Thursday, August 21, 2008

Oral History of Geronimo Briones

By Carissa Quirante and Marvin Conquilla

Q: Sir, what are the circumstances that led you to your work?

A: Graduate kasi ako ng Mass Communication. So, noon pa gusto ko na magsulat so ibig sabihin, gusto ko magpraktis kung ano yung pinag aralan ko.

Q: Saan po kayo nag graduate?

A: Sa FEU po.

Q: Describe your early years as a journalist.

A: Nagstart ako hindi bilang correspondent, kung tawagin nila. Heto yung naka-beat sa pulis, sa Malacanang. Nagsimula ako bilang proof reader-encoder ng isa pang tabloid. So, noong nagsara yung tabloid na yun, kasi meron silang dyaryong Tonite, Inassingn nila ako sa field 1994. Ang unang-una kong beat ay yung customs. Tapos tinanggal nila ako doon after a month, nilagay nila ako sa police beat. Ang unang-una kong police beat ay yung Eastern Police District. Under niya yung Marikina, Pasig, San Juan, Mandaluyong, lahat ng Courts doon, lahat ng NGOs yung mga government units.

Q: Describe the Newspaper, Philippine Daily Inquirer/Tumbok?

A: Sa ngayon under kami ng Philippine Daily Inquirer. Unang-una sa Bulgar ako nanggaling. Tapos nalipat ako sa Pilipino Star Ngayon, nag stay lang ako doon for a month. Tapos nalipat ako sa Bandera Tonite. Yung Bandera hindi pa siya dati sa mga Prieto. Dati siyang nasa Gokongwei’s, So noong nagsara yung Manila Times noong panahon ni President Erap Estrada, napressure yung Gokongwei’s so sinara nila, binenta sa iba. Nagpasya yung mga executives na magkaroon pa ng isang tabloid. So, lumabas yung Tumbok. Noong nagtanong ang editor ng Tumbok kung sino yung pwede nilang makasama, kinuha kami sa field. That was 1999.

Q: So ano po yung mga circumstances na naglipat-lipat kayo? Bakit po kayo nag lipat-lipat?

A: Yung sakin kaya ako nagpalipat-lipat kasi, unang-una nagsara yung tabloid na Tonite ng Bulgar. Medyo matagal nako doon pero yung salary ko masyadong mababa kasi per column inch yung, halimabawa twelve pesos per column inch ganon. Kung maikli lang yung istorya na ibibigay mo, ganon lang yung sukat na babayaran sa iyo. So meron nakapag sabi sa akin, meron kasama doon na bakit di mo itry dito sa ganito na ito. Pero after a month, siguro hindi nila na gustuhan yung performance ko, hindi ako naging regular. So, lumipat ako sa iba pang tabloid, hanggang sa malipat ako sa Bandera.

Q: Describe niyo poi tong newspaper na ito, ito pong pinagtratrabahuhan niyo ngayon. In terms of yung physical location niya, kasi most newspapers were located in Intramuros/Port Areas?

A: Yun yung pinaka bagsakan niya ng mga newspaper. Tsaka nila ididistribute nationwide. So mas concentrated kami sa Metro Manila, iyong dyaryo namin.

Q: How would you describe your office? The environment? The location?

A: okay naman yung opisina namin nakapagwork naman kami ng maayos. Yung air-conditioning, yung computers, ngayon unti-unti namin binabago kasi base din sa budget so iyong mga fax machine, yung email namin, yung internet, kasi halos doon na nagpapadala ng stories yung mga correspondent.

Q: So laganap talaga kayo sa technology advancement? Necessary para mas mabilis mag grasp ng news.

A: Oo. Di kagaya noon na ang ginagawa namin itatype namin yung correspondent, I fafax nila tapos itataype uli at irurush uli ng editor. Dito, pag nacopy paste na sa internet, pwede na niyang ilagay dun sa system. Pwede na niyan i-edit yon.

Q: How would you describe the physical facilities? Yung building? Offices of printing, yung printing niyo po , like, okay ba naman?

