Interviewers: Johanna Jakosalem and
Janice Maglasang
Ed Santiago: I really want to paint, nasa UST ako nun, second year ako, kaso gusto ko mag trabaho. Mata mo, barongbarong lang itong bahay ko. Mahirap lang. Ang ginawa ko dun, unang publication na pinasukan ko, nag punta akong Manila Chronicle, dun as a color technician sa color separation. Iba yung akala ko, akala ko madali lang yung pinasukan ko, pero mahirap pala. Di ka maniniwala, for the first time laboratory man ako sa Manila Chronicle as color technician, color separation. Modern way of working, parang painting.
Student: Opo.
Ed Santiago: So ang nangyari, dahil nasa rotogravure ako, hindi ako photographer. Hirap na hirap ako mag produce ng ritrato na isa. Hindi ko alam yung pinasok ko photo essay na. Yes, photoessay na, without knowing. I was trained by dalawang magazine ng Manila Chronicle during that time; Woman and Home at saka Chronicle Magazine. Siyempre, andudun ako sa dyaryo, nasa paging ako, pero ang inisip ako na “I got to penetrate that editorial”. Hindi man ako nakapagpinta, gusto kong photography nalang. Kasi before, I left my course sa UST, sabi sakin ni Vicente Manansala, one of the National Artist, “meron kang konti, minimal, mayron kang frustration, minimal talent that you really want to exploit it”. Sabi niya saakin “Now look for an equipment that you can express it." So what is that equipment? Camera. Unang tinarget ko, ang mother nature. Anything that I really want to paint, nilabas ko sa photography. Yes.
Student: Panu po kayo nagstart sa newspaper?
Ed Santiago: Sa newspaper?Apprentice! Apprentice ako without salary. Labortatory man ako eh. Apprentice lang ginawa ko para matutunan ko yung procedure. Maraming bago, maraming empeleyado. Pero yun nga mostly yung mga nakuha, mayron sa UP estudyante rin. Siya, color retoucher. Very complicated na trabaho. But later on, yun, natutunan na namin. Up to the time that I stayed there up to 9 years.
Student: Ano pangalan po ng newspaper?
Ed Santiago: Manila Chronicle. Yun.
Student: Pagkatapos po ng Manila Chronicle, san po kayo nagpunta?
Ed Santiago: Nagsara yung Manila Chronicle. Yung mismong magazine na yun, tinigil nila kasi lumalabas na ad lahat ng ad nasa Sunday Times magazine, wala sa Manila Times. So yung ginawa ng mga editorial instead of ad, house ad! Tapos ang lumalabas, puro mga photo essay. Dyan may kasama na ako maglabas ng mga photoessay. That was during 1960’s.
Yun na. Ang ginawa ko nga, di ako mapakali eh. I really concentrated on my job, as a color camera man, color technician. Maraming mechanism yun sa position ko, pero what I really shared sa company, yung knowledge naming sa color mixing kasi fine arts student yung mga kinuha nila. Pero meron ding mga nakapasok na hindi doon. Iba posisyon nila. So for 9 years, andundun ako, pero ang ginawa ko, nasa editorial ako nun, I was trained by Eugenia Apostol. Dun sa pahina niya na, alam niyo ba yung Philippine proverbs, yung mga kasabihan ng mga Pilipino?
Student: Ano po?
Ed Santiago: Binigyan niya ko ng mahabang listahan niyan, then you interpret it in photography.
Student: In photography po?
Ed Santiago: Yes! Yun! Yun yung initiation ko. Initiation sa Apostol, siya yung editor nun eh. Diyan muna ako nagtrain, sa single picture. Mahirap. Kaya yun, yung mother nature. Intramuros is a little bit. Kakatapos lang ng gera eh. Ang subject ko, all of Intramuros.
Student: So yung Manila Chronicle nasa Intamuros siya?
Ed Santiago: Yes, during that time, pero nagsara yung magazine. Pero nagexist yun up to the time na nag Martial Law, napakahaba eh. Si Chino Roces, nalaman niya na magsasara yung rotogravure ng Manila Chronicle, kaya naglagay siya ng isang shift. Kasi from 8-5; 5-12 yun lang ang shift niya. Nong pimuli siya ng mga tao na nandun sa Chronicle, naglagay siya ng 12midnight to 8am. Naging tatlo. So ayun, after 9 years ako, nakashift ako doon sa Manila Times nag ganun parin!
Student: Pareho parin?
Ed Santiago: Sabi sakin ni Ms. Apostol, wag kang matakot. Kasi parang nagregret na hindi ako nai rekomenda sa editorial. Try to penetrate Sunday Times Magazine. Go istraight, sabi niya go istraight sa assign na ito, at magpakilala ka at magbigay ka ng photo essay.
Student: Portfolio?
Ed Santiago: Yes, Kaya ginawa ko naman. Pero takot na takot ako pero pinakinggan ko yung sinabi ni Ms. Apostol.
