Wednesday, August 20, 2008

Oral History of Brenda Del Rosario


Interviewers: Erika Bernasor and Angela Alexis Valera

Good Morning I am Angela Valera, I’m Erika Bernasor and we’re here to interview Ms. Brenda Del Rosario of Village Voice.

B&V: Paano po kayo naging journalist?

DR: Actually, I started sa media way back in 1980.Yun yung recession, mahirap maghanap ng trabaho and at the same time, during that period kasi di na gaanong ina-ano kung whether you’re a college graduate or not, but during that time kina-count na kung sino yung kakilala mo and not your talent.

B&V: So, about the connections po?

DR: Yeah!

B&V: Describe your early years as a journalist.

DR: I started as a news correspondent of Bongga newspaper, it was the first entertainment newspaper here in the Philippines and was published by Manila Chronicle, sister publication kami ng Manila Chronicle. Way back in 1988 ang beat ko, we call it patay na beat, kasi sa tabloid (Bongga was a tabloid) may buhay na beat tsaka patay na beat.

B&V: Ano pong pagkakaiba nun?

DR: Ang buhay na beat sa tabloid yung mga police stories, Malacanang, Senate. Kasi yun ang mabili sa tao. Kasi di ba usually sa tabloid sensationalized. Tapos ang binato sa akin noon is the DECS. Tapos naging reliever ako sa senate, reliever lang, then sa defense, and then sa police, reliever din. Ang pinaka-beat ko nun is yung cause-oriented groups. During that time, 1988, kalakasan noon nung LFS, KMU, so noon pag magra-rally pa lang alam ko na kasi tinitimbre na sa akin. So alam ko na kung may pasok o wala.

B&V: Bakit niyo po naisipang mag-journalist?

DR: Actually kasi bata pa lang ako, I want to see my name sa newspaper, pero hindi yung wanted ha. Nung elemtary, high school ayaw nila eh. Ayaw nila, kasi gutom ang journalist. So at that time nag-apply ako sa Philippine Match Co., nag-aantay ako ng tawag eh ang tagal-tagal, super ang tagal-tagal, siguro ilang buwan na. Gusto ko nang kumita. So sabi nung parang mentor ko, “Why don’t you join in the newspaper? Gusto mo bang maging reporter? Pero, maliit ang sweldo. Tiyaga-tiyaga lang.” Parang pamatay ng oras, tinanggap ko. Tapos, di sinimulan ko yung first, talagang umiiyak din ako nun. Nung after nun sinabi ko dun sa mentor ko na writer, talagang magaling siya, and her name is Tala Contreras. Tinanong ko siya kung may potential ba ako sa journalism, tas nung sinabi niyang oo, tinuloy-tuloy ko na.

B&V: Nung high school po ba kayo, college, part po ba kayo ng student publication?

DR: Nung elementary. Staff writer ako.

B&V: So may parang background na po talaga kayo?

DR: Background-backgroundan. Kasi ang elementary kasi usually pagsusulatin ka pero sa ang gumagawa talaga nun yun teacher, we have to admit it. Kahit sa high school and college, ine-edit yan e.

B&V: Mapunta naman po tayo sa Village Voice, describe it in terms of its physical location. Kasi po sabi sa amin, most newspapers were traditionally located in Intramuros.

DR: In Port Area. Kasi, the reason why bakit sa Port Area kasi di ba kapag dun mo pinublish yung newspaper, madali siyang i-transport to other places, that’s the reason. Eto kasing Village Voice, naging bahay to ni Mr. Roces, i-kinonvert lang ito into an office.

B&V: Eh yun naman pong physical facilities?

DR: This is the typical newsroom(shows the place). Ang typical newsroom kasi, yung mga mesa magkakadikit. The reason why, is halimbawa yung editor, he wants to verify something, madali kang kausapin. Yun yung sa free press (points to a place in the corner), dun yung sa layout(points to another corner). We’re using the old style na kina-camera pa yung bawat page. And then we have the stripping, hindi yung nag-aano ha (demonstrates, then laughs). Yung stripping yung naghihiwa-hiwa.

B&V: Yung mga tao po dito, mga co-workers?

DR: Tao sila. (laughs) Okay naman.

B&V: Yung publisher, editor?

DR: Ang publisher namin is the famous Roces family. Kamag-anak sila ni Don Joaquin Roces, Chino Roces, kung alam niyo yung history nila, part rin sila ng media.