A: Ok naman po.yung printing namin yung quantity ng printing, syempre, ***, kasi may tinatawag silang patama, mas tama yung kulay, mas tama yung, maganda yung pagkakaprint nung text. Yung facilities naman, hindi naman kasi kalumaan tong Prieto. Bago palang itong Louie Prieto Building. Ipinangalan ito ng mga may-ari sa kanilang anak na si Lovie.

Q: Ano naman po ang masasabi ninyo sa mga katrabaho niyo dito? Sa mga tao dito sa Tumbok? (Publisher, Editor at Colleagues)

A: Tungkol sa publisher, napaka supportive ng publisher namin. Nakakagalaw din independently yung editorial. Hindi siya panapakeelaman ng publisher. Kung ano ang sa tingin ng editorial/editors ang direksyon na magiging para doon sa dyaryo. Pag nagka problema, supportive nga lagi siyang nandiyan although pwede mo siyang tawagan, email, kasi hindi siya dito nakabase nakabase siya sa Cebu

Q: Kumbaga, sinusupprt niya yung editors, di niya kinokontra?

A: Hindi. Siguro sa ibang publication, pag publisher siya parang walang authority yung mga editors. Pagsinabi ng publisher na ito ang gusto kong ilabas, ito ang ilalabas natin. Samin hindi, hinahayaan niya yung mga editors.

Q: Paano niyo po naman madedescribe yung mga colleagues niyo?

A: Okay naman ang mga katrabaho ko rito. Pero syempre minsan hindi naman lahat ng basket, magaganda yung itlog doon. Meron ding mga taong hindi magkasundo so meron kaming mga policies, mga disciplinary actions, kapag nakagawa ng hindi maganda, kailangan ng disciplinary actions.

Q: Paano niyo po madedescribe yung working conditions niyo dito? Yung hours of working? Yung holidays, salaries at deadlines?

A: Yung deadlines, wala akong masasabi doon, after ng kasi na pinaka dapat namin kunin sa newspaper, nakaksulat naman kami doon at hindi ko masasabi na masyado siyang maaga o masyado siyang late na deadline, para sa akin, tama lang. Ngayon yung salaries, doon ko masasabe na mababa magbigay yung aming employer. Ibig sabihin, above minimum maayos naman ang tinatanggap namin benepisyo. Ngayon during holidays naman, kailangan namin pumasok during holidays. Iba kasi yung nature nuns aming trabaho. Pasko may pasok kami, new year may pasok kami, dalawa lang yata sa isang taon yung talagang wala kaming pasok. Yung biyerne-santo. Ako bilang editor, nag start ako ng two o’clock. Titingan ko na kung ano yung pwedeng kuning story, titingnan ko kung ano yung problema dito sa office, yung problema sa tao, may kulang ba na tao, may kulang ba na staff, may dapat bang papasukin ng day off? Kasi pagka kulang ka sa tao, magkakaroon ng problema sa operation, baka hindi mo mameet yung deadline mo.

Q: Were you ever a cub reporter? What was it like to be a cub reporter?

A: Oo. Napakahirap ng cob reporter, unang-una yung pamasahe at yung pagkain mo lang ay kulang na kulang. Naalala ko noong yung nanay ko kahit na matapos na ako alam na niya na hindi ako kikita doon sa unang trabaho ko. Pero sabi ko gusto kong matuto. Gusto kong matuto kung paano mag-gather ng news. Yung gusto kong makahanap ng mga source. So napaka supportive din niys hinayaan niya ako. Sige ikaw ang bahala. Kahit na sabihin niyan nag tratrabaho ako, pero binibigyan niya parin ako ng allowance. May time naman na pagkamagkakasama kami, may mga newspaper na talagang malaki ang binibigay sa mga correspondent nila o yung tinatawag na cub reporters yun yung ginagawa na nilang reporter na bago. So sila yung regular yung payment.

Q: So, talk about your first beat, what was that beat? What were the important lessons you learned from that beat? Ano po yung unang-unang lessons sa natutunan niyo sa una niyong beat?