“Sino ka?”
“Ano ho, ahh… contributor ho ako ng Photoessay sa isang dyaryo, tapos kinuha ako doon sa Sunday Times."
Para karagdagan nga doon sa Chronicle. Panay pareho naman silang magaling eh yung Sunday Times at yung Manila Chronicle sa production, rotogravure yun eh. Kaya pareho eh. So ayun, yun ang umpisa na ko. Ang unang, unang kong nacontribute photoessay rin, pictorial. Yan eh hindi necessarily photo essay, kasi ang photoessay kailangan may storya eh.Pero pag repeitition ng picture, ang tawag nun pictorial. So ayun, nagistart na ako and at the same time, double job dahil ang mangyayari nga, sa paglabas ko ng alas onse ng umaga, ayun dala dala ko yung camera ko, sa lahat ng bagay dun sa sarili ko lang na gusto ko. Natrain na ko dito eh. Isang ihente, isang camera, biro mo nakakaproduce ako ng kagaya nito. I hope na alam niyo yung ano ha yung salawikaing Pilipino ha.
Student: Opo.
Ed Santiago: Eto. “Pagkaraan ng ulap, lilitaw ang liwanag.” Iniinterpret yan sa tagalon, after the darkness, light. Yan ang parating page 2 ng Woman and Home. During my time that I was in the Manila Chronicle. “Credits for Photograph, page 2, Edgardo Santiago”. Mga ganun, tuwang tuwa ako pag nababasa ko yung pangalan ko. kumukha pa ako ng red pencil, minamarakahan ko pa yun. That was 1964. Kagaya neto, Wall of Intramuros to eh. Nakakita ako ng suso. “Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw”. I hope that you really understand this. Parang initiation ko to eh.
Student: Opo.
Ed Santiago: Single picture. Pero nagsisingle picture narin ko nun sa Manila Chronicle noon. Paisa isang litrato, human interest. But, talagang ang forte ko siguro, talagang kailangan makaproduce ako ng nagpipictorial o photo essay, ang photo essay may istorya eh, kailangan. By 1965 yan, Chronicle Magazine yan, nakita ko sa clippings ko ang unang una, baka mas earlier pa eh. Tignan mo, nong tumawag kayo, tignan mo, kung ano lang yung madampot ko iha eh. Tingnan mo, eto. Pag sinabing ‘65, 1965 yan. Chronicle Magazine yan. Eto yun, “Portrait of Man”, “The Wonder of Wood”, “Mother and Child” yan. Tingnan mo, noong araw, puti pa yan eh. Ngayon, naninilaw na eh. I don’t even allow my students to handle this! kasi malutong na eh. Yan ang sistema eh. Narinig niyo ba si Romy Vitug?
Student: Opo.
Ed Santiago: Yan ang kasama ko sa mga ganyan. Sa 5 Photographers, later on nagkasama sama kami. Oh. Eto na yung portrait of Motherhood. Kita mo yan, yung ritrato ko, hindi lang dalawang pahina. Eto, I don’t care, dito wala akong problema e kasi may mga staff writer na magsusulat, ang contribute ko all the pictures that I took. Then ang bahala na dun ay ang editor, yun naman point niya, sino man yung writer niya, dun niya ibibigay. Makikita ko nalang yan, lalabas. Ang maganda pa nito sa rotogravure rin the Sunday Times, ng Manila Times. Dun ako nag trtrabaho. Nakikita ko na bumabalik, “Ay ginamit na”. Kasi advanced nun eh. One month ang rotogravure. Tingnan mo toh, mother and child. Repetition, repetition of picture, pero puro mother and child.
Student: Opo.
Ed Santiago: Another is the wonder of wood, contributor ko din. Eto another pictorial. Yan ang sabi ko sa inyo. Walang ads eh. So buhay kaming mga photographer, mga photojournalist. Ngayon, wala na. Ano yung mga magazine, mga “Yes!”. Tingnan mo to, kung hindi man ako nakapagpinta, nainterpret sa photography.
Student: Ok naman po ba yung office niyo sa Manila Chronicle?
Ed Santiago: Aduana, ngayong Chino Roces na.
Student: Ok naman po yung mga office equipment niyo ho? Parang, sakto ho ba yung mga ganito niyo para ho sa pag?
Ed Santiago: Wala, isang camera lang, 55mm tsaka macro lens.
Student: tig-iisa ho kayo? Or naghahati ho talaga?
Ed Santiago: Hindi. yung tabaho ko, color separation sa loob. Eto, hiwalay yung trabaho, Pag ka mayron akong time.
Student: ah so parang nag cocontribute ho kayo?