B&V: Eh yun naman pong working conditions? Kung ilang hours, may holiday?

DR: For the reporter?

B&V: Opo.

DR: Kasi ang reporter kung tutuusin 24/7 ang trabaho nun. Hindi uso ang holiday, hindi uso ang bagyo, hindi uso giyera. Hangga’t may nakukuha kang istorya, you have to work. Ganun, imomonitor mo.

B&V: Kung hindi lang po offensive, yung salary, okay naman po?

DR: Ang salary kasi ganito. Meron tayong tinatawag na news correspondent, meron tayong tinatawag na reporter, meron tayong tinatawag na staff writer. Usually, when you say news correspondent, sa diyaryo ang binbayaran dun per story. Kahit isang daang storya ang isubmit mo, pero hindi lumabas, wala kang bayad. Kaya masasabi ko majority nung mga reporter talagang underpaid. Dyan na pumapasok yung mga sinasabi nilang nang-oorbit, nanghihingi, nangbablack mail. Minsan hindi natin masisi kasi kulang na kulang and at the same time may mga publisher na balasubas, totally hindi nagbabayad. If you want to submit story, sige gagamitin namin, ipupublish naming, pero walang bayad. Merong ganun and nagyayari yun hanggang ngayon.

DR: Ang chairman namin is Mr. Pineda, ang president namin is Mr. Antonio Roces and ang publisher namin is Mr. Joaquin Roces.

B&V: Were you ever a ‘cub’ reporter?

DR: Syempre. Once na nagstart ka. Lahat ng reporter dumadaan sa pagiging cub reporter. When you say ‘cub’ reporter ito yung rookie, bagito. Pag cub reporter ka at medyo mahingin ang dating mo, minsan yun yung mga tinatawag namin dun kinukuryente. When you say kinukuryente, not yung literal na kinukuryente, kung minsan ififeed ka ng story na hindi totoo. Tapos pag sinubmit mo, di ilalabas yun, sasabihin nakuryente ka.

B&V: Saan po kayo nagstart mag-work?

DR: Sa Bongga, sa Manila Chronicle. After that, I settled down, sandaling-sandali lang. I tried sa corporate world, kaya lang siguro parang calling na rin. Iba kasi yung time dito, yung pasok, yung oras. Bumalik ako sa diyaryo, sa Sun.Star Manila. Nag-close yun, nagkaroon ng RP Daily Expose, wherein doon naging senior sub-editor ako. And then after that, umalis ako, naging contributor ako sa iba-ibang magazine. Sa isang magazine, political magazine kasi 2004 election yun, eh awa ng Diyos di kami binayaran nung publisher. After nun nag-apply ako dito sa Village Voice, fortunately tinanggap ako. That was 2005 hanggang ngayon andito ko.

B&V: Talk about the first beat.

DR: Yung first beat, yung mga cause-oriented groups, usually yung mga maka-kaliwa, the KMU, the LFS, the ACT, CEGP, Editors League of Filipino Students, Kilusang Mayo Uno, and then yung mga iba pang cause-oriented groups na di gaanong ano..So mostly nacover ko na yung mga leftist. Nung time na yun, that was in 1988, minsan kapag nag-cocover ka nun, makikita mo yung tututukan ng baril yung mga rallyista, pero hindi ka naman pwedeng gumitna kasi pag pumutok yun, patay ka. So ang SOP nun, pag nag-cocover kayo ng rally, nakapuwesto kami sa may pulis, kasi pag sa pulis ka may lumipad man sayong bato o pillbox, makikita mo. Eh pag dun ka sa rallyista, pag lumipad yun bala, hindi mo makikita yun.

B&V: So yun yung other important lessons learned?

DR: Dapat kasi pag reporter ka, as much as possible, you must be apolitical. Dapat ide-detach mo yung sarili mo, kasi the idea is to gather infos to report what is happening, as much as possible, wag mong..kung ano yung feeling mo.. sakin kasi personally, minsan kasi pag nagiging emotional tayo yung write-up natin nagiging biased. So dapat kahit galit na galit ka, halimbawa may nakita kang rally. Ok, pinalo ng pulis, which is common, nung pinalo ng batuta, edi yung rallyista, kukunin mo yung side, “Ano naramdaman mo, ba’t ganun ganun ganun?” But at the same time, you also have to get the side of the police, kasi sabihin mo ng dehado yung rallyista kasi talagang bugbog-sarado or what, kaya lang ang pulis din kasi minsan, hindi mo ma-aano yan dahil tao din yan, minsan minumura, dine-dirty finger, iniinsulto, so yun nate-tempt. Kung ano man yung nagagawa nila, dahil dun.

