Wednesday, August 20, 2008

Oral History of Dindo Balares








Interviewers: Bettina Bernabe and Ruth Jorolan
August 13, 2008

Paano po kayo nagumpisa sa pagtatrabaho niyo sa mga dyaryo?
Dindo Balares: Sa Liwayway publishing, staff member. Ang trabaho ng staff member noon ay parang proofreader. Kung may mga blanko na mga pahina, ikaw ang magpupuno. Parang trabaho ni Sarah Geronimo sa “A Very Special Love”, editorial assistant. ‘Yon ang trabaho ko nung una.

Ganun po kayo nagumpisa?
DB: Oo. Ganun ako nagumpisa pagka-graduate ko noong ’89. Sa Ateneo de Naga.

Simula po ba dati ginusto niyo nang maging journalist?
DB: Hindi ko nga alam kung bakit, siguro gusto ko’ng maghirap!

Marami naman po siguro naging benepisyo! Pagkatapos niyo po sa Liwayway, paano po kayo nakapagtrabaho dito sa Balita?
DB: Mula sa Liwayway, kinuha ako para maging editor ng entertainment page ng Balita. ‘Yong Balita, sa hapon ‘yon. Sa isang company ‘yon. Parehong ‘yon, sabay-sabay kong hinawakan. Pagkatapos, naging editor din muna ako ng entertainment section din ng Liwayway.

Dala-dalawa po ang tinatrabaho niyo noon?
DB: Oo, dalawa. Naging tatlo rin kasi nagbukas ng magazine yung isa. Fan magazine. ‘Yong Movies and Friends.

Kayo din po humawak no’n?
DB: Oo, ‘di naman ako yumaman!

Sabay-sabay lahat iyon, nakaya ninyo maski kaka-graduate niyo lang?
DB: Oo. Pagkatapos ng dalawang taon, ayun. Sabay-sabay na nga lahat.

Ah, ok. Saan po dati matatagpuan yung pinagtatrabahuan ninyo?
DB: Nagkaroon ng financial crisis noong 1997 hanggang 1998. Yung may-ari ng Liwayway at ng Balita ay yung may-ari rin ng Bulletin. Napakalaki ng overhead o gastusin namin para sa kabila. Nandun kami (Balita) sa Pasong Tamo noon, pagkatapos ay dinala kami dito sa Intramuros. Lahat ng nagta-trabaho dun noon, pinag-retiro.

Pinag-retiro dahil madami?
DB: Oo, madami.

Bale, nandun pa rin po ba yung lugar na ‘yon o wala na?

DB: Wala na. Dito na talaga inilipat para makabawas sa gastos.

‘Yong opisina niyo po ba dati ganito rin ang itsura o iba?

DB: Siyempre, mas maganda dun. Dating Free Press ‘yon na pagmamay-ari ni Locsin na binili ni Menzi. Si Hanz Menzi, siya talaga ang may-ari ng Bulletin. Pagkatapos, binili ni chairmanYap. Pinagpasa-pasahan talaga. Pero ngayon dito, ayos na rin. Mas mahal kami dito maski na parang illegitimate kami.

Bakit po, dahil nakahiwalay kayo dati?
DB: Oo, dahil dati hindi masyadong naaasikaso ang mga problema naming. Kailangan muna naming pumunta ditto para kumonsulta tungkol sa mga dapat desisyunan. Ngayon, mas mabilis na.

Derechuhan na talaga?
DB: Oo. Kasi halimbawa kung may problema gaya noon inaatake kami ni Joey de Leon, parang ganun. Dito, mas mabilis ang pagkokonsulta sa nakatataas. Halimbawa, nitong nakaraan, pinagre-retract niya ako sa report ko tungkol sa pagka-flop ng Eat Bulaga. Sabi niya, kung hindi ako magre-retract, hindi na siya magsusulat sa para sa Bulletin. Mabilis ang konsultasyon, at sabi nila, ‘you will not retract’, kung kaya’t siya (de Leon) ang umalis. Mas matagal din naman ako, 19 years na ako.

Aba! Matagal din po ah. Sa tagal niyo sa industriya, nagging ‘cub’ reporter po ba
kayo kahit minsan?
DB: Ah, hindi ako nakalabas eh.

Dito lang po talaga kayo sa loob?
DB: Deretso talaga ako sa pagiging editor.