Ed Santiago: Contributor lang ako, freelance. Ito yung pinaka mahal kong trabaho. From the time that I was absorbed, hindi pa ako inabot ng Martial Law sa Sunday Times Magazine sa Manila Times. Nagkakaroon na nga ako ng regular pictorial doon. Maikling panahon lang dahil 9 years ako sa Chronicle naging 6 years nalang dahil proclaimation ng Matial law. So yun ang nangyari, as a regular contributor, nagustuhan ng Sunday Times editor, sabi niya,
“Ed sumama ka samin lilipat tayo sa Daily Express”, sarado na ang Manila Times eh, Martial Law eh.
Student: So sa Martial Law po, nagsimula kayo sa Philippine Daily Express?
Ed Santiago: Yes! Oo! Sinama nila ko, nagulat nga ko eh. I was selected to be one of the senior staff photographers. Dun ako hindi na freelance, para akong sundalo,
“Oh Ed, punta ka dito.” Naging staff na ako.
Student: Usually po, pag may pinagawa po, ano po yung deadline niyo? Like the next day po ba?
Ed Santiago: Yun nga, professionalism is number one. You got to be on time. Palagay mo, masama ka sa isang trip. Darating yung VIP, kung sino man siya presidente o senador. One hour before the arrival, andun ka na. Nakaready ka. Sapagkat pagdating niya, lipad na. Professionalism, hindi ko inaalis sa inyo yun. OK yan. Nangyayari yan. Ngayon, advanced kayo dahil you can relay or you can communicate with your editor dahil dun sa laptop.
Student: Opo.
Ed Santiago: Eh ako nun, hindi eh.
Student: Gano katagal po kayo sa Philippine Daily Express?
Ed Santiago: Ah, sa Manila Times, 6 years ako dun. Nagtransfer kami sa Daily Express, naka 14 years ako, pinakamatagal. Pero from my heart, hindi na ginagawa ko yung gusto ko. Dahil kahit na ayoko yung assignment, I got to shoot it. Para nang sundalo na mayron kang commander na “Hoy, Punta ka dito.” Mayron akong assignment, Fashion Show!
Student: Ano po yung working hours niyo?
Ed Santiago: Wala ring ganyan. 8am-5pm. But there are times nadudun ka pa dahil sa assignment. Tuloy tuloy yun, without overtime. Ganun ang sistema. Pero pangumaga ako, papasok ako ng umaga sa Daily Express. As senior photographer. Nagulat nga ko dahil kinonsider na nila akong senior eh.
Ganun lang ang sistema. Sabi ko nga sa inyo, I really love whatever I’ve done. Pero on my own. Pero yung galing sa sa isip ko, sa mata ko, dahil natatandaan ko sabi ni Manansala, “Mayron ka konti lang. Hindi ka binigyan ng buo.” Gifted daw ako pero you got to explore it, exploit it kung ano gusto mo kung ano nakikita mo na ano, gusting gusto mo eh yun, gawin mo. Pero yun, for sure, humanap ka ng equipment na mag susupliment sayo nong idea sayo. 14 years then pumalit naman si Cory, wala na naman akong dyaryo. Eh di lahat kami.
Nagbabasa ba kayo ng Daily Inquirer?
Student: Paminsan ho. Oho.
Ed Santiago: May, ayun nga, dati kong kasama iyun. Nandudun pa sila at napagusapan upon the proclamation ng Martial Law.
“Oh, ano mangyayari? Magpupunta tayo sa bundok? Magtatamin ng mga kamote?”
Yung Sunday Times, ginawa ni Cory na Express Week Magazine. More on entertainment. Dati rati, suplimento yung Sunday Times Magazine eh. Libre tuwing Sunday. Pagbinili mo sa kalye, dalawang piso, pero ang nangyari, naiba na! Parang entertainment na ang approach ng formerly Sunday Times Magazine.
Student: Dun ho kayo pagkatapos ng Philippine Daily Express?
Ed Santiago: Hindi. 14 years kong binuno yun. 14 years akong nagtrabaho dun, pero yung format, ginawang entertainment magazine. Kaya ang cover nun, sila Nora Aunor.
Student: Mga artista.
Ed Santiago: Dun nagtakbuhan yun mga professional, yung mga VIP.
Yun, two pesos, for every week. Ang labas, hindi na sa Linggo, Tuesday na. Taska it's not longer a supplement magazine kagaya nong Sunday Times Magazine. Bibilhin mo na sa kalye, two pesos.
Student: Ano po yung pinakaunang picture niyo na napublish?
Ed Santiago: After 9 years sa Manila Chronicle, training ko sa Manila Chronicle sa, Woman and Home Magazine.
Ayun, yung pagputok ng taal. Napasama ako doon. Sinasama narin nila ako. 1960’s rin yun eh. Siguro yung ang unang unang litrato na nailabas sakin. Napasama ako sa mga karamihan ng mga photographer.
“Halika Ed, Sama ka!”
“Ayoko ayoko.”
Kasabikan ko nga eh.
Student: Marami po kayo nun?
Ed Santiago: Marami kami nun.