A: Ang unang-una ko pong beat ay sa customs. Galing po ako dun sa yun nga, yung sa tabloid. Medyo mahirap dahil yung unang-una yung mga kasama ko dun medyo matanda na. kumbaga talagang mga senior reporters sila. At dahlia siguro sa dami ng source nila, di na nila kailangan umikot soon sa buong customs para kumuha ng information. So ginagawa madalas nila,.. So kung ikaw, ano ka, correspondent ka, kailangan mo maghanap ng news kasi kung wala ka namin ipapasa, wala sila sa iyo ibabayad sa isang araw. So hindi ako kasabay dun sa mga reporters nung unang beat na inassign sa akin. So sinabi ko naman yun sa editor ko noon. Na walang mangyayari sa akin, di ako matututo. So inilagay niya ako doon sa beat na alam niyang halos lahat ng cub reporters, correspondents, o ng strainors kung tawagin nila, halos doon ako lahat nagsimula.

Q: So mas significant sayo yung police beat o kesa sa customs?

A: Oo.

Q: So sino yung mga kasama ninyo sa police beat?

A: Seniors, junior reporters, yung kasama ko sa police beat, matagal na sila mga ten years or four years sakin. Pero mas madaling akong makasunod kasi meron ding mga bago, may mga bago rin na kasama na ako doon. Yung mga taga Inquirer kumbaga dun ka nilalagay. Kumbaga yun yung police beat yung pinaka training ground nila.

Q: We are gonna talk about editors and deadlines, sino po yung mga memorable editors para sa inyo? At bakit?

A: Syempre ang unang una ay si Kris Marcelino. Siya yung pianaka unang editor ko, may time na nanduduon ako, yung bago ako na proof-reader-encoder, di ako na advice nakailangan pala nabago ko dalhin sa stripping, yung kopya kailangan na ipakita ko muna sa kanya. So noong dineretso ko sa stripping, hinahanap niya yung page, galit nag alit siya. Naririnig ko yung sigaw niya na parang halos mag mura na siya. Kaya hindi ko makalimutan yung time na yon. Pero noong medyo lumamig yung ulo niya, kinausap naman niya ako ng maayos, na Ronnie, ganito yung dapat mong gawin, bago mo dalhin doon Kailangan makita ko muna. Kailangan may approval ko muna. Yung sumunod na memorable sa ‘kin ay si Lito Bautista, sobra naman kasing napaka considerate ni sir Lito, kahit kailan hindi naman ako napagalitan noon. Nagbibigay lang siya ng instructions, nagbibigay lang siya ng kug paano mo gagawin. Kung meron man akong pagkukulang, tinatanong lang niya kung bakit hindi mo nakuha ito, walang time naman na sinigawan niya ako o nagalit siya sa akin.

Q: Sino naman ang pinaka influential sa’yo na editor?

A: Siguro masasabi ko si Sir Lito kasi mas matagal ako na nagging editor siya. Tsaka marami akong natutunan sa kanya. Lalo na bilang isang police reporter.

Q: How were your editors? Yung mga naging editors niyo po, how are they when it comes to accuracy, ethics, the grammar aspects of news writing?

A: Lahat naman sila okay pagdating sa ganoon, sa editing, sa grammar, wala kong masabi sa kanila.

Q: What was their attitude toward deadlines? Yung attitudes po nila toward deadlines?

A: Kug masyado ba silang mahigpit?

Q: Paano po nila cino-communicate sa inyo yung attitudes nila towards deadlines?

A: Lagi nilang, almost everyday tumatawag sila, ganito binibigay nila kung may mga changes, kailangan two o’clock nandito na samin yung nandito na samin yun. 2 o’clock ng gabi po, pm; ng hapon. Kasi i-edit pa din iyon. Di naman super strict, lagi silang nagpapaalala kasi may mga late breakig news eh, parang sabihin natin, nagset sila ng deadline, two o’clock eh paano kung may malaking istroya na pumutok ng two-thirty, so ang laging sinasabi saki na i-advice ko, sakaling may malaking istorya.

Q: Any memorable colleagues? And what made them unforgettable?

A: Wala siguro akong matadaan eh.

Q: Ay wala?