Doon po talaga kayo nagumpisa?
DB: Oo, hindi ako nabinyagan bilang isang reporter. Pero noong una kong pasok noon, nagaganap yung kudeta sa panahon ni Cory. Mga bata pa siguro kayo noon, 1986.

Maski sa mga panahon iyon, deretso na kayo agad sa pagiging editor?
DB: Editor na kaagad ako. Pero gusto ko sanang makalabas noon.

Sa loob po, nagtrabaho po kayo as proofreader?
DB: Oo, proofreader. Nakita nila siguro noon na hindi ko na kailangang magtrabaho sa sa field, kaya binigyan na nila ako ng seksyon.

Ah, ok. Hindi na po kayo nagkaroon ng sariling beat niyo? Deretso na kaagad sa sarili niyong section?
DB: Kapalit siguro ng pagkakaroon ng beat ay yung seksyon. Entertainment ang seksyon ko, ‘yon ang beat ko. Kasi lumalabas din naman ako maski ang trabaho ko ay editor.

Kaya nagkaroon din naman po kayo ng exposure?
DB: Oo.

Maliban po sa entertainment, meron pa po ba kayong ibang hinawakan na
seksyon?
DB: Wala, wala na. Pero tumatalakay din naman ako ng ibang mga usapin paminsan-minsan kasi ayaw ko na kung entertainment ang pag-uusapan, puro chismis lang mapaguusapan. Tinatalakay ko din ang business side ng media, pati yung mga Network wars. Ako yung naglabas ng istorya tungkol dun sa meter na dinadaya daw.

Sa ratings?
DB: Oo, sa ratings ng AGV. Aksidente nga lang yung pagsusulat ko tungkol dun eh kasi may nagkwento sa akin na mga tao galling sa Cebu at Davao.

Bale, kayo po yung unang naglabas ng isyung ‘yon?
DB: Oo. Isang taon bago nila mai-expose, nasulat ko na.

Ah, ok. Balik po tayo sa pagiging editor ninyo. Paano po kayo humawak ng mga deadlines? Mga reporter?
DB: Sa mga reporter, pagsu-supervise ang ginagawa ko.

Paano po noong proofreader pa kayo sa Liwayway?
DB: Syempre, inuutus-utusan ako. Halimbawa, kapag may nawawalang material. Kasalanan ko kung bakit nawawala ‘yon. Parang noon dun sa Liwayway, komiks. Gumagawa ako ng sarili kong script pagkatapos sisiguraduhin mo kung may Problema, at kailangan mong ihabol lahat ‘yon sa deadline.

Ganun po kalupit ang editor niyo noon?
DB: Oo. Kasi series yung komiks eh. Kung may kulang, hahanapin ‘yon ng mga Nagbabasa. Kaya kailangan, kung gagawa ka, dapat kumpleto.

Kayo po mismo ang gumagawa?
DB: Oo.

Sa Liwayway po ba ang ginagamit ay ang lokal na wika?
DB: Dun, oo. Isa din ‘yon talaga sa mga adhikain ko, dapat para sa masa. Na makapagbigay serbisyo sa, kung magiging journalist ako, dun sa pinanggalingan ko. Halimbawa sa Batangas, ang Liwayway ay malakas sa probinsya, parang miyembro ka ng pamilya. Yung pagtanggap sayo, ay parang, kilalang kkilala ka niya dahil dun sa mga sinusulat mo. Kaya nga sabi ko, kung ang tv pala, sa sala pinapatuloy, ang literature, sa puso.

Kaya mas importante talaga, as proofreader yun yng text na lumalabas eh Pero wala naman specifications yung editors mo nun?
DB: Wala naman wala naman. Basta yung gawain mo na mailabas yung issue, mailabas.

Yung mga nakatrabaho niyo po sa Liwayway?
DB: Nag iba iba na eh. Bali wala na yung mga original kong nakasama na first eh yung isa, yung editor in chief naming board member na sa Bataan.

Mga ganun. Yung isa nasa ABS-CBN. Yung literary editor, iba iba na… ang mga kasama ko dito bago na.

Pinaka memorable na colleague niyo?
DB: Syempre yung boss ko. Siya yung nagturo sakin na kung ano maging beat mo, journalist ka. Wag mong isipin na dahil pampanitikan lang yan o entertainment lang, dapat yung passion mo ganun parin maski hard news ang hahawakan mo o pulitika o pulis.