Student: Naalala niyo pa ko kung sino sino kayo?
Ed Santiago: Mayron akong clippings. Nandadyan. Papakita ko sainyo.
Student: Ah, cge po.
Ed Santiago: That was Manila Chronicle ah. Pero sa Daily Express, siyempre, nagumpisa lang ako nong let’s say may fashion pictorial ako sa Hilton. De siyempre, nakabarong ako. Eh pagdating ko dun, pang umaga ako, eh may sunog. Sabi ng chief photographer ko:
“Ed, takbo ka muna sa sunog.”
So hubad ko yung barong ko, eh pagkatapos nun, at saka pa lang ako nun maghahanda sa aking pictorial. Saka, there’s no such na kelangan sa dyaryo, whatever assignment given to you, you have to shoot it. Natraining narin ako doon sa ganung sistema kaya kahit saan ako, 6 years akong inabot dun, 1966 to 1972. Dahil nga nagsara dahil sa Martial Law. From 1972, Mayo pa lang nagpalabas na ng dyaryo si Macoy eh. Yung Philippine Daily Express maliit palang yun. Parang Tempo yung liit. Yun pala, preparation na yun for Martial Law. Yung mga ganun. Kami kahit nga kami hindi naming alam eh. Ako nga nasa rotogravure ako nun, yung alas dos, yung sundalo ginigising ako.
“Sir Sir. Gising ka na!”
Kasi pagnatapos ako ng tarbaho ko sa 12midnight, natutulog na ko. Sabi ko “Bakit bakit??”
Sabi niya, “Martial law na po.”
Kaya that’s the time na sinara ang dyaryo. Kaya malungkot kami lahat.
“Oh ano, san na tayo pupunta? Magtatanim tayo ng kamote?”
Student: Opo.
Ed Santiago: Diba? Pero hindi natuloy yun dahil nga sinalo ng Daily Expess yung Sunday Times, ginawang Express Week Magazine.
Student: Sa mga editors niyo po sa lahat po ng newspapers na pinagtrabahuan nino, sino po yung pinaka naaalala niyo?
Ed Santiago: Marami rin eh. Si Amante Paredes, si Milette Mananquil, sa magazine, magkasama kami nun, ngayon nasa Philippine Star siya, si Ching Alano. May mga lumalapit na “Mang Ed, tulungan mo naman ako.” Na mga first years, mga art. Mga painters, young artists who really want to be published, through that paki usap nakakatulong ako sa mga young artist. At tsaka ngayon, mayron parin kaming communication. In between that, I was able to produce a book about Jeepney. Ang publisher ko si Gilda Fernando.
Student: Yung editors niyo po, sila po yung namimili ng pictures niyo? O kompleto na tapos ready for publication na?
Ed Santiago: Ah hindi, usually ang nagdedecide talaga ang editor eh. Marami dadaan eh. Every afternoon 4pm, mayrong meeting.
“oh, what would be the issue today..”
Hindi pa ko chief nun. During my time sa Daily Express, hindi gaano iniimplement yun. Parang silasila lang mga matataas na nagpipili nun. Pero later on, nung nakatrabaho na ko sa Tribune, dahil 5 dyaryo eh. Manila Chronicle, Manila Times, Philippine Daily Express, Philippine Tribune, ang huling huli ko yung Philippine Daily Globe. Sabi nila dahil pumasok na si Cory diba nandyan na?
Student: Opo.
Ed Santiago: Ngayon wala nanaman akong trabaho eh.
“Uy, may lalabas daw.”
Balita, mga chismis. Ang Pangalan Philippine Daily Planet, yung dyaryo ni Superman!
Oh cge. Ganun lang. So kokontakin ka na. Ano gusto mo? Oh si Ramos? Napublish yan. Prior to that, Yung mga kandidato who really want to win the election, yung kasagsagan ng election campaign, nagtatayo sila ng dyaryo just to use it for their campaign.
Student: Opo. Political po.
Ed Santiago: So after that election, natalo sila, wala naman yun. So victim nanaman kami ganun eh. Sasara, wala, natalo eh. Biro mo, to invest ng pera sa dyaryo hindi kailangan hindi mo hindi kaya ng hundred hundred thousand, millions! Kaya ayun, pagnatalo, tumagal lang ng 8 months, sarado na. Kaya’t nong akong nagretire, sabi sakin ni Mr. Santiago na may isang dyaryo na hindi nagreremit ng SSS, yun yung Philippine Tribune, and kandidato si Senador Kalaw yun yung nagtayo ng dyaryo. Ano siya, candidate siya for President. Ayun after that, nawala na, lumitaw na nga yan, yung Philippine Daily Globe. Yan ang huling huli na after the time na nagretiro na ako, but istill my friend si present editor-in-chief of Daily Inquirer. Si Letty Magsanoc.
Ed Santiago: Anong year na kayo?
Student: second year po.
Ed Santiago: Second pa lang?