A: Meron siguro yung bago ako si Veronica, siya yung nagturo sa aking kung paano guawa ng stories sa courts, pati yung sa Regional Trial Court. Kug papaano mag establish ng source, yug mga ganoon. Siya rin kasi, yung may time sa beat na pagka magkakayaan na yung iba-ibang reporters yan. “ halika kaina tayo, merienda na tayo” kami yung maliliit lang yung kinikita, sabihin namin sige tapos na kami. Though alam nila,na hindi pa kami nag mimerienda. Si Veronica, pag meron siya at malinis naman yung kanyang pagkain, pinatatakpan niya doon sa canteen, tinatawag niya ako o yung ibang colleague ko na alam niyang hindi pa kumakain. Tapos sasabihin niya na kanin nalang ang bibilhin niyo. Parang nagging nanay ko siya doon sa beat, ganoon siya kaalaga sa amin. Lalo na at ahead siya samin ng three years, four years. So ang huling balita ko sa kanya wala na siya sa newspaper. Hindi rin siya nagtagal sa newspaper kasi lahat, siguro hindi naman lahat, pero karamihan ng mga nag dya-dyrayo, tumatagal dahil sa advocacy nila, mahal nila yung kanilang trabaho, yun din yung passion nila.

Q: Ano po yung best memories niyo as a young reporter?

A: Yung coverage, yung best memories ko, siguro hindi ko naman makakalimutan yun no. yung pinakamalaking coverage yung kay Antonio Sanchez, Mayor Sanchez. Mga bata pa kayo noong nangyari iyon. Rape iyon sa Laguna. Rape-slay, may dalawang estudyane sa UP Los Banos. Si Mayor Sanchez yung,

Q: Mayor siya? Tapos ng rape siya?

A: Oo. Tapos may mga bodyguard siya. Isa lang student. Isang babae, isang lalakeng dinukot ng mga body guards niya parang lumalabas eh niregalo yung babae sa kanya. Isang babae, isang lalake yung dinukot nila kasi magkasama eh. Kapag iniwan nila yung lalake may titistigo na eto yung mga ano. So isinama nila yung lalake. So yung lalake iniregalo nila dun sa Mayor. Eto ay base sa dun sa lumabas na testimony dun sa ano kasi nakarecord naman ito dun sa korte. So lumalabas, nung rinegalo yung babae, nirape ni Mayor, tapos nung pagkatapos ni Mayor, ibinigay niya doon sa mga bodyguards niya. Siguro mga pito yung bodyguards niya. Ibiniyahe nila pareho yung estudyante doon sa may liblib na lugar doon sa Laguna, tapos ni rape pa nung mga bodyguards yung babae bago nila binaril yung dalawa. So ang naging testigo doon ay yung driver na awing-awa dun sa babae kasi parang sinasabi “oh, ikaw naman” eh wala na yung babae, hinang hina na. Syempre sobrang dami naman yung nag ano sayo, alam naman natin iyon. Parang tumanggi yung driver, yung driver yung lumabas na testigo, at napaka kontrobersyal noon, nung time na yun, nung 1994 binaba yung verdict sa kanila, kilalang abogado yung kanilang abogado noon si Atty, Panelo, ewan ko narinig na ninyo siya. Siya yung abogado siguro ngayon nung anak ni William Martinez, na nagsampa ng kaso laban kay Baron Geisler. So, yun, buong buhay yung naging verdict dun sa kay Mayor Sanchez.

Q: San na po siya ngayon jail?

A: Oo.

Q: Namatay po ba yung dalawang binaril?

A: Opo patay po. Ang natitira lang yung testigo ay yung driver.

Q: Ano nangyari dun driver? Di po ba na-indanger yung buhay niya?

