah, yung nito lang? kung baga yung para sa akin, ganun? Di kasi sila nakipag-coordinate sa mga ano eh, parang gusto talaga nila yung scoop. Derederetso sila eh, di alam nung mga pulis na dederetso sila eh, binay-pass nila yung mga ano eh, dib a nga pinagagalitan sila ngayon. Pati yung management, pinull siya, parang si Ces ngayon, suspended yata
siya eh. Di ba? Di ba?

Q: Sir, ganoon din ba kayo?

A: Pag?

Q: Pag kunyari meron kayong gustong kunin na scoop, iririsk niyo ba yung mga dangers?

A: Oo. Oo, maganda sana. Kaya lang, yung ano dun, iba naman yung takbo ng utak nun eh, di naman mga ano yun eh, di naman mga freedom fighters yun eh, bandido yun eh. Di ba? Di mo yun maaano sa mga rebels eh, iba yun eh. Ibang anoyun eh, nakakatakot sila. Di sila mga freedom fighters, pirates, mga ganoon, mga bandido. Meron pa?

Q: Sir, nung EDSA dos, nandoon po ba kayo?

A: Nagcover din ako, pero di masyado. Kung baga yung kuwan dun eh, pero nasa Malacañang ako noon eh, nagcocover pa ko kay Erap, presidente. Pero di gaano, iba na yung naka-assign doon eh. Iba na yung inasign ko. Pero, nakapagshoot ako di masyado.

Q: Nacover niyo po ba yung pag-alis ni Erap sa Malacañang?

A: Sa Malacañang, hindi na. Yung Malacañang photographer ko, pero meron kaming tao. Meron, nandoon, kumpleto kami na merong naka-assign na tao dun.

Q: Pati po dun sa oath taking?

A: Gloria, ah yung nag-oath siya. Yun lang, saka oath taking, ganoon lang. Pero dun sa mga rally, di gaano eh. Sandali lang yun eh, sandaling-sandali lang, di nagtagal eh.

Q: Pag eleksiyon po, kunyari, recent election po, nandoon kayo?

A: Ah yung presidential elections, ganoon? Minsan nagcocover din ako, lumalabas din ako, pero bihira. Yung mga bata pa, nakadeploy sila sa, kunyari, yung nakaraan kay Fernando Poe Jr., mayrong tao doon, ganoon. Meron kay Lacson, meron din din doon, ganoon, iba-ibang deployment yan eh. Especially kung kandidado.

Q: Eh sir, para sa 2010, naghahanda na ba kayo?

A: 2010, siguro mga by next year na, ganyan.

Q: Matagal-tagal pa naman eh noh?

A: Oo, matagal-tagal pa. Pwede na yun.

Q: Eh sir, yung SONA po, yung recent SONA, nandoon po kayo?

A: State of the Nation, wala. Hindi na ako masyado ano ngayon eh, ako na yung nag-ano, nagdedeploy ng tao doon eh. Heto yung anuhin mo, ako na yung nagbibigay ng instructions sa kanila eh.

Q: Sir, wala naman problema sa mga tao niyo, sa mga bagong photojourns?

A: Subordinates ko? Ok naman sila, walang problema.

Q: Ano po bang standards para maging photojournalist?

A: Para maging photojournalist. Sa ngayon ha, unang-una marunong ka mag-shoot. Kung di ka marunong mag-shoot kahit meron kang sariling camera, di ka makakapasok eh. Pag pasok mo dito sa mga ano, lalo na ngayon, wala kang digital camera, di ka pasok. Ganoon na ngayon ang ano eh, wala na yung film eh, phase out na yun eh. Nasa ano eh, nasa dugo,
nasa hilig. Ako nga dati, di ko ano eh, nahilig lang ako eh, nagshoo-shoot shoot lang ako dun, hanggang nagustuhan ko na eh. Maganda kasi pag napupublish photos mo eh. Kunyari, gumagawa ka, kunyari pag napublish, kahit walang bayad, proud na proud ka eh. Yun, dun na nag-uumpisa na, ang ano mo sa photojournalism, pag nakikita mo yung pangalan mo, sa by-lines, isa na yan. Isa yan sa nakakapagtrigger sa ano sa photos. Pero ano, mahirap. Mahirap, mahirap.

Q: Ano po ba yung paborito niyong kuha?

A: Ah yung mga subjects? Mahilig ako sa human interest eh. Minsan sports, yan, pero human interest, type na type ko yan eh.

Q: Sir, ngayon po ba nagpadala kayo sa Beijing o hindi?

A: Ah sa Beijing, reporter lang pinadala ng opisina eh. Kasi ano, nagtitipid din eh. Kahit sa ibang newspapers, alam ko wala, walang pumunta. Pati sa sinasabi nilang Big Three, alam ko wala. Kasi mamomonitor naman naming yun eh, sa mga nakukuha nilang photos, eh
ngayon, puro wala eh. Siguro nagtitipid din. Pero reporter meron, yung sports editor namin, siya ang nandoon nagcocover. Ang ano namin, photos naming, nagrerely lang kami sa AP.

Q: Ano po yun binabayaran niyo?

A: Oo. Monthly bayad yun.

Q: Eh sa mga ano po, sa mga PBA?

A: PBA oo. Lagi yan, tulad mamaya sa Cuneta, dito lang, game ata 6:30 eh, aalis na yun.

Q: So lahat po talaga kinokober?

A: Oo. Lahat. From NCAA, UAAP, kinokober naming yan.

Q: Ok sir, ok na po. Thank you po, sobrang salamat po

A: Welcome.
___________________________________
Mr. Roberto “Bobby” S. Cabrera was born on October 25 1959 in Manila. He is a Business Administration undergraduate from Far Eastern University (FEU). He became inclined in Photography when he entered National Media Production Center (NMPC) as a working student. He has been working at the Manila Standard Today for the past 19 years. He is currently the Chief Photographer for the said newspaper.

No comments:

Post a Comment