Student: Opo.
Ed Santiago: Maaga pa.
Student: Maaga pa ho.
Ed Santiago: Marami pang problema. Marami pang oo… maeencounter.
Student: So sa Globe po, chief photographer po kayo?
Ed Santiago: hindi, later on lang. Oo, naging chief ako pero dahil nagresign pumunta ng Singapore si Joyce Gaston, I was next in line. Inappoint na ako, “ikaw”.
Sabi ko “Salamat naman. Magkaano naman ang sweldo? Magkaano idadagdag sa akin?”
“One Thousand lang.”
Yun ang pinaka mahirap sa journalist, you don’t have to think of the income you are going to receive, because the most important is dedication. Kailangan dedicated ka. Si lola nga, nagtitinda ng sago, sigarilyo, para suplementa sa kulang sa sweldo ko, kasi 7 anak ko eh. Pinilit naming makatapos sila. Kahit papano, di bale mangutang ka. Basta’t bumiti yung background.
Student: Mayron po bang sumunod sainyo na nag photojournalist rin po?
Ed Santiago: Dalawa oo. Yung isa, nasa Malaya ngayon, si Manuelet, yung nakadilaw. Si Alexis naman, nasa San Miguel corporation. Ano siya, ang conclusion ko, mas magaling siya sakin. Kasi ang hinahandle niya, corporate advertising eh. Nagulat ako sa mga trabaho niya. This time, ako na ang nagtatanong sa kanya eh.
One important thing kasi eh is that I stick to negative, hindi ako digital. Kayo ang gagaling niyo, puro ditigal kayo. Eh ako, gusto ko yung matandang sistema. I hope hindi mawawala yun.
Student: Ah ok. Sa lahat po ng taon niyo po sa business ng journalism, sino po yung pinakamemorable na collegue, na nakasama niyo po sa trabaho? Tsaka bakit po?
Ed Santiago: Mga kinunan ko? Memorable yung international assignment eh. I didn’t expect myself to be assigned to presidential visit of Marcos sa US o kaya sa dumating ang Pope dito, dalawa kami. Siya ang malapit, ako ang malayo. Pero I was still able to produce something, kailangan eh. Yung mga ganun, I didn’t expect that I will be able to experience that sa presidential trip, yung visit ni Macoy, tatlo kami, si Manny Goloyugo, basta, kamamihan napipili yung mga fine arts students eh.
Student: Opo.
Ed Santiago: Si Noli engineering. Si Manny Goloyugo, as an artist, photojournalist. Kaming tatlo tinawag, sa editorial.
“Oh, may lakad. pagpipilian kayong tatlo. Puro swertehen to.”
Sabi ni Mr. Romualdez, yung executive secretary. Eh ang nangyari, sa unang pilian nabawas si Noli sa pilian. Naging dalawa nalang, si Manny Goloyugo. Si Mr. Romualdez kesambungan ni Imelda, dahil nga ang Daily Express owned by the Marcos’ eh. Oh ngayon, sabi ni Mr. Romualdez samin
“Manny, Eddie Boy. Mayron ako ditong coin, doble cara.”
Niloko kami, “Ihahagis ko to, kayong huhula.”
Eh sabi ko “Sir ako matanda na.”
I really consider, kasi senior ako di ba? sabi ko, “better give it to Manny Goloyugo.”
For me, yung respect sa kapwa mo photographer, alam mo eh kung sino talaga rerespetuhin mo, mas magaling sa inyo, alam mong mas magaling sayo. Pero ayun, hindi ko alam, there are times na ang mahihirap na assignment, bakit parang sa balikat ko nilalagay? Kagaya nung Pope Visit, dumating yung Pope dito. Yung first visit niya sa Manila, sa Cebu, sa Bacolod, sa Iloilo, sa Legaspi, ako kasama. Hirap na hirap ako nun, pero tinitiis ko kahit na masama pakiramdam ko. Kasi kailangan gawin yung kailangan.
Student: So yun po yung pinakamemorable niyo as a photojournalist?
Ed Santiago: Hannggang ngayon, pinagmamalaki ko yun ,yung coverage ko na yun. Kasi eto, eto sa eskwela, kaya hiwalay to kasi dinidikit ko. Ayaw ko yung projection, kasi madali lang, mas madali makita pag ito nakita. Ang sabi sa kin ni Mr. Cruz, conceptual portrait ang gusto niya. Kasi bago ka aalis para sa isang assignment, pinaguusapan yan. Ang sabi sakin para sa concept, kunan mo ko ng picture ng pope na binibindusyan ang mga Pilipino. Edi yun ang assignment ko. Meron ding parang pictorial to eh.
Student: So yun po ang nakanalo sa inyo ng Roberto Benedicto award?