Yun po ung boss niyo sa Liwayway o Balita na?
DB: Sa Liwayway pati din yung sa Balita. Ang boss ko naman sa nung lumipat ako sa Balita noon ay si Marcelo Lagmay. Siya yung naging presidente ng National Press Club ng limang terms.

Iba po talaga yung impact sa inyo sa Liwayway kasi syempre fresh grad?
DB: Oo kasi para ring baby ka na bago ka makalakad may aakay sayo yung parang yun aalalay sayo tapos eventually pababayaan ka nang makalad na sarili mo ganun din sila, ganun din yung naramdaman ko.

Kaya ngayon naman kapag may bagong bago ring napunta sakin sa loob, ganun din ang pagtrato ko, tinutulungan ko rin, di gaya nung iba di ako strikto, ginagaya ko rin yung napagdaanan ko sa mga boss ko. Kung ano yung pagtrato mo sa mga kasama mo, mararamdaman dun sa product mo.

Ano po yung masasabi niyong pinaka magandang alaala ninyo bilang isang batang manunulat? Siguro starter sa Liwayway or ano…?
DB: Yung interview ko okay Celso Ad Castillo yung direktor na tinatawag nilang “Phantom El Terible”. Siya yung iniidolo nila Peque Gallaga. Ang tingin ko henyo siya.

Na-interview niyo po?
DB: Oo, na-interview ko siya. Parang lahat ng sinsabi niya eh parang ano parang aklat na treasure na di mo maintindihan! Sasabihin niya, ‘ang buhay natin dito sa mundo ay parang pagpapahinga lang sa..’ yung isang linya niya eh.. ‘nagpapahinga ka lang sa lilim ng isang puno sa gitna ng ng isang mahabang paglalakbay’.. (laughs) Tiyaka marami pa! Sa, halimbawa, sa showbiz daw, kahit na “you made it na”, walang magsasabing “you made it na”

Marami pa, marami pa. Memorable din sakin nung panay gawa ni Carlos J.Caparas na massacre movie, na kinukuyog ako ng mga colleague ko na bakit ko daw tinitira, nakakagulo daw sa industry.. ang sabi ko, hindi na film making yung ginagawa niya, manufacturing na so gumawa nalang siya ng sardines.

Di naman nagalit si…
DB: Galit syempre! (laughs) Noon pako notorious! Marami pang iba, mga awards night na, mga awards night na hindi karapat-dapat yung mga nananalo, sabi ko, bakit ganun eh kung saan dapat yung karangalan, nandun yung mga di karapat dapat mabigyan ng karangalan.

Pero ngayon po yung kamakailan…
DB: Hindi ko alam kung bakit kailangan [ni Joey De Leon] magalit. Analysis yun eh, hindi pag-uulat. Kasi nakuha ko yung feedback dun narin sa mga kasama nilang isinama nila sa U.S. na dinedepensahan na hindi naman totoong unsuccessful.

So, pinapili [ni Joey De Leon] yung management. Nung una sabi niya, magpapahinga na muna siyang magsulat hanggat hindi ako nagre-retract dun sa story ko, hindi siya magususulat. Hindi –magbabalik lang siya kung na-retract ko na. Hindi nga ako pinag-retract. Dun nagkaroon ng deperensya.

Pero tinuturi niyo po iyan bilang isang importanteng alaala? Meron po bang mga learning experiences sa mga ganyan na…?
DB: Ang learning ko dun eh yung isabahagi mo parin kung ano yung values mo kasi sumama yung loob ni Joey kasi hindi siya nanalo sa Bulletin. Binago niya yung game plan niya, nag-banta naman siya sa GMA na kung makikita pa ako sa GMA, magre-resign siya sa mga shows niya (laughs). Totoo yun, I prayed. Yun ang parang sagot sa akin, “turn the other cheek” sinabi ko na, “hindi ako pupunta [sa mga invites] kasi ayaw kitang mawalan ng show”

Kaya tinagalan ko yung entertainment eh, may pwede ka pa rin gawin kasi yung iba glamour, ako di glamour yung hinahanap ko eh

Malakas talaga hatak ng entertainment sa masses
DB: Kaya sabi ko nga, ‘ay, okay na rin kasi gusto ko syempre defense, kung may encounter, kasi sa pinanggalingan kong place is sobra yung insurgency so yun sana ang gusto kong ma-ano na, sana mailabas ko na yung kung ano yung tunay na nangyayari sa countryside, sa insurgency. Kaya yung pangarap ko noon sa military sana mailagay, sa National Defense.