B&V: Who are the other people on that beat?

DR: Marami. Usually kasi sa isang beat kasi nagkakaroon ng isang ‘press core’. When you say press core, yung samahan ng mga reporter for that particular beat. Kasi during that time, meron pa pala akong isang beat nun, the DPWH. Member ako ng DPWH press corps, pero marami kami, kasi usually, bawat diyaryo merong representative na reporter, so marami.

B&V: So dun na tayo sa editors and deadlines. Meron pa ba kayong memorable editors? Why?

DR: Oo. Kasi merong mga editors na… Kasi nung dalaga ako medyo payat ako, medyo mukha pa akong ano. So, one time umattend ako noon ng press core, yung induction ceremony ng Manila DPWH press core. So, medyo naka-ayos ako nun, naka-takong, naka make-up, nakabistida, pagdating ko nun sa office, kasi nandito ko sa fax, we have to go to the office, we have to use the typewriter to do your stories. Kailangan magtatype ka talaga. Binati ako nung editor, “Uy, mukha ka palang tao!” Di ko alam yung secretary naming ano niya, nagkataon yung storya ko nun banner, yun yung other term for headline. So nung time na yun, headline yung story ko. So turn to page 2, pagkaturn sa page 2 wala dun yung storya ko, yun pala nainis yung secretary, tinanggal yung storya ko, pero headline yung story ko. Nagreklamo ako sa editor, eh na-overlook daw. Tapos mayroong time na pag hindi ka type nung editor, kahit sampung beses ka magsubmit ng storya, di niya ilalabas yung storya mo, asar talo.

B&V: What’s your attitude towards deadlines?

DR: When you say deadlines, yun talaga yung dapat naming sundin or else di magagamit yung storya namin. Like for example, Makati Village Voice, our deadline here is every Thursday, so kailangan within Thursday afternoon nasubmit ko na yung story ko dahil kung hindi, hindi na siya lalabas. Lalo na kung may time element talagang malabo na yun, kung walang time element swerte mo.

B&V: Any memorable colleagues?

DR: Ah oo, yung inaway ko.

B&V: What made them unforgettable?

DR: Yung binato ko ng silya. (laughs)

B&V: Dito sa Village Voice?

DR: Not here, in other publications. Kasi ang mga writers sinasabi nilang may paltik. They have these writer moods. May mga moods kami. And we’re also prone to bull session, kaya di mo maiwasan na minsan na kapag nagkakabull session kayo nagkakapersonalan. So lalabas na yung mga galit, sama ng loob, mapupunta sa away. Pero tipikal yun. Kaya nga hindi ka pwedeng maging reporter kung hindi malakas ang loob mo. Tsaka dapat pag reporter ka, tsismosa ka. Kasi halimbawa kapag may narinig ka, “Uy, si ganito, ganyan”, pag alam mo yung topic nay un medyo importante, kontakin mo yung tao. Tanungin mo, “Sir totoo po ba na ganito ganyan? Kasi po may lumabas po na ganito ganyan.” Eh di may storya ka na.

B&V: So kailangan po, madiskarte ka rin?

DR: Ah, oo. Dapat talaga.

B&V: Ano po yung mga best memories niyo?

DR: Syempre dun ko nameet yung asawa ko.

B&V: Ah, so reporter din po yung asawa niyo?

DR: No, photographer siya and my father-in-law. He (my father-in-law) is the first photo editor in the Philippine newspaper, siya si Jose Piping Del Rosario, multi-awarded sports photo journalist. Gustuhin ko man o hindi nasa part ng history ng biyenan ko.

B&V: Ano pang mga significant events ang na-cover niyo na?

DR: Usually, rally. Mostly sa estudyante.

B&V: So madalas po kayong nakikita sa Mendiola?

DR: Madalas akong makita noon sa TV, way back 1980s.

B&V: Ano naman pong event specific naman? Katulad ng sa EDSA I, II tsaka III.