Ed Santiago: Parang ganun, itong ritratong to. Kasi ung assignment ko dito, kunin ang pope na nagpapaalam. Instead of goodbye, ito ang ginawa niya. Dalawa lang kaming nakakuha neto. Ang journalism is also luck. Swerte. Sabihin mong di ka magaling, pero pag pinalad ka at nasa dibdib yung trabahong ginagawa mo. Bibigyan ka ng pagkakataon eh. Sino ba naman magaakala na gagawin niya to. Eh Pope yan, holy man yan. He should not do that.
There are lots of kwento nung nasa Bacolod kami. Sabi ng mga madre, eh nung kumakain daw sila, mahaba yung table, pang party talaga. So, sabi ng mga madre, nako, ayaw kami palapitin sa pope eh. Nasa kabisera ang Pope, nakikinig lang kami. Dapat meron sanang ritrato, pero wala daw silang camera. Alam mo ba ang nangyari, tumindig ang Pope sa misa. Siyempre, pag tumayo ang pope, lahat tumayo rin. Tapos pumunta siya sa ilalim ng table. Para kunin yung parang tuwalya, yung gawain ng mga madre, nalaglag. Tap kinuha niya ulit yung silya, tapos umupo. Yung mga madre naman, siyempre, pwede naman daw na mangutos nalang siya, pero yun nga. May mga insidentend ganun na yung Pope, tao talaga siya. Hindi mo makakalimutan. Yung mga pictorial, o eto sa Cebu, akin na to. Sa Davao, akin rin. Sa Legaspi. Sa Morong, hindi na ko nakasama. Basta, pag out of town, si Neri, meron din siya, pero ang ginagawa niya, coffee table book. Yun yung panahon na ayaw ko ng pumunta, pero sinita ako ng chief nun. Mali ang ID mo, kasi every assignment, iba ang ID, colored. Ang ginamit kong colored ID, yung sa Tondo. Sabi,
“niloloko mo eh. Sa Tondo pa yan.”
Sabi niya, “pag ito Sir, sumablay yan, ikaw ituturo ko.”
Ayaw akong payagan na magpakuha eh. Kaya napilitan akong umakyat sa pole. Yun yung mga memorable. Nakatsamba pa ko. Alam niyo ba kung san ko nakunan to? Sa 50% Muslim, 50% Christian. Tapos every visit, may matanda na every visit na may naghihintay para sa film ko. Itatakbo yan sa airport para dalhin sa Manila. Yun nga, siguro, yun yung sistema nila, they know na whatever, I can handle it. Pero nanginginig talaga ako pag binibigyan ako ng assignment. Minsan nagigising ako, sinasabi ko,
“uy, tapos na”,
pero hindi pa pala. so, pinadala rin ako sa US ni Mr. Romualdez, para kunan yung presidential visit ni Marcos dun sa US, panahon pa yun ni Reagan. Aykong tanggapin kasi mahihirapan ako, pero kelangan eh. Kaya napilitan nalang ako na gawin yun.
Kelangan, naka ready ka na. Yung samin, hindi ko akalain e. Basta sa trabaho, biro mo, naranasan ko mga iba ibang mga ganung sitwasyon. Nakita ko nga mga kaklase ko sa UST, hindi na ko nagpipinta, nagphophotography na ko siyempre. Pero marami ring mga mahirap pero kapag nakita mo na yung trabaho mo, parang nabubura na yung hirap mo. Tandaan niyo yun. Napakahirap ng journalism. You have to do all the assignment given to you. You don’t have to make excuses. Kunwari, pag traffic, edi umalis ka ng maaga. Ako, eksaktong 9, maglelecture na talaga ako. Kung hindi niyo nakuha, itanong niyo nalang sa iba. Pag nagtuturo ako, 25 estudyante ko.. Sunday rin, 25. Yung mga pinapakita ko sa eskwela, shinashare ko sa inyo. Wala akong pinakamahal na trabaho kundi ito. Ito, ginawang selyo to. Philippine ano, mga ganyan, wala akong problema dyan, basta pag nagsubmit ako ng ritrato, ginagawang stamp yan. Philippine Charity Sweepstakes. In honor of kunwari, gaya ngayon, birthday ni Manuel Quezon, binebenta nila yung mga stamp. Pero imagine, anong year to, 2004 yung stamp nilabas, pero 1968 yung kuha. Para bang nakatago lang pero there are times na kailangan. Sa tulong nito, nakatulong ako sa mga may ano, TB.
Tingnan mo ito, 1968, ginawa ko toh. Simple lang, pero nagagawa ng mga tula rin. Hindi rin pwedeng simpleng text lang minsan. Nagugulat nga ko minsan eh. Kaya what is the best thing to do? Kailangan, galingan ko pa lalo yung mga kuha, para pag meron na, yung mga writer, gusto nila makuha para malagyan nila ng salita kasabay ng ritrato.