Pero masaya na rin kayo sa entertainment?
DB: Eventually, minahal ko na rin. Pero talaga, pampanitikan ako eh, may mga short novels akong mga twenty siguro

Wow!

Hmm. Romance novels, yung kasama ko sila Neri Catabral… yung mga binabasa sa palengke makikita niyo

So, passion niyo talaga is to…?
DB: To write.

Eh diba meron kayong, kahit entertainment meron kayong ‘unveiling the truth’ na pag writing, malakas din talaga yung hatak ng ganon…?
DB: Yung life as a journalist kasama yung family, pano yung masu-survive yung [pamilya]
Ganun pag may pamilya, hindi mo na iniisip ang sarili mo.

So yun po yung motivation niyo ngayon? Kaya kayo nagwo-work talaga dito sa trabaho niyo… and the values!
DB: uh-hmm. Siyempre.

Kung sakali po –diba pag may mga problema kayo, kunwari yung nangyari kay Joey de Leon, di po ba kayo nababahala?
DB: Nabantaan aka kasi tulad niyan nakatanggap ka ng –akala mo kung sinong perpekto pasabugin ko ang utak mo… yung ganon.

Mabuti nalang yung National Press Club pumasok na pinag ano siya, pinag-public apology [si Joey De Leon], sinabi ba naman niyang “yung lola ko pumapatay ng press people” –ang lupit sa akin non! O, diba? Ako ang kaaway niya nung nagpapatawa siya ng ganon

Pero pag-graduate pag-graduate niyo derecho na kayo sa work, talagang alam niyo na –
DB: ’89 ako nagsualt, nag-graduate ako ng March ’89 diba? June, nandito na ako.

Nag-aplay po kayo, or may kakilala?
DB: May kakilala ako sa research sa Malacanang, Cory time, sabi niya ‘mag-apply ka dito, pwede ka dito’. Nag-apply ako dun, eh ang tagal-tagal, walang balita… gumawa nga ako ng maikling kwento… Dinala ko, nung kaarawan ko mismo, sa Liwayway,

Bumalik pa rin ako after one week. Ah! Kasi pala nagsabi siyang balikan mo kung ano’ng resulta niyan so one week bumalik ako at sabi sa akin. So pagpasok ko sabi ko, “sir ako po si…” nagpakilala ako “oo, nabasa ko tong short story mo” – yan yung boss na sinasabi ko “may trabaho ka? Sa akin ka nalang magtrabaho.” Para akong lumilipad. Hindi naman niya ako tinatanong kung ‘ano bang natapos mo? Saan ka ba galing?’ lumilipad ako kasi nabasa lang niya yung short story ko, kinuha niya ako. Ibig sabihin, sabi ko, siguro marunong akong sumulat! (laughs)

Ano po yung buong pangalan ng editor niyo noon sa Liwayway?
DB: Rodolfo S. Salandanan. Kasama non sina Edgardo Reyes sa Bagong Dugo, nila Efren Abuen, ahh Dominador Mirasol, yung sa Pilipino natin sa mga Agos ng Disyerto, batch nila yon. Yung mga writers.

Huling tanong nalang ho, kumbaga ano po yung mabibigay niyong mensahe sa mga [gusto rin maging journalist]
DB: Mahirap. Mahirap, pero masarap. Kasi, yung iba para makatulong sa parents nila, mangingibang bansa. Ayoko. Ang trabaho nandito. Ang dami-dami pwedeng gawin. Ang dami-dami pwedeng pag-usapan.

Oo nga.

Ang dami-dami. Lalo na ngayon, nasa information stage tayo, yung di pagkakapantay ng impormasyon ay ang nakukuha natin. Sobra. Para sa akin, lalo na dun sa mga nag-aaral, hindi sila nagkamali kung gusto nilang i-ambag sa pag-unlad ng bansa.

Yon parang hindi ko kaya. Wala akong gagawin eh. Nandito [sa Pilipinas] talaga ang trabaho. Hindi, magsusulat ka sa iba, kabisado mo ba ang kultura nila? Diba? Yun lang.

Maraming Salamat, po!

DB: Maraming salamat din!

Dindo Balares was born on June 20, 1967 in Bula, Camarines Sur. He graduated from the Ateneo de Naga, where he majored in literature. At the time of the interview he was entertainment for Balita.

No comments:

Post a Comment