DR: Nung EDSA I, II nasa desk na ako nun. Pero nung time na sa mga estudyante, nag-aano yung mga estudyante because of the tuition fee, because of the military bases. I remember once, nakasama ako dun sa sinasasabi nilang LAKBAYAN, Lakbay ng Bayan, against military bases. Wherein from Manila nagpunta kami ng Clark, then natulog kami sa…, kasi I want to experience e. Mas maganda kasing magsulat kung na-experience mo yung isinusulat mo. So natulog sila sa kalye, natulog din ako sa kalye, pero may bantay ako syempre nasa media ako. Tapos after nun tuloy kami ng Subic, hinarang dun. Tas nakita ko na yung ibang reporter dun, di syempre dun na ako sa mga reporter. They call it LAKBAYAN. Yung dito sa Village Voice, although community to, yung nangyari sa (Village name). Kasi, last year nagkaroon ng parang gulo sa village and then may mga nangyari dun na talagang it really affected the community, the whole community. Ako lang yung journalist na nakatutok dun, kasi nga since Village Voice is a community newspaper, hindi sila gaanong binibigyan ng pansin sa broadsheet or tabloid, unless na talagang malaking-malaking istorya.

B&V: Nandun po ba kayo sa Manila Pen siege?

DR: Nandun yung barkada ko. Yung kaibigan kong photographer. Actually, isa siya sa napick-up. Kasi ako rin dapat nun pupunta, kaya lang nung time na yun, eh nagkakagulo na kaya di na ako pinayagan tsaka dapat may icocover din ako nun sa Manila Pen, pero nung hindi na nga makapasok, sabi ko, “Why should I go?”

B&V: Swerte rin po kasi di kayo nasama?

DR: (laughs) Hindi nga eh. Gusto ko ngang masama eh. Mas masarap masama.

B&V: Experience po?

DR: Oo. Tsaka alam mo sa aming mga journalist meron kaming parang biruan na hanggat di ka pa nadedemanda ng libel, di ka pa “made”, pero biruan lang yun. Actually we don’t like libels, kasi ma-ano sa oras. Kasi aatend ka sa hearing. Kasi ako naka-dalawa na ako, kaya “made” na ako. Nung first time ko nun, talagang natawa ako nun kasi napagalitan ako ng fiscal. Kasi, dun ko naranasan yung (demonstrates). Kasi napapanood ko lang yun sa sine. Tapos, di ko talaga maimagine na gagawin ko yun sa tunay na buhay. Natawa ako nun, pingalitan ako ng fiscal. Tapos aattend ka sa hearing. Ang nakakainis kasi dun, alam mong harassment lang. Okay lang na idemanda ka ng libel, kung yung istorya mo eh kalibel-libel. Pero yung idemanda ka ng libel just because they want to earn, they want get money from you, yun ang nakakainis. Merong mga ganung tao.

B&V: Eh yung significant event na malala, katulad nung Abu Sayyaf, NPA. Di pa naman po kayo napapdala dun?

DR: Inaantay ko nga e. (laughs) Masarap, fulfilling. Pero yung husband ko as photographer, nasasama na rin siya nun; sa Malacanang noon, yung sa Mendiola Massacre, yung mga ibang friend ko andun. Pero personally wala. Yung sa mga rally-rally lang sa estudyante, yung mga nagpapaluan, tinututukan ng baril, minsan natututukan kami ng baril. Minsan yung kasama naming napapalo yung lente ng camera, syempre mahal yung lente ng camera. So syempre yung photographer since nasa media siya, mumurahin niya yung pulis, kasi pinalo yung lente niya.

B&V: So all in all, masaya ba kayo?

DR: Hindi ako magtatagal sa diyaryo mung di ako masaya. Kasi sabi ko nga, financially-wise mahirap sa diyaryo. Kaya nga yung iba yung sinasabi nila na ACDC, naiinvovlve sa ganun. Di naman lahat sa media corrupt, may ibang hindi corrupt. Kaya lang mabibilang mo sa daliri mo yung corrupt sa hindi corrupt.

B&V: Ahh, thank you po!

Brenda Del Rosario was born on July 16, 1965 in Quezon City. She graduated from the Polytechnic University of the Philippines in 1986, majoring in marketing management. She has worked for several magazines and news publications. She is currently a news correspondent for Village Voice, a community newspaper, published weekly and distributed in selected places.

No comments:

Post a Comment