Ang inisip ko, travel is education. Napaka sarap na mahirap ka, tapos nakikita mo yung mga ibang lugar, tulad ng Southeast Asia, Japan. Ayoko mag mayabang, pero hindi man lang ako gumastos. TApos yung America pala, hindi yan Pilipinas, nalula ako, ang ganda. Pag sa gabi, ang liwaliwanag. Two from the Philippines, Two from Malaysia, two from the Singapore, lahat! Tapos ganyan, pagaaralan mo rin yung mga Cultural Heritage. For one month, the only thing that we weren’t able to study, Vietnam, kasi gera nun eh. Kaya hindi naming napuntahan. Pero yung first city ng Thailand, napakaganda. What is the purpose that you building these monuments, parang you’re reaching heavens, pero walang imposible,
“at least we tried!”
Singapore, yung kultura nila yung dito nangyayari sa Chinatown. Sa Thailand yung mga monument. Ang hindi ko nakasama dahil nirecall ako agad, sa Bugudur, so I regret that incident at kailangan din ako sa opisina hindi ko na kompleto. Hindi namin nakita ang Vietnam, Indonesia hindi ako nakasama. Pero ok narin sakin. Kasi sa Toyko, I was able to see Japan. Naimbita ako mag judge na ng isang international competition. Tuwang tuwa ako dahil ang Japan eh, yun mga old theartre, library kasi more on art ako eh. Sabi sakin nong guide ko na Japanese, marunong magtagalog nagtrain siya dito,
“Mang Ed, wag kang bibili ng pasalubong ah. Ang dadalhin mong libro, hindi mo makakaya.”
Lahat ng delegate, lahat ng judges na inimbita, hindi sila nag bigay ng ano pa bang istocks yun. Kaya ang paguwi ko ang dala ko puro libro. Lahat ng library napuntahan. Dito walang library ng photojournalism.
Student: Opo.
Ed Santiago: There’s no such. Doon dinala kami, dinala kami sa Tokyo. Nilibot kami, sarap ng pagkain. Na educate ako, at the same time, yung mata ko na talagang ginagamit ko dun sa profession ko; kung ganun lang kalaki, na tumuk na yan sa experience na narasan ko.
Up to this time, coffee table book, yung ang inooffer. Ikaw ba kung papupuntahin ka sa collion gagawa ka ng libro pupunta ka? Ketong? Nagretire ako, walang tumanggap na photographer, tinanggap ko. Leprosy? Leprosy ginawa ko. 2 months akong doon. Yung mga ganun ah, bakit, sabi naman nila eh isang tabletas lang ay hindi ka tatablan. Biro mo, punta kang ospital, amoy na amoy mo yung mga sakit. There are still some patients. Yung mga ganun, ano, anong tawag dyan, para bang sinusubukan ka eh. Sige, sabi ko. “gagawin ko.”
Kaya yung mga ganun. Pero ngayon medyo, medyo hindi ko na kaya. Madalas na akong hingalin. Dati noon gadget bag eh nakita kita, noong dalawang camera. Ngayon hindi na, isang camera nalang. Huli huling ginagawa ko ngayon yung sa Pasig, coffee table book. Matagal. Hindi biro. Ang coffee table book hindi ginagawa sa isang salita lang.
Tignan mo yan. Yan, through observation nagagawa ko yan. Dyan sa plaza, eto mga ginagawa ng mga bata. De, observation muna, pagkatapos the next day o the next 3 days uulit nanaman sila ng ganyan. Kasi, eto mga by season eto eh. Usong tumpo. Marami, anything that really exist yun ang iniisip ko tapos pag na kompleto ko na, 8 by 10 yan, susubmit ko sa editor. Dumarating yung panahon na yung nag cootribute ako sa Sunday Times noon, sasabihin nila sa kin, “Ed, Mayron…” tatawagan ka nila para sa rotogravure depertment,
“Ed, mayron ka bang reserba?”
“Mayron sir, nakahanda ako palagi.”
Oh. Are you aware of the monuments of the Manila?
Student: Opo.
Ed Santiago: Nagumpisa yan sa Philippine proverb, single lang siya, pero naisip ko, “bat hindi ko iexploit?” nagpunta akong UST. Eto sa Intramuros lang eto. Eto sa intramuros din. Hindi ka naman lalayo eh. Legaspi. For sure alam niyo to, hindi you will not ask me kung saan to.
Student: Opo. Pero nagtuturo kayo sa ano diba? Sa FPPF?
Ed Santiago: Oo, sa Federation of Philippine Photography Foundation. Dati Sunday lang eh, nalungkot ako naging dalawang araw dahil maraming estudyante. Oh, tignan mo, kung mayron ako nong black and white… oh eto, kung babasahin mo talaga tumula eh. Ginawang tula eh. Kung kukuha ako ng black and white, pagnakita kong may kulay, kukuha ako ng kulay. Eto nakababad to sa tubig sa dagat eh. Yung design, texture and whatever hindi ko man maipinta, naeexpress ko. Nakikita ko, pagkita na kita, siguradong irerecord ko. Pero hindi yung kaagad.