A: Syempre isinailalim siya, meron siyang protection. Ngayon wala na akong, kasi ’94 mahigit 14 years na hindi ko na alam kung nasaan yung driver, magada sanang kunan ng istorya yung mga ganon tsaka yung mga star witness. Napakamemorable sakin hindi ko makakalimutan kasi from 9-5 pm, nandodoon ako sa court sa kasama ng mga ibang reporters, kasama ng mga cameraman ng mga network, talagang jampacked, punong puno iyong ano. May speaker na inilabas yung judges para hindi na, kasi sa loob punong-puno na. Sa labas ng Pasig City Regional Trial Court, dun sa kanyang hallway, punong-puno padin. Mula als-nwuve hanggang alas-singko, wala akong kain kasama siguro nung iba pang reporters. So nung ibinaba, natapos yung promulgation kung tawagin nila yung magbabasa nung kaso, binasa kasi from cover to cover, medyo makapl iyon. So doon palang ako nakatapos, nag base pa ako, ang ibig sabihin nung base nang pakatapos sa Quezon City yung pinakamain office noong dyaryo, tapos dun pa ako gumawa so, nakakaiin lang siguro ako sa isang araw, dinner na. Tapos, yun yung hindi hindi ko makakalimutan asi, unang- una, yung kasong yon, although maliit lang yung ginamit nung editor pero, i-binanner niya yung story kasi talaga namin pang banner, so kung susukatin mo yung maliit nayun, talagang maliit lang siguro mga nasa one hundred fifty lang yung kinita ko, pero noong nakit ko yung tagline ko, doon sa dyaryo kinaukasan, parang yung pagod ko noong nakaraang araw, atsaka yung gutom ko, yung hirap ko, parang nawala kasi parang naging proud ako kasi mababasa nationwide yung ginawa kong story tutal pinaghirapan ko iyon from 9 to 5. at walang kain.

Q: What significant events did you cover?

A: Yung nga, dadagdagan ko nalang.

Q: And what are your memories as a reporter of World War II, Martial Law, Edsa 1, 2, 3; coup attempts, Abu-Sayaff, NPA, MNLF, campaigns, critical campaigns, Oakwood mutiny, Manil Peninsula siege?
A: Siguro dun ako sa… Edsa 1, highschool palang ako noon, tapos bago yung bike ko, so bale anuduon yung mga relatives ko pero hindi kami nagkita dahil sobrang daming tao. Nagpunta ako dun sa Edsa 1 na iyon na naka bicycle lang ako. Yung Edsa 2, nasa desk na ako, editor na ako, so after nagsara an gaming dyaryo, nag black kami lahat, black yung suot ko kasma yung ibang editors, nagpunta kami sa Edsa at yung nakakatawang experience dun dahil nung Edsa 1, gusto mo magpunta doon sa grandstand, doon sa pinakamalapit kasi wala pang grandstand noon, pero hindi ka makalapit dahil sa sobrang dami ng tao, at may mga bantay. At nung Edsa 2 dahil kailangan pa ng press Id, nakapasok na Cory Aquino, GMA, yun. Sa Oakwood, nandito na ako sa desk so nagmomonitor nalang ako sa TV kung ano ang nangyayari, atska hinihintay namin yung story nung aming nasa field. Yung mga correspondents, yung tungkol sa MILF, MNLF, wala akong experience kasi hindi naman ako pinadala doon sa Mindanao para i-cover yung gyera, yung political naman sa pag cacampaign, isa nalang natatandaan ko, pero hindi ako pinatutok kasi yung dyaryo namin hindi siya kagaya ng broadsheet na more on political, ang sa amin kasi mas nakaconcentrate sa pulis, yung mga ganoon.

Q: How about Manila Peninsula?

A: Yung Manila Pen siege kasi nakamonitor nalang kami sa TV.

Q: Malamang sir wala pa kayo noong World War 2?

A: Wala pa.

Interviewer: Sir, thank you p for your time, thank you for answering our questions, natutunan po namin na sobrang exciting po na trabaho niyo, Sobrang interesting,

Ronnie: Kaya lang siguro maraming tumatagal dito dahil sa advocacy, yung passion nila doon sa trabaho nila. Pero kung sasabihin mong gusto mo yumaman, gusto ko maging journalist, hindi siguro tun. Sa advertising siguro maraming pera doon. Sana may nakuha kayo.

Interviewer: Opo. Sir model po kayo ng passionate na minsan lang po iyon makahanap ng tao na hindi puro pera lang iniisip pagdating sa trabaho. Meron po kayong passion.

Ronnie: Yun din yung sabi ng nanay ko

Interviewer: Mahal niyo po dapat yung trabaho niyo.

Ronnie: Kung saan ka maligaya yun ang sundin mo. Kung ano ang trabahong gusto mo, yun ang sundin mo.

No comments:

Post a Comment