Basta’t ipon ipon ipon ipon.
Kapagmedyo pwede na, ayun. Tsaka ko sinusubmit. Mas enjoy ako iha sa ano… Eto Sunday Times ang sample oh. 1970, eto yung pictorial ko. Little town of baras. Tignan mo, that’s simple oh.
Student: Opo.
Ed Santiago: 1…2…3…4… 4 pictures the writer can produce such… Kung photography and mamaster ninyo, photography. Pero kung texto, mahaba pa yan eh. Dapat, yan, masmarami pang litrato eh. Hindi naman ako nag submit ng konti.
All tradition ng town sa Rizal, all the women who really hear mass every morning nakasoot silang ganyan. Similar to Vigan, ang Vigan, nagigising ako ng alasingko ng umaga, dahil napupunta rin ako dun sa Philippine churches, kapag Christmas ang mga babaeng matatanda lahat yan nakaitim. Yun naman ang documentation ko. Pero eto tignan mo, typical na litrato. Swerte eh! Pagdating ko dun, “paano ko ba uumpisahan?”.
Ang photoesssay you may start sa end, yung ending the photoessay then pang huli nalang yung intro. Pero eto, eto kaagad ang unang unang nakita ko. Kukunan ko sana sa harap. Eh napansin kong may bata. Human interest. Eto ang category ng human interest na tinatawag. So inignore ko yung tatay at tinanong ko nalang siya
“sir san ho ba tayo pupunta?”
“mangangahoy”. May itak eh.
“nasan ho si misis?”
“nasa batis, naglalaba.”
Yun na. Kung ano lang yung nandudun na pwede kong kunan. Marami ding kalabao, pero hindi ako nag dedecide yung editor yung pumipili. As much as possible, shinoshorten yung pictorial. Eh kung may pahina siya, pwede siyang dagdag. Yan ang sistema ng photograph o photoessay. Kaya nahihirapan yung mga estudyante ko na photoessay dahil hindi nila makompleto yung storya eh. Nahihirapan sila. Kaya eto yung ano, tignan mo. Holy week ba nonood kayo? Ano ba probinsya ninyo?
Student: Cebu po.
Ed Santiago: Cebu? Umuuwi ka ba every January?
Student: opo. Paminsan ho.
Ed Santiago: Eto sa bataan lang eto eh. Yung sa rotogravure, brilliant yung color. Kaya sila nagtrain ng fine arts na student dahil alam yung 4 na kulay. Kung baga, sa mixing. Kami, alam naming yung ibibigay na tama. Kaya lalabas sa print. Very complicated ang rotogravure, pero napakaganda. Kasi ang papel na ginagawa ay newsprint, pero local. Peacock. Palagay mo, rainy season. May dala ka. Durog na yung dyaryo. Eto matibay. Kahit na maulanan, hindi nasisira. Yung dyaryo ng araw, yun ang… at eto, naging etong pianka umpisa kong frustration. I really want to concentrate on these barong baro. Hindi ko alam na ang sistema ng buhay ko, palibhasa mahirap lang ako hindi gaano ako sa mayayaman. Mas gusto ko talaga. Mahihirap.
Yung subject na to, inexplore ko to. 1960’s palang inumpisahan ko na to. Pero talaga, ang gusto ko ipinta, bahay kubo pero mas parang minahal ko yung… hangang ngayon. Do you know this place? Madaluyong, Makati.
Student: Makati po diba?
Ed Santiago: Madaluyong, pero kita mo yung Makati. Hangang ngayon hindi ko tinitigilan. What will happen if, kung hindi mawawala yan. Mayron na ngang lumilitaw na gawad kalinga, yun ang pangtatlo ko. pag gumawa ako ng photo essay, it will take me years to develop. Talaga gusto ko kunin, bahay kubo. Ayan oh. Tignan mo yan. Pero parang napansin ko roon. Parang hindi maganda ang pag takbo eh. Vanishing yan eh. Wala ka nang Makita yan.
Student: opo, nakita ko po yang picture na yan sa internet.
Ed Santiago: Nasa Bacolod ako, I was able to see that. Affected ako, masyadong naapektuhan ako sa mangyayari. Nong maliit ako sabi ng lola ko, wag ka masyadong lalabas. Dadating ang mga multo sa gabi, baka kunin ka. Wla pa naman. Pero nagpapalimos yun. Pero mga tao yun. Hindi multo. naging mature ako. Napaisip, bakit ganito semeteryo mismo kasama ang buhay? Dead ang the living magkasama. Tapos gagawin ko yung jeepney, hindi lang yung maganda ang jeep. Nabulok na pero ginagawa ng tao bahay. Sa kakulangan nga ng bubong para tumira sila. Isa lang. kapag ako nagoout of town sa Samar, isa lang I really concentrate on revival.

No comments:
Post a Comment